Ano patok na negosyo sa 2017? Raket mapagkakakitaan maliit na puhunan

Rizza Floro
is a Talent scout in Japan

Ang karamihan sa mga tao ay may magagandang ideya tungkol sa negosyo, ngunit isa lamang ang pumipigil sa kanila na magpatuloy sa kanilang ideya at ‘yan ay dahil wala silang sapat na kapital upang magsimula.

Iniisip nila na ang kanilang ideya ay hindi uusbong dahil wala silang kapital o sapat na perang kailangan upang maipagpatuloy ng negosyo. Isa sa mga importanteng sangkap ng matagumpay na negosyo ay ang negosyong pinag-isipan, pinagplanohan, at pinaghihirapan.

Ang mga sumusunod na mga ideya ng negosyo ay hindi kinakailangan ng malaking puhunan.

1. Paggawa ng kandila

Ngayon ay nagiging popular na ang mga espesyal na kandila. Mula sa tradisyonal na uri at anyo nito,marami ng uri ng kandila ang patok ngayon. Maraming mamimili ang nasisiyahan sa mabangong amoy na dala ng mga espesyal na kandila. Hindi laman ito ginagamit upang ilawan ang madilim na parte ng isang kwarto kundi nagbibigay na rin ito ng relaksasyon dahil sa mabangong amoy nito na siyang kinahuhumalingan ng mga mamimili. Isa itong patok na negosyo hindi laman sa marami ang mamimili nito kundi pati na rin mura at madaling mabili ang mga sangkap sa paggawa nito. Kung sasamahan laman ng mabuting pananaliksik at determinasyon ay magbibigay ito ng maraming kita sa negosyo. Pwedi itong gawing part-time o full-time man. Hindi laman ito nagagamit sa mga espesyal na okasyon kundi pweding gamitin kung kailanman gustuhin kaya’t siguradong magakakaruon ka ng kita kada buwan.


2. Pag printa ng mga T-shirt

Ito ay isang negosyo na hindi tumatanda o nawawala sa uso. Ang paghahanap ng desenyo na ipiprinta sa mga damit ay madali lamang hanapin. Maglipana ang mga magagandang imahe sa internet na pweding gamitin. Pwede ring gumawa ng sarili mong desenyo mula sa hugis ng damit hanggang sa larawan na ipiprinta mo dito. Imahinasyon laman ang limitasyon sa negosyong ito. Pwedi kang gumawa ng damit para sa mga magkasintahan, damit para sa mga empleyado ng companya, t-shirt para sa kampanya at iba pang mga damit. Kailangan mo lang tandaan kung magsisimula man sa negosyong ito ay ay dapat na magandan ang iyong desenyo at maganda ang kalidad ng iyong damit na iyong gagamitin.


3. Pag aalaga ng hayop

Kung ano man ang estado ng ekonomiya ng isang bansa, ang mga tao ay pinahahalagahan ang kanilang alagang hayop. Isa kasi ang alagang hayop sa nagpapasaya sa mga tao. Karamihan sa atin ay tinuturing na parang kapamilya na ang mga alaga nating hayop. Ang pag aalaga ng mga alagang hayop ng ibang tao habang ang amo nito ay nagbabaksyon, namamasyal, o nasa trabaho man ay isang magandang paraan upang makakita ng pera.


4. Pagtitinda sa Food Cart

Isang negosyong nananatiling popular ay ang pagtinda sa food cart. Iba’t-ibang klase ng pagkain ang pwede mong ibenta gamit ang food cart. Mura lamang ang pweding ipuhunan sa mga pagkaing pweding itinda dito, gaya ng finger foods, pritong patatas at ibang pang meryendang pagkain. Marami rin ang lugar na pweding paglagyan at pagbentahan ng food cart. Kung gugustuhin mo rin pwedi kang magbenta ng iba’t-ibang pagkain kada linggo o kada buwan. Ngunit isa ang negosyong food cart sa isang mga negosyong maliit ang kita, kaya naman ang susi dito ay ang dami ng iyong mabibenta.Kung gusto mong kumita ng malaking halaga dapat ay pag aralan kung saang lugar ang maraming mamimili.



Ano man ang napupusuan mong negosyo, kailangang tandaan na kailangan ito ng tamang pagsasaliksik. Maaaring gawing negosyo ang kung ano man ang kinahihiligan mo, talento mo man ito o kinahihiligan mo lamang gawin. Dahil sa halos lahat na ng tao ay nakakonekta sa internet madali na lamang ang pagbibenta nga mga produktong gusto mong ibenta.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.