Gabay sa pag-register ng iyong Business sa Pilipinas (Unang Bahagi)

Almario Jr Mendoza
is a Financial expert in the Philippines

Ang pag-reregister ng iyong business ay isang kinakailangan hakbang na iyong dapat gawin kung nais mong maging legal at maayos ang pagpapatakbo ng iyong negosyo. Ngunit sa kasamaang palad, ang registration process ng isang business ay kinakalimutan na ng iilan at madalas ay hindi na ginagawa ng mga maliliit na negosyo dahil sa kakulangan ng impormasyon at presyong kailangan bayaran rito. Entrepreneurs will often have amazing business ideas, but they put them on hold due to a lack of capital. They assume that their idea will never get far off the ground unless they have major funding behind them. If you’re thinking of starting a business, you first need to come up with a realistic idea you can turn into a product or service.



Sa nakaraang datos ng World Bank, nasa ranking na 138 sa total na 185 ang bansa pagdating sa “ease of doing business” na kung susumain ay nagpapahiwatig na napakahirap at napakahaba ang prosesong kailangan gawin para lamang makapagtayo ng isang negosyo sa bansa. Napaka-layo natin sa mga kalapit nating mga bansa ganya ng Hong Kong at Singapore na kung saan ay streamlined ang proseso pagdating sa pagtatayo ng business.


Bilang aksyon sa problemang ito, ang gobyerno ay naglunsad kamakailan ng Philippine Business Registry (PBR) na naglalayong mapabilis ang pagpaparehistro ng iyong negosyo sa pamamagitang ng pag-integrate o pagkonekta ng mga ahensyang kinakailangan sa business registration gaya ng DTI, BIR, SSS, Pag-ibig, Philhealth, at iba pa.


Sa puntong ito, aking ipapaliwanag ang nakaugaliang proseso sa registration at ang mga hakbang gamit ang bagong Philippine Business Registry (PBR) sa ibaba.


Ano-ano nga ba ang mga hakbang na kailangang gawin upang mai-register ko ang aking negosyo?


Ang unang sagot upang matukoy iyan ay dedepende sa klase ng iyong business. Ayon sa batas, ang isang business ay maihahanay sa tatlo:


1. Sole Proprietorship – iisa lamang ang nagmamay-ari ng business

2. Partnership – 2 or higit pa ang nagmamay-ari ng business

3. Corporation – Ang incorporators o bumuo ng corporation ay hindi bababa sa 5 at hindi hihigit sa 15. Kinakailangan din na ang paid-up capital ay hindi bababa sa 5,000 pesos.


Ang ahensya na iyong pupuntahan ay dedepende kung ano ang kategorya ng iyong business sa itaas:


1. Department of Trade and Industry (DTI) – ito’y para sa Sole Proprietorship

2. Securities and Exchange Commission (SEC) – para sa Partnerships at Corporation


Sole Proprietorship


1. Pumunta lamang sa Department of Trade and Industry upang i-register ang iyong business name.

2. Maaari mong protektahan ang iyong business name sa apat na levels:

a. Barangay

b. Municipality

c. Regional

d. National

3. Ang halagang babayaran para maprotektahan ang iyong business name ay dedepende sa level na iyong pipiliin. Kalimitan ay nagkakahalaga ito ng 200 pesos para sa barangay level at 2000 pesos naman para sa national level.

4. Kalimitang kinakailangan mong magbayad ng 2,000 pesos o higit pa plus DTI Fees upang mairehistro ang iyong Sole Proprietorship business.

5. Pagkatapos nito ay kinakailangan mo nang kumuha ng Mayor’s Permit.


Mayor’s Business Permit


Iba-iba ang mga alintuntunin o rules na sinusunod ng bawat municipality pagdating sa pagbibigay ng Business permit. Subalit, kalimitang ito’y binubuo ng mga sumusunod:


1. Pumunta sa City Hall ng municipality na kung saan mo nais mag-operate ang iyong business at mag-apply para sa Mayor’s Permit. Kinakailangan mong dalhin ang iyong DTI o SEC certificate.

2. Ang kinakailangan mong bayaran para sa permit ay dedepende sa klase ng iyong business at sa halaga ng iyong paid up capital.

