Humping at Slimming Coffee?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Nagdry hump po kami ng bf ko noong December. 17. Hinawakan niya po yung maselang bahagi ko. Hindi po totally na fininger niya kasi wala maman po akong naramdaman na sakit. Then pinahawak niya po sakin yung kanya po. Pinisil pisil ko lang po and saglit lang po yon. Tinanggal ko po agad yung kamay ko and wala po akong nakuha. Parehas po kaming hindi nilabasan kahit patak po. Nagkaroon po ako ng period noong December. 26-30. Hanggang ngayon po naghihintay pa rin po ako ng pagdating ng period ko. Pang cycle 34 ko na po ngayon. Usually po hanggang cycle 33 lang tinatagal at nagkakaroon na po ako and palatandaan ko din po ang malakas na discharge ko pero ngayon po wala masyado. Nadelay lang po ba ako? Napaparanoid na po kasi ako kakaisip. Hindi ko na po alam gagawin ko. Hindi pa po ako ready sa ganong stage at bata pa po ako. Sana po may makasagot sa inyo. Tanong ko nalang din po kung may effect ba sa cycle ang pag inom ng slimming coffee? May side effects din po kasi ang slimming coffee na ininom ko. Salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Hindi maaaring mabuntis ang babae kung nagdry hump lamang ang isang babae at lalaki.

Ang oagkabuo ng sanggol sa sinapupunan ay mangyayari lamang kung matagumpay na nakapasok ang "sperm celll" ng lalaki sa "egg cell" ng babae sa panahong ay babae ay nag0-"ovulate" o naglalabas ng egg cell matapos nilang magtalik.

Ang pagsasama ng sperm cell at egg cell ay tinatawag na "fertilization" kung saan maaaring mabuo ang isang sanggol.

Samantala, walang gaanong pagaaral tungkol sa epekto ng slimming coffee sa buwanang dalaw.

Ang stress, kulang at sobrang timbang, PCOS, at contraceptive ay ilan sa mga dahilan kung baklit nagkakaroon ng delayed na pagreregla.

Maaari kang magpakonsulta sa isang OB Gynecologist upang mas magkaroon ng kaalaman tungkol sa iyong suliranin.

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.