GAMOT SA MASAKIT ULO: KARANIWANG SANHI NG PANANAKIT NG ULO?

Medical Team
is a Medical expert in United States

Pangkaraniwan na nakakaranas ang tao ng sakit ng ulo. Hindi lang malakas na tunog o problema sa trabaho ang nagbibigay nito.

Madalas, sa dami ng mga nangyayari sa paligid, mahirap itong iwasan. Pero kung maiintindihan natin ang dahilan at ilang bagay tungkol sa pananakit ng ulo, maaari rin itong maiwasan.

Sinasabing halos kalahati ng tao sa buong mundo ang nakakaranas ng pananakit ng ulo minsan sa isang taon. Pangkaraniwang sintomas ng pananakit ng ulo ang pagkahilo, pagduduwal at pagsusuka.
 
Isa isahin natin ang ilang mga dahilan ng pagkakaroon nito at ano ang mga paraan na maaaring gawin para magamot ito. Sa tulong ng mga babanggitin na impormasyon, mas madaling makaiwas sa sakit ng ulo at mas makakayanan ang sakit sa oras ng atake.
 
Mas madaling bigyan ng lunas ang sakit ng ulo kung maiintindihan ano ang dahilan sa pagkakaroon nito. Mahirap mag isip kapag masakit ang ulo kung kaya’t sa oras na bumuti ang pakiramdam, suriin ano ang maaaring naging dahilan ng pananakit ng ulo. Narito ang ilang mga posibleng sanhi:
 
Pagkain
May mga pagkain na sadyang nagdudulot ng sakit ng ulo. Ito ay dahil sa mga kemikal na sangkap ng processed food.  Ilang halimbawa nito ang kape, tsokolate, alak, keso, mani, peanut butter, avocado, saging, diet softdrinks, artificial sugar, processed foods, ilang isda at marami pang iba. Maaaring kumunsulta sa isang dietitian para sa kumpletong listahan.
 
Makakatulong na gumawa ng isang food diary kung saan maaaring isulat ang mga pagkain na nagbigay ng sakit ng ulo sa iyo pagkatapos kainin. Iwasang kainin ang mga ito ng mga dalawang buwan at obserbahan kung mababawasan ang insidente ng pananakit ng ulo.
 
 
 
 
 
2.     Hormones
Maaaring makaranas ng pananakit ng ulo ang babae bago dumating ang buwanang menstrual cycle niya dahil sa pagbaba ng estrogen level. Kung kaya’t malaking bagay ang regular na menstrual cycle, dahil mapapaghandaan ito sa pamamagitan ng pag iwas sa mga pagkain na unang nabanggit o uminum ng painkiller, isa o dalawang araw bago ang cycle.
 
3.     Postura
Tama ang turo ng matatanda. Ayusin ang postura sa pag upo. Maupo ng tuwid para maging maayos ang daloy ng dugo (at paminsan minsang tumayo mula sa matagal na pagkakaupo). Nagbibigay ng sakit sa ulo ang mabubuong tensyon sa kalamnan ng likod, leeg at balikat dahil sa masamang postura sa pag upo.
 
Madalas nagsisimula ang sakit sa ilalim ng ulo o batok, aabot sa mukha, hanggang noo. Iwasang umupo ng matagal sa isang posisyon. Umupo ng tuwid at lagyan ng suporta ang likod, lalo na sa parte ng balakang. Kung gumagamit ng telepono ng matagalan sa trabaho, makakatulong ang paggamit ng headset. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pag ipit ng telepono sa ulo at balikat, na karaniwang ginagawa, dahil nagdudulot ito ng tensyon sa leeg at balikat.
 
Para malaman ang karagdagang impormasyon tungkol sa tamang postura, kumunsulta sa isang physical therapist.
 
4.     Kakulangan ng pisikal na gawain
Kung masama sa katawan at nagdadala ng sakit ng ulo ang sobrang pisikal na gawain, ganon din ang kakulangan nito. Kailangan ang balanse sa lahat ng bagay.
 
Maghinay hinay sa pag eehersisyo. Ang sobrang ehersisyo ay magdudulot ng pamamaga ng mga ugat sa ulo, leeg at anit; ito ang magiging dahilan sa pagsakit ng ulo.
 
Bago simulan ang kahit anong ehersisyo, kumunsulta muna sa doktor.
 
5.     Weather o Panahon
Kung madalas sumakit ang ulo, asahan na magdadala rin ng sakit ng ulo ang pabago bago ng panahon. Tuwing iinit o tataas ang temperatura, lalamig o bababa ang temperatura at tuwing maalinsangan. Mayroong natural na epekto sa ilang nerves at kemikal sa ating utak ang temperatura ng panahon. At ang pabago bagong temperatura ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa mga sensitibong tao.
 
