Gemini Horoscope 2018: Kapalaran na naghihintay sa 2018

Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines

Gemini Horoscope 2018: Ano ang kapalaran na naghihintay sa 2018, sa buhay pag-ibig, karera, at sa estadong pinansyal?

Gemini

Dahil sa pagkaposisyon ng mga planetang Saturn at Venus, ang mga Gemini sa taong 2018 ay maghahanap ng tamang direksyon upang mas mapabuti ang anumang kinalalagyan nila ngayon. Lahat ay magiging sang-ayon sa iyo sa pagsapit ng ika-21 ng Pebrero subalit lubus-lubusin mo na ang pagkakataon nito hanggang sa pagsapit ng ika-7 ng Marso dahil ito ang magiging hudyat ng pagsisimula ng Mercury Retrograde. Gamitin din ang pagkakataon na ito upang balikan muli at magnilay-nilay sa mga naging desisyon mo at mga naging aksyon sa mga nagdaang panahon. Kilalanin ang iyong mga kahinaan para ito sa pagpapabuti ng anumang kung kinakailangan sa iyong mga pamamaraan sa pagtatrabaho. Ang planetang Jupiter ay mananatili nakaposisyon sa ika-anim na bahay sa halos buong taon ng 2018. Ito ay nangangahulugan na kailangan mong ipabuti at magkaroon ng tamang koordinasyon sa mga bagay-bagay sa iyong trabaho dahil magiging pagsubok sa iyo ang mga ito. Ibig sabihin, kailangan mong higitan ang iyong pakikibagay upang maging maayos ang takbo ng iyong mga araw. Ang kapansin-pansin sa iyong mga planeta ay ang agresibong pag-usad ng mga planetang Mars at Venus sa taong 2018. Kung ikaw ay marunong humawak sa iyong mga baraha, ang pag-usad at pag-unlad ay magiging madali na lang para sa iyo.

Buhay Pag-ibig
Ang planetang Jupiter ay namumuno sa ika-pitong bahay ng iyong kapalaran. Ang bahay na ito ay tumutukoy sa kasalukuyang estado ng iyong relasyon (kapareha man sa pag-ibig o sa kasyoso sa nagesyo). Nakaposisyon ang planetang Jupiter sa mapusok na Scorpio sa ika-anim na bahay. Ang ika-anim na bahay ay nangangahulugan ng paghihirap at hindi pagkakasundo. Kung kaya ang mga Gemini na may-asawa ay kailangang doblehin ang pag-iingat sa kanilang relasyon. Itong prediksyon na ito ay nakabatay sa iyong Haring Araw kung kaya hindi madaling maibigay ang mga maliliit na detalye tungkol sa iyong pakikipagrelasyon.

Buhay Karera
Ang impluwensya ng planetang Jupiter sa iyong kapalaran ay nangangahulugan na may magandang oportunidad ang anumang bagay na nais mong tahakin. Magkakaroon ka ng pagkakataon na ipaunlad ang iyong sarili at sa iyong gawain kung kaya ay sunggaban mo ito at lubus-lubusin.

May mabuting balita sa iyong buhay karera. Para sa mga Gemini na lubos na pinapahalagaan ang kanilang trabaho ay makakamit mo ang simpatiya at tiwala ng iyong boss o ng iyong mga kliyente. Dahil dito ay gaganahan ka at mas bubuti pa ang iyong trabaho. Gagamitin mo itong motibasyon upang mas umangat ang estado ng iyong buhay karera.

Dahil sa iyong kahusayan, ipagkakatiwala sa iyo ang mga ilang mahahalagang proyekto. Maging maingat dahil ito ay susubok sa iyong kakayahan. Sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo magiging krusyal sa iyong buhay karera. Kung kaya mas paghusayan pa ang iyong kakayahan at pagnilayan muli ang iyong mga naging karanasan sa paghawak ng mga mahahalagang proyekto ng mga nagdaang panahon. Kailangan mong magpakatatag at huwag bibitiw upang matagumpyan ang trabaho na nakaatas sa iyo.

Buhay Pinansyal
Ang pagposisyon ng mga planeta sa iyong kapalaran ay nangangahulugan na ikaw ay maghahanap ng paraan upang bigyang proteksyon ang iyong mga hinawakang salapi o pinaghirapang ipon. Susubukan mo din tingan kung papaano ito palalaguin.

Ang planetang Jupiter ay nasa ikalawa mong bahay. Ang impluwensya ng planetang ito ay magpapayabong sa iyong buhay pinansyal. Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril ay may tsansa na bubuhos ang iyong salapi. Subalit ang mabilis na pag-usad ng planetang Mars sa buwan ng Agosto ay nangangahulugan na may darating na hindi inaasahang gastusin. Kailangan mo itong paghandaan dahil magdadala ito ng alalahanin. Hanggat maari ay magdoble ingat ka sa mga panahong ito at huwag na huwag kang gagastos kung hindi naman kinakailangan. Ang huling bahagi ng taong 2018 ay may malaking potensyal upang bumuti ulit ang iyong hinawakang salapi. Lubusin ang pagkakataon na ito dahil ito ang magdadala sa iyo ng pagiging stable at mapabuti ang iyong estadong pinansyal.

About the author

Jerry Cua

Since I was a kid, I have fascination in reading astrology materials. I am also became a resource person in my circle of friends if they want to know if their love interest is compatible to them or not.
Profession: Marketing Specialist
Philippines , Metro Manila , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.