Egg Business: Paano Magsimula ng Negosyong Pagbebenta ng Itlog sa Pilipinas

Mar Ramirez
is a Magsasaka in the Philippines

Small businesses must be resourceful to survive. With smaller budgets, big ideas need to be as proactive as they are cost-efficient, taking into account everything from consistent industry changes, cash flow, customer needs and the unexpected challenges you never saw coming. Hindi mapagkakaila na ang pagbebenta ng itlog ng manok ay isang mapagkakaitaan na negosyo. Ang maganda dito ay madami na ang nag-aalaga ng mga inahin at kinakailangan na lang ma-expand ang production para maging angkop sa commercial market. May ilang bagay lang na dapat isa-isip kung nais mong pasukin ang negosyong ito:

Alamin ang Pangangailan ng Merkado (Market Demand)

Kinakailangan bago ka magsimula ay alamin mo kung mayroong bibili ng iyong produkto at kung saan mo ito maaring maibenta. Karaniwan mas maluwag ang mga requirements para sa mga small- to medium-scale businesses. Pero kung ang nais mo ay mas higit pa dito o maramihan ang benta, kinakailangan mong alamin ang mga requirements ng Food and Drug Administration (FDA) gaya ng pagkaroon egg washing facility.


Dapat mo ding alamin kung may iba pang nagbebenta ng fresh eggs sa inyong lugar. Kahit maari kang mag supply sa mga karinderya, sari-sari store, bakery, hotels, groceries, cafeterias, at mga bahay. Kung marami kayong nagbebenta ng parehong produkto, magiging mahirap ang pagbawi ng puhunan at pagkakaroon ng kita.


Alamin ang Tamang Paghahanda at Pagkolekta ng Itlog

Kung nais mong magnegosyo ng pagbebenta ng itlog, dapat mong matutunan ang tamang paraan ng pagkolekta at paglilinis nito upang maiwasan ang salmonella poisoning. Ang madalas na pagkolekta ng mga itlog ay makakatulong na panatiliin silang malinis at mapapatagal ang buhay dahil hindi mawawala ang natural moisture nito na proteksyon laban sa bacteria. Ang paglinis at pag-iwas sa pagkabasag at spoilage makakatulong din ito sa pagtipid sa production at packaging time.


Tamang classification, grading, naman ang kinakailangan mong pagtuunan ng pansin upang ibang klaseng mamimili ang maaari mong bentahan. Makakapili din ang iyong parokyano ng iba’t ibang sizes ng itlog.


Alamin ang Gastos ng Produksyon (Production Cost/expenses)

Mahalaga sa pag-estimate ng mga gastos ay ang alamin kung ilang sisiw ang kailangan mo para ma-produce ang dami ng itlog na gusto mong ibenta every week. Para makasiguro, humanap ng mga sisiw na kayang mabuhay sa klima ninyo at malakas mangitlog.


Kadalasan ang batang inahin ay kayang magbigay ng hanggang limang itlog kada linggo. Maari mo itong gawing reference para malaman kung ilang sisiw ang kailangan. Makakabili ka ng sisiw mula P30 hanggang sa P40 pesos ang isa. Samakatuwid, upang magkaroon ng limang dosenang itlog o 60 na itlog kada linggo kelangan mo ng 12 – 15 na inahin, o halos P360 – P600 na puhunan sa umpisa.


Ang gastos o expenses ay hindi kalakihan kahit kailangan mong isama ang egg cartons, tubig, kuryente, bedding, supplements at supplies, dahil ang mga manok ay karaniwang pinapabayaan lang gumala para maghanap ng kakainin.


Ang karaniwang hinahanap ng mga high profile customers ay mga itlog na may orange yolks dahil mas malasa sila. Ito ay magagawa kung ang mga inahing manok ay nakakagala sa malawak na pasture para makakain ng damo at grubs. Pero kinakailangan pa ding bigyan sila ng karagdagang sustansya para tumibay ang shells ng itlog nila.


Dark yolks, malasang itlog, at matibay na shells ay makukuha sa tulong ng high-calcium oyster shells, chicken feed, grit, mga kulisap, at paminsan-minsang pagbibigay ng gatas.


Bukod sa sanay na sa local conditions, ang mga manok sa Pilipinas (native chickens) ay maituturing din na organically grown. Ito ay dahil pinapabayaan silang kumain ng mga natural na bagay tulad ng kulisap, garden scraps, dahon, at mga bulate. Maliban sa bakuna, puro natural na bagay na ang pumapasok sa kanilang katawan.


