Tatanong ko lang po, may anak po kasi kami ng ex ko, 4 years old napo daughter nmin, hndi din po kami kasal. Sakanya nakaapilido yung bata. Sinusustentuhan naman po nya pero 500 mnsan bnbgay nya kasi nga kulang din sinsahod nya. Tanong ko lang po sna, may karapatan ba ako ipakulong sya o idemanda sya pag tinigil nya pagsusustento sa bata? Salamat sa sasagot.
Di kami kasal, may right bako idemanda sya pag di nya tinuloy sustentuhan anak namin?
May karapatan ka na magfile ng Petition for Support sa korte maaring humingi ka ng tulong kung paano ito gawin sa opisina ng PAO o sa mga IBP offices may mga free legal aid sila. Maari ring ipakulong o magfile ng kriminal case kung ayaw talagang magbigay ng suporta under RA. 9262, otherwise known as the “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004. Kaya lang kung may kaso na siya at makulong later on mahihirapan ng syang magbigay ng support dahil baka makulong siya.
Papaano po pag nakulang na kunwari ang enireklamo. Then, natapos na niya ang kanyang sentinsiya at nakalaya na, pwd po bang mag habol ulit ang nanay ng bata para sa support ng anak nila ulit?
Pwede naman pero tandaan ang taong may kriminal record medyo mahihirapan na din yang makahanap ng trabaho. Sa NBI palang medyo matagal pa mapaclear ang record after serving sentence kung sakali. Dapat tandaan hindi naman habang buhay ang pagbigay ng support maaring 18 years old and beyond until makatapos sa pag aaral ang bata. Kung sakaling ang anak mo ay physically or mentally may kapansanan na hindi kayang alagaan ang sarili maaring habang buhay ang pagbibigay ng support. Kung sakaling mawala ang kanyang ama at may mga property na maiiwan may habol din ang anak mo.
Lagi kasi kami nag aaway, parehas kaming my bagong karelasyon ngaun. suporta lng hinihingi ko sknya, ngbbgay naman nga po sya. pero nung ngkaron kaming mtinding away. snabi nya sakin na ititigil ndaw nya suporta sa bata,tnakot ko sya na ipapademanda ko sya. Nag away dn kamii ng girlfriend nya, binantaan ko sya na wag lang magkrus landas namin dhl malilintikan sya sakin at baka masampal ko sya. Pwede nya ba akong kasuhan sa banta ko na yun? At halimbawang gawin ko nga yun pwede ba nya ko idemanda?
Oh sa ginawa mong pagbabantay ay maaring makasuhan ka ng grave threats o kaya other light threats if nasabi mo yan in the heat of anger. Mas lalo na if gagawin mo yan maari kang makasuhan ng physical injury kaya dapat mong pag isipan ang gusto mong gawin baka ikaw po ay makulong kapag hindi mo kayang kontrolin ang galit mo.
Ah. Okay po. Mraming salamat. Ano po pala magiging tawag sa babae ng tatay ng anak ko (ex ko) di naman po kami kasal nung ex ko. and ngayon po parehas kami meron ng new relationship, hndi po ba kabit tawag dun sa babae nya?
Sa tingin ko hindi mo dapat tawagin siyang kabit dahil hindi naman kayo kasal ng ex mo pareho lang kayo gf lang din.
Ah okay po. Dati po nung nalaman ko na may girlfriend na yung ex ko inaway ko po yun. marami po akong sinabi sknya na pangit at masasakit na salita. Pwede rn po ba nya gamitin yun pag dinemanda nya ko?
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.
Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.
If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.