Ano ba ang magandang business pag ako ay magka roon ng puhunan at hindi na ako babalik

Junior Zipagan Jose
is a non-Filipino member from Saudi Arabia

Ano ba ang magandang business pag ako ay magka roon ng puhunan at hindi na ako babalik pa dito sa saudi? Yung business na konti lang ang puhunan.


Question: What is a good business to invest in? I can save up for the capital, so that I don't have to come back to work here in Saudi Arabia. I would like to ask for advice regarding a business idea that requires only a relatively small capital.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Almario Jr Mendoza
is a Financial expert in the Philippines
Salamat sa iyong katanungan Jay.r. Maraming pwedeng negosyo na pwede mong pagpipilian na hindi nangangailangan ng malaking puhunan. Pero kung nais mo ng malinaw na suhestiyon, kinakailangan kong malaman ang possible puhunan na maaari mong ilagak sa isang business. Ito ba ay below 100,000 pesos o mahigit rito? Kinakailangan ko rin malaman ang iyong intensyon sa business at ang risk na kaya mong suungin. Pagbalik mo ba ng Pilipinas ay magiging full time ka sa binabalak mong business o meron ka pang ibang trabaho na pagkukunan mo ng income? Ang pera mo ba sa business ay kukunin mo mula sa iyong retirement o meron ka pang ibang pagkukunan ng iyong pera?
1 person likes this
Junior Zipagan Jose
is a non-Filipino member from Saudi Arabia
ang aking ilalaan sa negosyo ay nagkakahalaga ng below 100.000 at ito ay mangagaling sa retirement. yun bang simple lang na business na pwedeng kahit na ang aking pamilaya ay makaka tulong.kasi pag meron na akong business. ay pwede parin naman akong tumanggap ng xetra income aside dun sa itatayo kong negosyo. ksai sir ang aking trabaho ay isa lamang po akong foreman ng civil at mechanical.so pwede naman po na makakuha ng work sa labas.gusto ko lng po sir na bukod dun sa negosyong itatayo ko ay mag.tratrabaho parin ako.so ano po ang pwedeng business sir thanks.
Almario Jr Mendoza
is a Financial expert in the Philippines
Magandang ideya iyan jay.r kung meron ka pang ibang pagkukunan ng iyong income at hindi lamang iaasa sa itatayo mong negosyo. Napakaraming naglipang business ngayon na pwede mong paglagakan ng iyong pera. Subalit, ang aking maipapayo ay kinakailangan mong piliin ng maayos ang lugar na iyong pagtatayuan, ang iyong mga competitors, at ang demand sa iyong business. Ito ay dahil kung maliit ang iyong puhunan, mas madaling itong mapasok ng ibang mga competitors na syang ikaliliit ng iyong kita. Isang halimbawa nito ay ang food cart business na kung saan sa dami ng nagtitinda ay napakaliit na lamang ng kita ng mga may-ari nito. Kinakailangan mo ring alamin ng husto ang iyong business na papasukin. Maganda kung marami kang alam hinggil rito at ito'y isang bagay na may interesado ka ng husto. Ang maimumungkahi ko ay pumili ka ng negosyo na hindi madaling makopya at may aktibong market. Halimbawa ay kung sa inyong lugar ay wala masyadong nag-offer ng plumbing services, pwede mo itong pasukin kung ikaw ay marunong sa larangan na ito. Kung wala masyadong carinderia o tindahan sa inyong lugar ay pwede ka rin magtayo nito. Kinakailangan lamang na maging masinop ka sa pagkekwenta ng iyong mga gastusin ng sa gayo'y malaman mo kung tumatakbo ng maayos ang iyong business. Pwede ka ring mag-invest sa stock market na nagbibigay ng mataas na return kaysa sa bangko. Sa halagang 100,000 pesos ay marami ka ng mabibiling stocks na possibleng kumita ng hanggang 50%
1 person likes this
Jennifer Villegas
is a technoprenuer in the Philippines
share lang po meron po aqng business na di kelngan ang malaking puhunan sa gaya nyo po na gusto ng extra income at determinado na magnegosyo kaht nasa bahay lang po kayo ay maggawa nyo ito at hindi po mahirap gawin pls visit my site para po sa mga info thank u http://jheng.vmobilemylifepro.biz/join/

About the author

Almario Jr Mendoza

Currently working in one of the biggest Investment Banks in the world. Has extensive experience in accounting, finance, and investments ranging from Bonds, Money Market, and the Stock Market. A member of Philippine Institute of Certified Public Accountants. A graduate of Ateneo Graduate School of Business and University of Santo Tomas.
Profession: Certified Public Accountant & Certified Securities Specialist (Philippine Stock Exchange)
Philippines , Metro Manila , Taguig City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: Buhay OFW is not a Registered Investment Advisor, Broker/Dealer, Financial Analyst, Financial Bank, Securities Broker or Financial Planner. The Information on the Site is provided for information purposes only. The Information is not intended to be and does not constitute financial advice or any other advice, is general in nature and not specific to you. Before using Buhay OFW’s information to make an investment decision, you should seek the advice of a business professional, qualified and registered securities professional and undertake your own due diligence. None of the information on our Site is intended as investment advice, as an offer or solicitation of an offer to buy or sell, or as a recommendation, endorsement, or sponsorship of any security, Company, or fund.

Buhay OFW is not responsible for any investment decision made by you. You are responsible for your own investment research and investment decisions.