Wala tayong magagawa sa panahon. Pero maaaring iwasan ang magiging epekto nito sa katawan. Tingnan ang weather forecast o magiging panahon sa mga darating na araw. Maaaring uminum ng painkiller, isa o dalawang araw bago ang inaasahang pagbabago ng panahon.
 
6.     Medisina
Mayroong mga prescription medicines na may side effect na pananakit ng ulo. Kung makaranas ng madalas na pananakit ng ulo tuwing iinumin ang gamot, kausapin ang iyong doktor.
 
7.     Kaugalian sa pagkain at pagtulog
Kumain kapag nagugutom. Matulog ng sapat, hindi sobra o kulang. Ayusin ang posisyon sa pagtulog. Maaaring magdulot ng pamumulikat sa kalamnan ang hindi maayos na posisyon, Ganun din ang pagtulog sa isang malamig na kuwarto.
 
8.     Ingay
Hindi lang malalakas na tunog ang nagbibigay ng sakit ng ulo, kung hindi ang tuluy tuloy na ingay kahit mahina.
 
Pagkasilaw sa maliwanag na ilaw
Sa ilang tao, nagbibigay ng pananakit ng ulo ang sobrang liwanag na nanggagaling sa computer, matinding sikat ng araw, ilaw galing sa fluorescent light at maging ang liwanag mula sa headlight ng sasakyan.
 
Ang liwanag, lalo kung kumikislap, ay nagpapataas ng antas ng ilang kemikal sa ating utak na mayroong kinalaman sa pagsisimula ng migraine.
           
Anxiety o pagkabalisa
Isa ang pananakit ng ulo sa mga pisikal na sintomas ng pagkabalisa at stress. Naniniwala ang mga doktor na may kuneksyon ang pagkabalisa sa pananakit ng ulo. Patuloy ang pag aaral ng mga doktor tungkol dito. 
 
 
Mga Remedyo
Dahil magkakaiba ang pangangatawan ng bawat tao, importanteng alamin at maintindihan ang posibleng nagiging dahilan ng pananakit ng ulo. Sa ganoon, magagamit ang angkop na lunas sa sakit na nararamdaman. Pakinggan at obserbahan ang katawan. Mag eksperimento sa mga paraang mababanggit at tingnan ano ang tatanggapin ng katawan para maibsan ang sakit ng ulo.
 
Salamin
Makakatulong ang paggamit ng sunglasses o shades para maiwasan ang pagkasilaw. Sa loob ng bahay o building, maaaring gumamit ng “polarised” o colored glasses. Malaking tulong ito sa mga taong madaling masilaw o sensitibo sa ilaw. Sa opisina, maaaring bawasan ang silaw mula sa computer screen. At kung hindi posible na makipagpalit ng puwesto, humingi ng pahintulot na magpatay ng ilaw na diretsong nakatutok sa iyo. Ipaliwanag lamang ang dahilan sa iyong hiling.
 
Pagkain o Diet
Ayon sa mga doktor, ang mga pagkain na gumagamit ng monosodium glutamate o MSG (vetsin) ay nagpapasimula ng sakit ng ulo. Kadalasang gumagamit ng MSG ang lahat ng “processed food” gaya ng mga de lata, keso, frozen food, instant noodles, snack at chips, catsup at iba’t ibang sauces. Basahin ang label ng mga pagkain bago bilhin at iwasan ang naglalaman ng MSG.  
 
Mas maganda ang kumain ng sariwang gulay at prutas. Umiwas sa processed meats, paninigarilyo at alak. Ang alak na mayroong pinakamataas na sangkap na “histamine”, o ang kemikal na nagdudulot ng sakit ng ulo, ay ang red wine at vodka.
 
Pag rerelax
Dahil ang stress, pagkabalisa, at tensyon ang kadalasang sanhi ng pananakit ng ulo, magandang matutunan ang tamang paraan ng pagrerelax. Ilan sa mga paraan na ito ang mga sumusunod:
a.     pag aaral ng breathing exercises (huminga ng malalim sa ilong at dahan dahang ilabas sa bibig),
b.     pakikinig sa banayad o instrumental music,
c.     pagpapamasahe,
d.     pagpapabango sa paligid, gamit ang mga natural na halaman o essential oils
e.     talk therapy o pakikipag usap sa kaibigan o pamilya,
f.      regular na pag-eehersisyo, gaya ng aerobic exercises.
 
Importante na suriin o icheck ang lifestyle. Pag aralan ang maayos na paggamit ng oras. Magbigay ng sapat na oras para sa pamilya, trabaho at libangan.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.