Ano ang Epekto ng Vape? May masamang epekto ba ang VAPE? Mas Makakabuti ba ang Vaping kaysa sa Pagyoyosi o Pagsisigarilyo?

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines Medical History

Sa makabagong pag-aaral, sinasabing sinusubukang siyasatin ng mga eksperto ang mga seryosong epekto ng vaping. Katulad nalang ng pananaliksik na isinagawa ng UNC Center for Environmental Medicine, Asthma at Lung Biology na ang vaping ay may kaparehong epekto ng paninigarilyo. Ito ay may masamang epekto lalo na sa sistemang imyuno (immune system). Ang mga sumusunod ay ang mga negatibong epekto sa katawan:
 
panunuyo ng bibig

pamamaga ng dila

pagkahilo

ubo

panunuyo ng balat

pagkaramdam ng pangangati

panunuyo ng mata

nahihirapan na makatulog

pagdurugo ng ilong

pagdurugo ng gilagid

pananakit ng ulo

pagkakaroon ng singaw

pangingitim ng dila

paninikip ng dibdib

problema sa paghinga

Sa isang pagaaral, ang mga nkasulat sa ibaba ay mga karaniwan at matinding dulot ng vaping ang kadahilanan nito:
 
1. Panunuyot ng bibig at balat - Ang paggamit ng vaping ay nagdudulot ng dehydration. Ito ay ang kondisyon ng kakulangan ng tubig sa katawan kadahilan kung bakit nakakaranas ng panunuyo ng bibig at balat. Ang vapor o tinatawag na usok o singaw nito ay may kakayahang akitin ang tubig sa paligid. Kapag nakaramdam ng ganitong sintomas pinapayuan na uminom ng maraming tubig.
 
2. Pagkahilo - Ang ating katawan ay may limitasyon. Lahat ng labis ay nakakasama. Nakakaramdam ng pagkahilo dahil ang katawan ay hindi kayang tanggapin ang labis na nicotine. Upang maiwasan ang ganitong pakiramdam gumamit ng e-liquid juice na kaunti lang ang laman na nicotine.

3. Pagiging sensitibo sa caffeine - Ang mga taong gumagamit ng vaping ay nakakaramdam ng withdrawal na sintomas. Napapadalas o kaya nakakarami ng inom ng kape o soda. Karanasan itong nararamdaman ng mga taong bago palang sa paggamit ng vaporizer. Ang karagdagang karamdaman dahil sa pagiging sensitibo sa caffeine ay ang pagkabahala at pagkaranas ng pabago bagong emosyon. Limitahan ang sarili sa paginom ng kape o soda upang mabawasan ang ganitong sintomas.
 
4. Allergies - Halos lahat ng e-juices na inilalagay sa vaping ay may laman na PG / VG. Ayon sa pagaaral ng FDA, ang mga ito ay ligtas ngunit ang PG ay hindi natural kaya naman ang isang epekto nito ay ang pagkakaroon ng allergies. Ang VG naman ay gawa sa gulay kaya naman mas madali itong pumasok sa katawan. Tignan maigi ang nilalaman ng e-juices at kung ikaw ay tinamaan ng allergies mainam na gumamit ng e-juices na VG ang laman.
 
5. Singaw o Canker sores - Ito ay kadalasang naikukumpara sa cold sores. Ito ay maliliit, mababaw na bilog sa bibig o bunganga. Ang kadalasang sanhi nito ay pagkakaroon ng trauma o sugat sa bibig, Ang singaw ay maaaring dulot din ng pagkagat ng sariling dila o labi, o anumang iritasyon sa bibig, gaya ng pagkatusok ng pagkain gaya ng buto ng isda, pagkapaso mula sa mainit na inumin o pagkain, o masyadong marahas na pagsisipilyo, kakulangan sa bitamina at minerals, kung ikaw ay acidic, mahilig sa maaanghang na pagkain, problema sa hormones, pagiging stress at paggamit ng vaping.
 
Ang mouthpice na gamit dito ay maaaring pasukan ng mikrobyo at bakterya na pwedeng pagmulan ng sugat o singaw sa bibig. Panatilihin itong malinis at maayos pagkatapos at bago gamitin.
 
6. Pagkakaroon ng kanser - Ang DNA o deoxyribonucleic acid ang kumokontrol sa mga katangiang namamana o naipapasa sa iyong kapamilya. Ayon sa eksperimentong isinagawa sa mga laboratoryo ng daga, ang usok mula sa e-cigarette ay nakakasira ng DNA sa puso, baga, at pantog. Sinasabing kaunti lamang ang carcinogen na galing sa e-cigarettes ngunit kung madalas naman itong gamitin mas malaki ang tyansang magdulot ito ng kanser.
 
Hanggang ngayon, ang mga eksperto ay hindi tumitigil sa pananaliksik ng kung ano pa ang masamang epekto nito. Sinasabing kinakailangan ng madaming oras, panahon at eksperimento upang matukoy ang mga epekto nito. Kaya naman pangalagaan ang sarili at mainam na magpakonsulta sa doktor kapag nakaramdam ng hindi kaaya aya dahil sa paggamit na vaping.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.