Hiwalay sa asawa at hindi makapagtrabaho, dahil maliliit pa mga anak. Ano dapat gawin?

Jermely Olaybal
is in the Philippines

Ako'y may tatlong anak. Nakipaghiwalay ako sa asawa ko dahil sa hindi na maayos ang relasyon namin. Lagi nalang kaming nag aaway. Sa ngayon ako'y nahihirapan dahil hindi ako makapagtrbaho dahil narin sa mga maliliit pa mga anak ko. Anung dapat kung gawin? Ako ay naguguluhan.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Pinky De Leon
is a Retired Government Employee in the Philippines
Marami na ngayon sa ating mga kababaihan ang nagiging Work at Home Mom (WAHM) sa kadahilanang kailangan nilang bantayan at alagaan ang kanilang mga anak. Ang mga WAHM kadalasan ay nagsisimula ng maliit na negosyo mula sa kanilang tahanan upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Kadalasan ang sinisimulang negosyo ay ayon sa kanilang kakayahan, interes o kaya naman ay hobby. Kung hilig mong magluto, mag-bake, gumawa ng mga kakanin o pagkaing meryenda, maaari mo itong simulan sa iyong tahanan at kailangan lamang ng maliit na puhunan. Maari mo itong ialok sa mga kapit-bahay, kaibigan at kamag-anak.

Maari ka rin namang mag-tayo ng isang maliit na sari-sari store, maliit na karinderya, mag-direct selling, o kaya naman ay online shop.

Ang iba pang interes na pwede mo pang pagkakitaan na pwede mong gawin kahit ikaw ay nasa bahay ay ang pang-gagantsilyo, paggawa ng mga Christmas decoration, paggawa ng bag, pitaka o pillows. Maaari ka rin mag-offer ng services gaya ng manicure-pedicure, pag-gupit ng buhok, manahi, magtinda ng pre-loved items o mga gamit sa bahay na hindi na kailangan ngunit pwede pang pakinabangan ng iba.

Alamin ang iyong kakayahan o bagay na may interes sa iyo na pwde mong pagkakitaan habang ikaw ay nasa bahay at maaalagaaan mo pa ang iyonng mga anak.
Wilmor Lovena
is a Business owner in the Philippines
Earn money online, free register po yan, kung magustuhan nyo po, pwede kau mag upgrade ng account.. Click here: bit.ly/ppcmor2

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.