Gamot sa Sakit ng Likod: Natural na halamang gamot sa pananakit ng likod

Medical Team
is a Medical expert in United States

Madaling mapinsala ang likod, dahil sa madalas na pagbuhat, pag-abot mo, o biglang pagbaluktot ng katawan. Sa katunayan, halos lahat tayo ay nakaranas na ng sakit ng likod paminsan-minsan.

Upang hindi lumubha ang karamdaman o upang mabawasan ang pananakit ng likod, mahalaga ang tamang paggamot at pagaalaga. Una, panatilihing tama ang pagtayo at pagupo. Iwasan na nakayuko ang likod habang umuupo o nakatayo. Huwag rin umuupo ng matagal, at tumayo rin paminsan minsan at gumalaw galaw at maglakad. Pangalawa, importante rin ang tamang timbang ng katawan, dahil ang sobrang katabaan ay nakakapagdulot ng bigat na nagpapahirap sa ating likod. Ang pagehersisyo at pagkilos ay nakakatulong sa pagiging matibay ng katawan.

Kapag ikaw ay walang gaanong oras para mag-ehersisyo, at nangangailan na madalas nakaupo sa trabaho o nakaharap sa computer ng matagal, lubos na makakatulong ang tamang pagupo at paggamit ng upuan at lamesa na may tamang taas, sandalan at tamang disenyo.
 
Halimbawa, ang screen ng computer ay dapat mga dalawang dangkal ang layo sa iyong mukha. Panatilihing diretso ang kamay, pulso at bisig na diretso at kahilera ng sahig. I-relax ang balikat at braso.

Ano mga pinaka mabisang gamot o Natural Na Paggamot o Lunas sa pananakit ng likod?
Karamihan sa mga sakit ng likod ay hindi nangangailangan ng pagbisita sa doktor. Narito ang mga natural na paggamot na pwede mong subukan:

- Omega 3-fatty acids – Pwede kang kumain ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 tulad ng mga sumusunod: Talaba, tuna, salmon, dilis at sardinas. Ang omega 3 ay nagpapawala ng pamamaga ng katawan at hindi maaring makakapinsala sa iyo.
Maaari ring uminom ng omega-3 fatty acids na supplement. May nabibili sa mga botika nito na mura lang bawat capsula o mas mababa pa kapag binili ng maramihan.

- Kumuha ng sapat na Vitamin D mula sa sinag ng araw.

· Ginger o Luya—Mayroon ding mga halamang gamot tulad ng luya na mayroong anti-inflammatory effects o nakakabawas ng pamamaga at impeksiyon). Ipakulo lamang ang bagong hiniwa na luya sa mainit na tubig ng 30 minuto, at namnamin at sipsipin ng dahan-dahan.

· Curcumin – Ito ang sangkap na makikita sa Turmeric o luyang dilaw. Nakakatulong ito maibsan ang pananakit at mapagaan ng paggalaw ng mga kamay at paa. Ang Turmeric ay nabibili sa mga supermarkets 

· Bromelain – Ito ay sangkap na matatagpuan sa mga pinya na nakakatulong mapawala ang sakit at pamamaga. Maaaring kumain ng pinya para maranasan ang mga health benefits ng bromelain.
 
Mayroon ding mga ibang lunas tulad ng sinaunang paggamot ng Tsina na tinatawag na “Cupping”. Sa paraan na ito, mabilisang ipapasok ang apoy sa maliit na baso. Pagkatapos tanggalin ang apoy, ipapatong agad ang baso sa likuran ng pasyente. Bagamat ilang libong taon na ito ginagamit sa paggamot, hindi pa ganoon karami ang research tungkol sa bisa nito. Dagdag pa dito, may panganib na masugat ang balat dahil sa init. Kaya mahalagang ipagawa ito sa eksperto at hindi gawin sa sarili o kung sino lang.
 
Tawagan ang iyong doktor kung:
- Pinupukaw ka ng sakit mula sa pagtulog.
- Hindi nawawala ang sakit pagkatapos ng dalawang linggong paggamot.

About the author

Medical Team

Our medical team verify the medical accuracy of the articles you read on our site. U.S. trained General Practice Family Doctor. Has additional qualifications in ultrasound, emergency medicine, and traumatology.
Profession: Family Medicine
Private practice
United States , California , San Francisco

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.