3. Pagkatapos magbayad sa permit ay makakatanggap ka na ng temporary permit at ikaw ay bibigyan ng 60 days upang makumpleto ang sumusunod na mga requirements:

a. Special Inspection Team – kinakailangan mo itong tawagan upang mainspection nila ang iyong business ng personal pati na rin ang iyong building para sa health, fire, at environmental safety nito. Pagkatapos nilang siyasatin ang iyong business ay mag-iiwan sila ng listahan ng mga permits na iyong kinakailangan kunin.

i. Sanitary Permit

ii. Fire Safety Permit – Kadalasang ipag-uutos nilang ikaw ay bumili ng fire extinguisher para sa iyong business

iii. Health Permit – kadalasang ikaw ay i-rerequire para sa Chest X-ray

b. Environmental Officer – Kinakailangan mong puntahan ito upang makahingi ka ng stamp of approval at malaman ang kanyang mga kinakailangan sa iyong business.

c. Treasury Officer – Ito naman ay ang opisinang sa City Hall na magsasabi sa iyo kung sapat ba ang iyong capital o hindi para sa iyong negosyo.

4. Bureau of Internal Revenue (BIR) – kinakailangan mo nang i-register ang iyong business dito, umattend ng 3 hour seminar, at magkaroon ng set of Official Receipts. Ang registration sa BIR ay kadalasang nagkakahalaga ng 500 pesos at ang printing ng official receipts ay kalimitang nasa 2,500 pesos.

5. SSS, Philhealth, Pag-ibig – Kinakailangan mong iregister ang iyong business sa mga ahensyang ito pati na rin ang iyong mga empleyado.

6. Pagkatapos nito ay maaari mo nang dalhin ang iyong mga registration at compliances sa City Hall upang makuha ang iyong Mayor’s permit.


Make sure that you build your business around your skills and knowledge. Your friends and family members can help you spread the word, and past business contacts can introduce your brand to their professional contacts as well. When you start a business, there’ll usually be a period when you’re investing lots of time, effort and money before you start making a profit. Before you do this, it’s important to research your market to make sure your customers will really pay for your product or service.

You may have the best business plan in the world, but without customers, your business is nothing. Create a thoughtful customer-acquisition plan and marketing strategy and be prepared to explain it to investors, partners and stakeholders, as this will undoubtedly be the first questions they ask.

Don't be afraid to fail. When you have an idea, figure out the pieces you need quickly, go to market, believe in it, and continue to iterate. If you need more investment, you might be able to raise money to fund your growth plan by selling shares in your business. You can do this by getting friends and family to invest.

Have some written recollection that you are partners, who's responsible for what, and how much money each of you put in.

Ask yourself what people are required to make it work for this idea, for this business?" Eighty percent of start-ups fail because the founders get bored, discouraged, or something else, and they move on to other things, not because of some catastrophe.


Spend a lot of time boiling down what their business is, what it does, and what it represents. If you nail down a 2-5 minute summary that will pay a lot of dividends throughout the life of your business. Do what you know… and love! It will resonate with your customers, employees, and potential investors. And make all the hard work worthwhile. Test it with them and get feedback. Find out what they’d be willing to pay for it. Try out different prices with different customers in a consistent, realistic way to see what people will really pay. Can you make enough money for a return on your investment?

Sa ikalawang bahagi nito ay akin namang ipapaliwag ang hakbang sa pag-register ng isang Sole Proprietorship business gamit ang PBR system. Akin ding ipapaliwag ang mga prosesong kinakailangan mong pasukin kung ang iyong negosyo ay nasa hanay ng Partership at Corporation.


About the author

Almario Jr Mendoza

Currently working in one of the biggest Investment Banks in the world. Has extensive experience in accounting, finance, and investments ranging from Bonds, Money Market, and the Stock Market. A member of Philippine Institute of Certified Public Accountants. A graduate of Ateneo Graduate School of Business and University of Santo Tomas.
Profession: Certified Public Accountant & Certified Securities Specialist (Philippine Stock Exchange)
Philippines , Metro Manila , Taguig City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Daphne Ragudo
is in the Philippines
Tanong ko lang po. Kahit po ba online business at nasa bahay lang kelangan po ba talaga na magpapainspect? Kasi po yung business na tinatayo ko ay hindi naman pong gaano kalakihan ang ikinikita araw2. Simpleng kabuhayan lang naman po. Sobrang haba po ng proseso. Kaya nga nakakarigtaan din ng ibang nagbbusiness dahil sa sobrang mahal at haba ng porseso
Sally Sespene
is in the Philippines
Ask ko lang po sana kung saan po ba mas makakamura sa tax pag kumuha ng business permit? General merchandise? Center? Enterprise?
Joseph Jusay
is a Graphic Designer in Saudi Arabia
Sir tanong ko lang, gusto kasi namin ng mga kaibigan ko mag loan sa owwa reintegration since for good na kami, kaso need ng SEC registration para makapagloan as cooperation, partnership, ang tanong ko sir, makakakuha ba kami nun sa SEC kahit wala pang business? kasi kaya nga kami magloloan para makapagsimula ng business.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.