Ano ibig sabihin ng GDP? Ano nilalaman nito? Gawa dito sa Pilipinas

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ang gross domestic product (GDP) ay isa sa mga pangunahing gamit upang masukat ang kalusugan ng ekonomiya ng isang bansa.

GDP

Ito ay kumakatawan sa kabuuang halaga ng dolyar ng lahat ng mga kalakal at serbisyo na ginawa sa loob ng isang tiyak na panahon; maaaring isiping ito ay ang laki ng ekonomiya. Karaniwan, ang GDP ay isang paghahambing sa nakaraang quarter o taon. Halimbawa, kung ang year-to-year na GDP ay hanggang 3%, ibig sabihin, lumago ang ekonomiya ng 3% sa nakaraang taon.

Ang pagsukat ng GDP ay kumplikado (dahilan upang iasa natin ito sa mga ekonomista), ngunit ang pinaka-basic o simpleng pagkalkula ay maaaring gawin isa sa dalawang paraan: una, sa pamamagitan ng pagdagdag ng lahat ng kinita ng lahat sa isang taon (income approach), o sa pagdaragdag ng lahat ng ginugol ng lahat (expenditure method).

Sa totoo, ang dalawang pamamaraan ay hindi magkakalayo ng magiging kabuuan o resulta.

Ang income approach, na tinatawag ding GDP (I), ay kinakalkula sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kabuuang kompensasyon sa mga empleyado, kabuuang kita para sa incorporated at non- incorporated firms, at mga buwis na may bawas na subsidies. Ang expenditure method ang mas karaniwang paraan at kinakalkula sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kabuuang consumption, investment, paggasta ng pamahalaan at mga net export.


Maaaring isipin, ang pang-ekonomiyang produksyon at paglago, at kung ano ang nirerepresenta ng GDP, ay may malaking epekto sa halos lahat ng tao na nasa loob ng ekonomiyang ito. Halimbawa, kapag ang ekonomiya ay malakas, karaniwang makikita ang mababang kawalan ng trabaho at tumataasa ang sahod dahil may demand sa labor o paggawa mula sa mga negosyo upang matugunan ang lumalaking ekonomiya. Ang isang makabuluhang pagbabago sa GDP, kung pataas o pababa, ay karaniwang may isang makabuluhang epekto sa merkado ng stock o stock market. Hindi ito mahirap na maunawaan kung bakit: ang isang masamang ekonomiya ay karaniwang nangangahulugan ng mas mababang kita para sa mga kumpanya, na nangangahulugan ng mas mababang presyo ng stock o stock prices. Talagang mag-alala ang mga investor tungkol sa negatibong GDP growth, na isa sa mga kadahilanang ginagamit ng mga ekonoista upang matukoy kung ang isang ekonomiya ay pababa o nasa recession.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.