Paano pagpalit ng yunit ng Distansya o Haba? How to convert units of length?

Deah Elmundo
is a Teacher in the Philippines

Ipinagpalagay sa artikulong ito na ang mambabasa ay marunong na ng mga multiplication at division.

Ang haba o length ay isa sa mga dimensyong madalas nating gamitin sa pang-araw-araw na pag-uusap. Naririnig natin ang mga tanong tulad ng: “Gaano kahaba ang taling kailangan mo?” O kaya’y “Gaano ba katangkad si Jose?” Minsan naman, sa paglalakbay ay naitatanong din kung ano ang layo ng isang lugar mula sa iyong pinanggalingan. Hindi maaaring numero lamang ang isasagot sa mga tanong na ito sapagkat walang saysay ang isang numero kung hindi ito lalagyan ng wastong yunit. Subalit, alam mo ba ang mga yunit ng haba, kung kailan dapat gamitin ang mga ito, at kung paano magpalit mula sa isang yunit patungo sa isa pa?


Ilan sa mga madalas na ginagamit na yunit ng haba ay ang sentimetro (centimeter), pulgada (inch), metro (meter), kilometro (kilometer) at milya (mile). Maaaring gamitin ang mga ito sa iba’t ibang pagkakataon ngunit may angkop na yunit na dapat gamitin batay sa ikli o haba ng sinusukat. Halimbawa, ang sentimetro at pulgada ay madalas gamitin sa mga maiikling bagay tulad ng lapad ng papel, haba ng sintas ng sapatos o ang haba ng kuko samantalang ang milya at kilometro naman ay ginagamit sa mahahabang distansya tulad ng layo ng isang lugar sa isa pa. Sa madaling sabi, ang metro, kilometro at milya ay malalaking yunit samantalang ang sentimetro at pulgada ay maliliit na yunit.


Ngayong alam na natin kung anong ang mga halimbawa ng mga yunit na para sa haba, subukan naman nating magpalit ng yunit patungo sa isa pa. Mahalagang malaman ang mga tinatawag na conversion factor upang madaling makapagpalit ng yunit. Halimbawa nito ay ang mga sumusunod:


100 sentimetro = 1 metro

1000 metro = 1 kilometro

1 pulgada = 2.54 sentimetro

1 milya = 1.609 kilometro


Halimbawa, nais nating gawing sentimetro ang sukat na isa’t kalahating metro. Dahil alam nating sa isang metro ay may 100 sentimetro, i-multiply ang 1.5 metro sa 100 sentimetro at makukuha ang 150 sentimetrong sukat.


Halimbawa naman ay gusto nating gawing metro ang sukat ng dalawampung (20) kilometro, i-divide ang naturang sukat sa 1000 dahil mayroong 1000 metro sa isang kilometro. Ang makukuha natin ay 0.02 metro.


Kung mapapansin natin sa unang halimbawa ay nagpalit tayo mula sa malaking yunit patungo sa maliit, kaya’t tayo ay nag-multiply ng conversion factor at malaki ang nakuha nating resulta. Sa ikalawang halimbawa naman, tayo ay nagpalit mula sa maliit na yunit patungo sa malaking yunit, kaya’t tayo ay nag-divide at nagkaroon ng maliit na resulta.


Maaari ring subukan ang mga sumusunod na aytem upang lalong mahasa ang kasanayan sa pagpapalit ng yunit:

1) 26 sentimetro sa metro

2) 160 kilometro sa metro

3) 12 pulgada sa sentimetro

4) 30 milya sa kilometro


Mga sagot: 1) 0.26 metro 2) 160 000 metro 3) 30.48 sentimetro 4) 48.27 kilometro



Hindi mahirap ang magpalit ng yunit lalo't kung alam natin ang pagkakaiba ng bawat isa gayundin ang mga conversion factor.. Huwag na huwag ring kalilimutang isulat ang bagong yunit pagkatapos gawin ang proseso.


 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.