ANO DAPAT INUMIN NA GAMOT KAPAG MAY HEPA B?NAKAKAHAWA BA HEPA B PAG NAKIPAGTALIK O SEX?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ano po ba dapat inumin na gamot pag may HEPA B po? Sana po ay matulungan niyo ako. Gusto nalang po atang mamatay kasi pati ako diring-diri ako sa sarili ko at halos di ko matanggap. Kapa check ko lang po sa araw na ito doc. Reactive po ako sa hepa B.

Alam niyo po sobrang iyak ako ng iyak, halos di ko matangagap. Nakaka depress po lalo na at sabay kami ng bf ko na nagpa test. Negative po sya. At ngayon po ako ay nahihiya sa kanya. Natakot din po ako na baka iwanan niya po ako. Sana po matulungan niyo po ako. Hirap sa pakiramdam. Sarap po talagang umiyak ng hangganan dahil sa sakit ko. Sana matulungan niyo ako. Dahil pakiramdam ko pasan ko ang mundo. Nahihiya ako sa sakit ko dahil baka pati mga relatives ko ay pandirihan ako.

Tanong ko lang din doc. Pag nag contact o nagtalik po ba kami ng bf ko, may possibility po ba na mahawaan sya kahit sa laway lang? Kasi kung oo, ano po ba dapat ko gawin? Hiwalayan ko nalang  ba siya? Saklap nito dok, natatakot ako na baka dakil sa sakit ko ay iwan niya ako. Gusto ko pong gumaling doc, susundin ko po lahat ng payo niyo doc, basta gumaling lang ako. Mahirap lang kami doc at di ko kaya ang mahal na gamotan. Ano po pinakamabisang lunas o gamot laban sa Hepa B? Sana po ay matulungan niyo ako.god bless po doc at sana marami pa kayung matulungan...salamat ng marami asahan ko po ang iyong reply doc.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Menchie Barlan
is a Pharmacist in Australia
Ang HEPATITIS B o Hepa B ay isang impeksyon na sanhi ng VIRUS na nakakaapekto sa atay. Ang sakit na ito ay nakukuha ng hindi mo namamalayan o sa pamamagitan ng pagka-expose sa mga likido ng katawan at dugo nang taong mayroon Hepa.
Karaniwan mga sintomas ay mga sumusunod:
1) Panghihina o pakiramdam na laging sobrang pagod.
2) Banayad na lagnat na may kasamang sakit ng ulo.
3) Walang gana kumain. Masaki tang tiyan na parang nasusuka.
4) Maitim na dumi.
5) Madilaw na ihi.
6) Paninilaw ng mata at balat.
Kusa na nawawala ang virus at maaaring mapagaan ang mga sintomas sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga sa sarili, tamang pagtulog, healthy lifestyle, pagkain ng masusustansyang pagkain at paginom ng maraming tubig. May mga gamot din na maaaring makatulong mapigilan ang lalong pagpinsala sa atay dulot ng hepatitis tulad ng mga halamang gamot o medical na nirereseta ng mga mangagamot. Ang pagkakaroon din ng bakuna laban sa Hepa ay itinuturing na mabisang paraan upang makaiwas sa sakit.
Hanggat maaari umiwas muna sa pakikipagtalik sa iyong bf upang hindi na makahawa, ngunit kung iyong nanaisin talaga, maaari kayo gumamit ng condom subalit walang garantiya na makakaiwas sa posibleng makahawa ng sakit. Huwag panghinaan ng loob, maging matatag at labanan ang hamon ng iyong buhay.

Dr. Audrey Cenera
is a Medical expert in the Philippines
Hi! Puwede po kayong magpacheck-up sa Out Patient Departments of any Public Hospital. Libre po ang konsulta at reseta ng mga kinakailangan na gamot. For now, mas mabuti po sana kung magaavoid muna kayo sa sexual contact para lesser ang chances ng transmission to your partner.

About the author

Dr. Audrey Cenera

Hi! I'm a General Physician who goes on duty in certain clinics.
Profession: General Practice
Philippines