Bakit po kaya hindi ako tumataba, kumakain naman po ako tatlong beses sa isang araw bukod po yung meryenda, wala naman po sa lahi namin mapapayat, ako lang po payat?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Dati da wpo nung bata pa ko ,payat din daw po ako hindi po ako tabain
20 years old na po kasi ako. Mydo nakkababa ng confidence doc e. Underweight po ako
Grade 10 po ako nung nagka migraine po ako
And hanggng ngayo, sakit ko pa din po yun
Ano po kaya pwede kong gawin
Kung ano ano na po tinatake kong vitamins. Wala po umeepek

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Ang pagiging underweight ay maraming dahilan kagaya ng pagkakaroon ng lahi ng mapayat ang katawan at kung minsan naman ito ay maaaring dahilan ng isang sakit gaya ng hyperthyroidism, type 1 diabetes oa kaya nama'y sakit sa bituka.

Narito ang ilang mga paraan sa pagdaragdag ng iyong timbanag.
1. magehersisyo
2. kumain ng mas madalas ngunit maliliit na portion ng pagkain
3. kumain ng mga pagkain na mataas sa calorie gaya ng karne, isda, kanin, itlog, patatas, at tinapay at marami pang iba.

Ang migraine ay ang pagsakit ng ulo na karaniwang may kasamang pagduduwal, pagsusuka at pagkasilaw. Ilan sa mga home remedies kapag nararanasan ang headache ay ang pagpapahinga ng nakappikit ang mata sa isang madilim at tahimik na kwarto, paglalagay ng cold compress o ice pack sa noo at paginom ng maraming tubig.

Narito ang isang article tungkol sa migraine na maaari mongg basahin.
https://www.webmd.com/migraines-headaches/migraines-headaches-migraines
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Migraine po kaya ito? Lagi po kasing masakit ang sentido ko
Salitan kaliwat kanan doc. Tapos medyo masakit sa mata yung ilaw at liwanag tapos may nakikita po akong bubbles sa mata ko
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Posibleng iyan ay migraine. Ang pagkasilaw mo sa liwanag at ang nakikitang mong bubbles sa mata ay ang tinatawag na "aura stage" kung saan nagkakaron ng "sensitivity" sa mga ilaw o liwanag. Maaari kang uminom ng gamot para sa sakit ng ulo sa tuwinang mararansan mo ang panankit ng ulo mo.

Narito ang isang artikulo tungkol sa Migraine na maaari mong basahin upang magkaroon ka pa ng impormasyon tungkol dito,

https://www.healthline.com/health/migraine-symptomshttps://www.healthline.com/health/migraine-symptoms

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.