Upang makasiguro na magiging malusog ang mga manok at madami at masarap ang mga itlog, kinakailangang:

· Kumportable ang kulungan

· May tamang egg-catching nesting materials

· Roost na tulugan

· Malinis na supply ng tubig

· Tamang temperature

· Hustong pailaw para sa paglilimlim

· Tamang pagkain


Alamin Paano Kumita (Profit)

Ang isang tao ay kumakain ng halos 260 na itlog sa isang taon at karamihan sa mga ito ay naghahanap ng natural o organic na mga itlog. Mahalaga ding malaman na ang mga organic na itlog ay mas mahal ang benta kumpara sa mga commercial exotic chickens. Dito manggagaling ang kita mo mula sa itlog na binibigay ng iyong mga inahin.


Karaniwang makakaasa na magkakaroon ng 260 hanggang 300 na itlog sa isang taon mula sa isang inahin (hen), lalo na kung ang uri ng manok ay leghorns na isa sa mga pinakamataas mag produce ng puting itlog. Bukod sa production ng itlog, kailangan mong tignan ang mga expenses tulad ng patuka (feed), packaging at delivery, advertising, at pagbabakod upang malaman kung magkano ang kailangang presyo ng itlog para kumita.


Ang average na itlog na kayang ma-produce ng bawat inahin ay 16 sa isang buwan. Dito mo malalaman kung ilang dosena ang production mo. I-divide mo ang gastos sa bilang ng dosena na kaya mong i-produce para makuha kung magkano ang breakeven price. Kung masyadong mataas ang breakeven price, kailangang magbawas ng gastos. Ngunit kapag mataas ang quality at organic ang itlog, maaaring mas mataas ang presyong bentahan nito.


Halimbawa, kung ikaw ay may 6 na inahin, na nangingitlog ng 16 na itlog kada isang inahin bawat buwan, mayroon kang 6x16=96 na itlog sa isang buwan o 96/12= 8 dosenang itlog kada buwan. Kung ang gastos mo kada buwan ay umaabot ng P400, ibig sabihin ay P400/8=P50 ang breakeven price sa kada isang dosenang itlog na meron ka. Sa halagang P50 kada dosena wala kang kita pero wala ka ding lugi (balik taya lang). Para kumita ibenta ang isang dosena sa halagang mas mataas sa P50. Kadalasan, binebenta ang isang dosenang itlog sa mga tindahan ng P60-P72.


Maliban dito, pagkaraan ng 18 hanggang 24 months, kapag nagkaka-edad na ang inahin (Kadalasan mula 6- 18 buwan lang ang pinaka peak production ng bawat inahin), maaari ng ibenta ang inahin para sa kanyang karne o ulamin sa bahay.


Alamin ang Tamang Packaging

Napakahalaga ang panatilihing mataas ang quality ng mga itlog sa pamamagitan ng regular na paglilinis ng nest boxes para maging malinis at safe ang mga kinokolektang itlog at hindi kailangang masyadong hugasan.

Makakapagpaganda rin kung ng iyong karton ng itlog ay may magandang graphic logo na hindi katulad ng ibang brand. Maganda ding ilagay o idikit ang iyong pangalan at telephone number sa labas ng packaging, upang madaling makatawag ang mga suki o ibang gustong umorder. Maaaring gamitin ulit ang mga karton kapag binalikan mo ang ang mga karton sa iyong customers.


Alamin ang Tamang Distribusyon at Advertising

Kapag handa na ang iyong produkto kailangan pag-aralan mo kung paano ang distribution nito gaya ng kung saan mo ibebenta ang mga itog. Halimbawa, ibebenta mo ba ang iyong produkto sa mga sari-sari store, sa mga carinderia, sa farmer’s market, sa palengke, o kaya sa mga restaurants at hotels, o mga natural/organic food stores?


Kailangan mo ding pag-isipan kung may delivery services or advertising ka na gagawin para sa iyong produkto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyong negosyo, ngunit maaaring makakadagdag din ito sa mga gastos. May ilang options na pwedeng pag-isipan sa pagbebenta ng itlog:

· Maglagay ng paskil na “farm fresh eggs for sale” sa inyong gate

· Tuwing umaga maglabas ng stand para sa mga binebentang itlog

· Mag deliver ng regular sa iyong suki

· Kumuha ng pwesto sa palengke

· Ibenta sa palengke o grocery store


Magkakaroon ka ng regular na customers basta maganda at masarap ang iyong produkto. Maari ka ng magsimula ng pagbebenta sa iyong mga kapamilya, kapitbahay, at kaibigan. Sa ganitong paraan, unti-unti mapapalaki mo ang iyong negosyong pagbebenta ng itlog.

Multitasking to keep up with the big guys on a fraction of the budget is why small businesses have become notorious for bootstrapping (using existing resources or with as little capital as possible to solve problems), and being creative about their approach to staying competitive.

