Dilang Anghel: Prediksyon sa 2022

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Nanghihinayang ka ba dahil di mo nasunggab ang mga oportunidad nitong nakaraang taon? Gaganda ba sana ang buhay mo kung nahulaan mo sana ang pangyayari bago ito maganap? Maaaring magdilang anghel ang hula ng iilang eksperto. Pwedeng gamitin ang mga prediksyon na ito para makahanda o makaplano para umangat sa 2022.

1.     Patuloy ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin – Ang inflation o pagtaas ng presyo ay patuloy na makikita sa mga bilihin. Sa kabila nito, hindi gaano tataas ang sahod ng mga mangagawa o empleyado. Samakatuwid, liliit ang kita ng simpleng mamamayan, dahil mas lalaki ang pagtaas ng presyo kaysa sa pagtaas ng sahod. Maaaring protektahan ang halaga ng iyong ipon sa banko sa pamamagitan ng pagbili ng mga ari-arian na di gaano naaapektuhan ng pagtaas ng presyo.  Halimbawa, maaaring gamitin ang ipon upang bumili ng ginto, lupa o iilang kumpanya sa stock market. May mga iba rin na namumuhunan ng kaunti sa cryptocurrency tulad ng bitcoin. Kesa nakatengga lang ang cash sa banko na maliit lang naman ang interes, at nababawasan pa ang halaga nito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
2.     Matatapos ang Pandemya – Ayon kay Bill Gates, isa sa pinaka mayaman na bilyonaryo sa buong mundo, malaking tsansa na mawawala na ang pandemya sa 2022. Ito ay dahil marami na ang mababakunahan, at inaasahan na higit sa 80% ng populasyon ng buong mundo ay mababakunahan na sa 2022.  Buti na lang din at ang bagong Omicron variant ay mukhang di gaano malala ang epekto, lalo na sa mga nabakunahan na.
3.     Bibilis ang pagsulong ng teknolohiya – Dahil sa pandemya, dumami ang mga taong natutong gumamit ng internet, online shopping at online cash payments. Kaya’t dumami rin mga negosyong may kinalaman sa teknolohiya ang nagsilabasan. Marami ring mga social media companies o mga virtual artists o online creators ang kumikita dahil dito. Kung naghahanap ka ng bagong pagkakitaan o negosyo, mabuting pumasok sa negosyo na may kinalaman sa bagong teknolohiya.
4.     Pagtama ng asteroid sa mundo – Limang daang taon ang nakalipas nang tila nahulaan ni Nostradamus ang pagpatay sa isang pangulo ng Estados Unidos at ang pagdating ni Hitler na nagpasimuno ng World War 2.  Kaya’t marami ang naniniwala sa kanya at patuloy na pinagaaralan ang mga iba’t ibang prediksyon niya. Isa sa prediksyon ni Nostradamus na tila nasa 2022 ay ang panganib na tatama ang isang asteroid sa earth.
5.     Pagbaha sa mundo – Dahil sa pagbabago ng klima o climate change, dadami ang pagbaha sa iba’t ibang parte ng mundo, kasama na ang Pilipinas. Kahit itong mga nakalipas na taon pa lang, kasama na ang 2021, nakita natin ang paglala ng panahon tulad ng sobrang init o pagbuhos ng matinding ulan at bagyo. Patuloy natin makikita ang epekto ng climate change sa 2022, ayon sa mga eksperto.  
6.     Dadami ulit ang tao sa mga siyudad – Madaming naguwian sa kanilang probinsya noong pandemya. Etong 2022, maraming magbabalik na negosyo at opisina, kaya’t unti-unting dadami ulit ang  mga tao sa siyudad.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.