Ang Sikreto sa Matagumpay na Negosyo (Ikalawang Bahagi)

Almario Jr Mendoza
is a Financial expert in the Philippines

Ibinahagi ko nung sa unang bahagi nito ang unang dalawang sangkap ng 4 Ps. Ngayon naman, akin namang ipapaliwanag ang natitirang dalawang bahagi – ang price at ang promotion.


Price

Sa pananaw ng mga consumers, madalas na ikinokonsidera niya sa pagbili ay ang presyo ng kanyang binibili. Kalimitan ay sinusuri nya kung akma ba ang presyo nito bago nya itong pagdesisyunang bilhin. Dahil dito, isa sa mga bagay na kailangang i-analyze ng mabuti ng mga negosyante ay ang presyo ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Ito’y dahil kung ito’y masyadong mahal para sa presyo nito ay baka hindi na ito bilhin ng target customer nito.


Ilan sa mga katanungang dapat isipin mo ay ang mga sumusunod:


a. Ano ba ang halaga (value) ng produkto o serbisyong iyong ibinebenta sa mga bibili nito?

Sa puntong ito ay i-aanalyze mo ang perception ng mga buyers hinggil sa presyo ng iyong ibinibenta. Kinakailangang akma ang presyo mo sa iyong produktong binibenta upang maiwasan ang hindi pagbili ng customer sa iyong binibentang produkto o serbisyo.


b. Ang iyong ibinibenta ba ay price sensitive?

Ang price sensitivity ay nangangahulugang paglipat o pagtangkilik ng iyong customer sa unting pagtaas o pagbaba ng presyo ng iyong ibinibenta. Sa madaling salita, kung itinaas mo ba ng kaunti ang presyo ng iyong ibinibenta ay madali rin bang lumipat sa iba ang iyong customers? Sa kabilang banda, sa unting pagbaba mo ba ng presyo ay tataas ba ang iyong market share o ang iyong customers?

Halimbawa nito ay sa palengke na ikinokonsiderang isang perfectly competitive market, madaling lumipat ang mga customers dahil marami silang pwedeng pagbilhan na nagbebenta rin ng magkaparehong produkto.


c. Nasaan ba ang presyo mo kung ikukumpara sa iyong mga competitors?

Mahalagang bago ka magsimula ng iyong negosyo ay dapat alamin mo ang presyo ng ibinibenta ng iyong mga competitors. Ito ay dahil kung ang iyong produkto ay price sensitive, madaling lilipat ang mga customers kung alam nilang mas mababa ang presyo ng kaparehong produkto sa iyong mga competitors.


Promotion

Ang promotion ay mahalagang aspeto ng isang negosyo. Ito ay dahil sa pamamagitan nito ay dumarating sa iyong target market ang nais mong iparating sa kanila. Kinakailangang malinaw at akma ang iyong promotion sa iyong audience dahil kung hindi, malaki ang chance na hindi nila tangkilikin ang iyong produkto o serbisyo.


Ilan sa mga katanungang kailangang mong isipin ay ang mga sumusunod:


a. Saan at kailan mo i-popromote ang iyong produkto sa iyong target market?
b. Kinakailangan mo bang sumangguni sa press, TV, radio, at sa mga advertising agencies upang iparating sa iyong audience ang iyong produkto? Pwede rin bang direct mail o online na lamang?
c. Kailan ba ang tamang oras at panahon upang i-promote ang iyong produkto? Ito ba ay may season o dumedependa sa klima?
d. Papaano ba nag-promote ang iyong mga competitors? Papaano ba ito makakaapekto sa iyong promotion?


Halimbawa na isang matagumpay na advertisement ay ang ginawang promotion ng Department of Tourism (DOT) na may temang “Its More Fun in the Philippines.” Matatandaang ang budget ng DOT ay hindi sapat para makaabot sa mas malawak na audience subalit nagawa nilang maging matagumpay dala na rin ng online media at ang malinaw na konseptong ipinararating nito sa audience nito.


Nakatulong din ang maaliwalas at nakakatuwang mensahe nito sa madla na madaling nakuha ang atensyon ng target market nito. Bilang resulta, tumaas ang foreign tourist arrivals ng Pilipinas na umabot ng mahigit sa 2 million sa unang limang buwan ng taong ito. Ito ang kauna-unahan pagkakataon na lumagpas ito sa dalawang million sa loob lamang ng limang buwan.



Source: http://artsyswag.com/its-more-fun-in-the-philippines-slogan/1/its-more-fun-in-the-philippines05/


Entrepreneurs will often have amazing business ideas, but they put them on hold due to a lack of capital. They assume that their idea will never get far off the ground unless they have major funding behind them. If you’re thinking of starting a business, you first need to come up with a realistic idea you can turn into a product or service.