Forty-five percent of small business owners said they are worried about looking for new customers, making it their number one overall concern. Small business owners today mention customer attraction and retention as two of their most pressing concerns, but many set aside minimal budgets for marketing. In fact, 25 percent of small business owners report that they don’t spend any money on marketing

Don't do it alone. You need a support system while you are starting a business (and later on). A family member or friend that you can bounce ideas off and who will listen sympathetically to the latest business start-up crisis is invaluable. Even better, find a mentor. Good mentors will make your dreams achievable more quickly. The best mentors are those who have done what you are trying to accomplish before, successfully, and who are helping you for friendship or self-fulfilment reasons. They may be formal Board of Advisor or Director members, friends, colleagues, or interested peers.

Work out. Exercise. Be fit. The stress you are going through is probably the highest you have experienced in your life, and if you don’t work out now, your ability to be at your best will start to fall, quickly. Take a break at lunch and do 30 push-ups, 30 sit-ups, and 30 jumping jacks daily. Work your way up to a solid 20-40 minutes of exercise daily.

Set deadlines and goals for yourself and adhere to them. Determine your goals for your business, write them down and give them to a trusted friend with a date set for 5 months or a year from then to review them with you. On a daily basis, set your goals for the day and at the end of the day review them.

Do what you love. You're going to devote a lot of time and energy to starting a business and building it into a successful enterprise, so it's really important that you truly deeply enjoy what you do, whether it be running fishing charters, creating pottery or providing financial advice.

Don't wait until you've officially started your business to line these up, because your business can't survive without them. Do the networking. Make the contacts. Sell or even give away your products or services. You can't start marketing too soon.


While the journey of every company from start-up to success is different, there are some steps that every business must go through. Buy into your own vision and don’t waiver it just for a pay check. You know your vision better than anyone else, and if you lose sight of it, the world will too. Build the best product you can, and make sure it has long-term value.


1 person likes this
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Ethel Sebastian
is in the Philippines
Kakastart k lng po sa business na pagbebenta ng itlog kumukuha ako sa isang supplier pero masyadong mahal my iam from tarlac kailangan ko po ng farm ffesh egg supplier na masmura.tnx
Iya Barcena
is a staff in Asia/Pacific Region
Hi!

Pwede po ako mag supply ng itlog. Galing sa farm sa Batangas.
John Dumagcao
is in the Philippines
Hi pa email naman po ng price and your contact number, interested po ako for this business......Many Thanks... [email protected]
This post has been reported for abuse
Rogelio Bance
is in the Philippines
gusto ko mag start negosyo layers. paano kaya? help pls.
Sheila Marie  Bueno
is in the Philippines
Isa po akong housewife at gusto ko po sana magumpisa ng egg dealer business. Mganda po ang mga nabasa Kong information. Lalo po akng naging interesado sa negosyo. Ano po b ang dapt ko unahin ang mghnap ng mgging mga kliyente o ang mkipagusap muna sa supplier? Salamt po kung ito PO at mbbgyan nyo ng or as n masagot.
Efren Castor
is in the Philippines
gusto ko sana makapag start ng business na egg dealer or a supplier.. pero di ko alam kung saan ako pwede makakuha ng supplier here sa manila.. saka ilan piraso ang need ko ipadilever para masupliyan ako.? saka dun sa magiging supplier ko? may karapatan ba akong i check ang farm nila para makasiguro akong magiging malinis transakyon ko,ng supplier at nung mga magiging custumer ko? paki text nalang po sakin kung may alam kayo pwede maging supplier penge po ako contact number. pakitext nalang ako 09304710596 or send me a msg trough fb. efren castor (big dreamer) thanks po ng marami sa makakasagot..
Rizaldy Cunanan
is a non-Filipino member from the Philippines
Hi. nag start ako ng delivery ng itlog pero iwas ang mga ibang supplier sa akin kasi kulang daw supply di nila ako mabibigyan. Need ko po ng supplier dito sa Balaoan, La Union. email ko po. [email protected]
Clinton Jimenez
is in the Philippines
Ilang araw po ba masasabing expired na at hindi na pwede ibenta ang itlog ng manok?
Jay Manalang
is in the Philippines
anong uri po ng manok or sisiw ang kailangan ko para magstart ng ganitong business ?
Elvin Rey  Flores
is a Freelancer in the Philippines
Hello!

I need to know where to purchase chicks for egg layering business here in Cebu.

Thank you
This post has been reported for abuse
Luzvemenda Refe
is in the Philippines
Gusto maging suplyer ng egg san po puedi mag order ng mura?
1 person likes this
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
hello pede ko ba malaman kung uubra plano koo
1.) bibili ako ng itlog
2.) hahanap ako ng mga simpleng buyer gaya ng tindahan at karinderia
3.) paptungan ko kahit 1 (piso)
4.) kikita at uulitin ko sa sunod na araw (sa ibang buyer naman)
--pag iniisip ko ganun lang kasimple pero anu ba ang magiging problema ko, sa tingin mo ba huhulihin ako ng pulis at bawal ako mag supply?
1 person likes this
Herlyn Pandongon
is in the Philippines
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.