Ang break-even ay isang terminong nagmula sa finance, ngunit ginagamit din sa negosyo. Tinutukoy ng break-even ang sitwasyon kung saan hindi ka kumita at hindi ka rin nalugi. Sa Tagalog, balik-taya ka lang.
Halimbawa: Si Juan ay hindi pumasok sa kanyag trabaho noong Lunes, dahil naisipan niyang pumunta ng casino upang magsugal. Ang sahod ni Juan sa isang araw sa kanyang trabaho ay P500. Kailangang din mag-commute si Juan papunta ng casino at pauwi, at ang pamasahe niya ng balikan ay P50. Kapag nanalo si Juan ng P550 sa casino, balik taya o break even lang siya, dahil kelangan niyang bayarin ang kanyang sarili ng P500 para sa oras na dapat kinita niya sa trabaho (opportunity cost), at kelangan din niyang bayaran ang pamasahe niya. Kapag mas mababa sa P550 ang panalo niya sa casino, talo pa siya (loss). Kapag mas malaki naman sa P550 ang panalo niya sa casino, may kinita siya o profit.