Make sure that you build your business around your skills and knowledge. Your friends and family members can help you spread the word, and past business contacts can introduce your brand to their professional contacts as well. When you start a business, there’ll usually be a period when you’re investing lots of time, effort and money before you start making a profit. Before you do this, it’s important to research your market to make sure your customers will really pay for your product or service.

You may have the best business plan in the world, but without customers, your business is nothing. Create a thoughtful customer-acquisition plan and marketing strategy and be prepared to explain it to investors, partners and stakeholders, as this will undoubtedly be the first questions they ask.

Don't be afraid to fail. When you have an idea, figure out the pieces you need quickly, go to market, believe in it, and continue to iterate. If you need more investment, you might be able to raise money to fund your growth plan by selling shares in your business. You can do this by getting friends and family to invest.

Have some written recollection that you are partners, who's responsible for what, and how much money each of you put in.

Ask yourself what people are required to make it work for this idea, for this business?" Eighty percent of start-ups fail because the founders get bored, discouraged, or something else, and they move on to other things, not because of some catastrophe.

Spend a lot of time boiling down what their business is, what it does, and what it represents. If you nail down a 2-5 minute summary that will pay a lot of dividends throughout the life of your business. Do what you know… and love! It will resonate with your customers, employees, and potential investors. And make all the hard work worthwhile. Test it with them and get feedback. Find out what they’d be willing to pay for it. Try out different prices with different customers in a consistent, realistic way to see what people will really pay. Can you make enough money for a return on your investment?

Sa susunod kong mga articles, akin naman ipapaliwanag ang tungkol sa iba pang mga bagay na kinakailangang malaman ng mga nais pumasok sa pagnenegosyo.

About the author

Almario Jr Mendoza

Currently working in one of the biggest Investment Banks in the world. Has extensive experience in accounting, finance, and investments ranging from Bonds, Money Market, and the Stock Market. A member of Philippine Institute of Certified Public Accountants. A graduate of Ateneo Graduate School of Business and University of Santo Tomas.
Profession: Certified Public Accountant & Certified Securities Specialist (Philippine Stock Exchange)
Philippines , Metro Manila , Taguig City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Janeth Raz
is a DOMESTIC HELPER in the Philippines
DATI PO AKONG MAY JEWELRY SHOP ND PO KMI NAG TAGUMPAY DAHIL SA MABABA ANG AMING SALES ANO PO BA ANG MGA DAPAT GAWIN
Almario Jr Mendoza
is a Financial expert in the Philippines
Hi Janeth,

Salamat sa iyong katanungan. Kung ang problema mo ay ang mababang sales, maaaring ang pinaka ugat nyan ay ang hindi magandang location ng iyong store o dili kaya ay ang presyo ng iyong ibinebenta. Maari rin na ang problema mo ay ang hindi enough na promotion dahil napakahalaga nito upang mapalawak ang iyong client base. Ang mga kakilala ko na nasa larangan ng jewelry business ay kadalasang humahanap ng supplier na makakapagbibigay sa kanila ng magandang quality ng jewelry sa mababang halaga. Baka kasi masyadong mataas ang mark up mo o ang tubo mo sa iyong binebenta kaya hindi ito kinakagat ng mga mamimili. Dapat i-assess mo rin ang iyong mga direct competitors. Baka kasi mas maganda ang mga produkto ng iyong mga competitors kumpara sa inaalok mo. Ang mga jewelry shops ay kinakailangang nasa magandang pwesto na kung saan ay dinadaanan ng iyong target buyers. Ang ilan ay gumagawa ng online store dahil mas madali nilang maipapalam sa publiko ang kanilang mga jewelry products. Maaari ka ring gumawa ng online site para mas mapalapit sa iyong target buyers at mapataas ang iyong clients. Maaaring sa umpisa ay mahina ito, pero sa tamang online strategy at marketing campaign, paniguradong mas maraming bibili sa iyong paninda. Ang uniqueness at quality ng iyong produkto ay napakaimportante dahil ang jewelry ay isang produkto na hindi palaging binibili ng mga mamimili. Kinakailangan na maganda ang iyong produkto at sa tingin ng mga mamimili ay mura o sapat ang presyo ng iyong binibenta sa kanila binibili. Ang pinaka huli kong maipapayo ay kinakailangan mo ang malimit o palagiang promotion dahil dito nakikilala ang iyong shop at tumataas ang sales.
Janeth Raz
is a DOMESTIC HELPER in the Philippines
KAYA NAG APPLY PO AKO SA K.S.A PARA PO AKO MAKAIPON ULI NG PANG PUHUNAN

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.