Isa po akong pinay na nakapag asawa ng japanese. Tatlong taon po kamin

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Isa po akong pinay na nakapag asawa ng japanese. Tatlong taon po kaming mag nobyo at nitong nakaraang taon lang kami ay nagpakasal. Isang taon na po kaming kasal. Sa loob po ng isang taong kasal kami ay nagbago na ang pakikitungo niya sa akin. Halos walang palya ang aming pag aaway sa hindi malamang dahilan at umaabot sa puntong hiwalayan. Divorce siya sa isang pinay. May dalawang anak na 10 taon palang ang matanda. Simula ng kinasal kami ay sinusumbat niya na sa akin lahat ng ginastos niya sa akin at pamilya ko. Halos lahat ay sinusumbat niya. Ayaw niya naman ako pag trabauhin. Pinatigil niya rin ako sa pag aaral. Nahuhuli ko din siyang may ibang mga babae na chinachat at binibigyan ng pera. Minsan pa ay nabasa ko ang text na nakipag kita siya at may nangyari sa kanila. Sinubukan ko po siyang kausapin tungkol duon pero itinangi niya. Katrabaho daw po. Tiniis ko po un ng mahigit isang taon dahil kasal nga po kami at mahal ko siya. Pero po sa pagkakataong ito ay kapag sinasabi ko sa kanya na gusto ko po sana mag negosyo kami dito sa pinas kahit maliit lang dahil hindi pa aprubado ang bisa ko ay nagalit siya. Sabi niya ay hindi niya daw po ako asawa. Hindi niya na po sinasagot ang mga chat ko sa kanya. Ginagawa niya rin po un sakin noon pa nuong kami ay kinasal, sinasabi niya sakin na hindi niya raw po ako asawa. Nasasaktan po ako sa ganoong pananalita niya, pinakasalan niya ako pero hindi po pala asawa ang turing niya sa akin. Naisi ko na po ng diborsyo. desedido na po ako. Sobra na po ang pag titiis ko at pag intindi sa kanya. Inintindi ko po dahil alam kong magkaiba kami ng lifestyle at culture. Ginawa ko pong lahat para intindihin siya, pero dito po ay nauuwi nanaman kami sa hiwalayan. Ano po ang dapat kong gawin na hakbang para sa hiwalayan naming dalawa? Ayaw niya din pong gastusan ang hiwalayan. Ako daw po ang mag bayad. Mag aasawa nalang daw po siya ng iba. May habol po ba ako sa kanya? May magagawa po ba ako para kahit paano ay masuklian ang paghihirap at pag titiis ko sa kanya? Medyo mahaba po, pasensya na. Nais ko po sana ng kasagutan dahil sobrang nahihirapan na po ako. Maraming salamat po.


 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang sabi mo kasi ay kasal kayo pero hindi mo nabanggit kung kayo ay kasal dito sa Pinas o sa Japan. Nabanggit mo din na ang visa mo ay hindi pa approved. So ibig sabihin, hindi ka pa immigrant sa Japan. Nasa Japan ka ba?

Kasi, hindi ko alam kung puede ka nang magpa-divorce sa Japan kung ikaw ay hindi pa citizen ng Japan. Dapat siguro ay magtanong ka sa Japan. Pero one thing for sure, kung ang kasal mo sa Hapon ay ma-divorce, ang divorce na iyan ay tatanawin ng Pilipinas.

Dapat siguro ay magtanong ka sa mga DSWD o Women's Desk sa mga police station sa Japan. Kasi, ang iyong inaabot sa asawa mong Hapon ay isang paraan ng abuse. Ito ay emotional at psychological abuse. Kung ayaw ka niyang pagtra-bahuhin, ito ay isang form of social isolation.

Sa ilalim ng batas, ito ay grounds for an emergency visa sa ground ng violence against women. Ito ay isang convention ng United Nations kung saan kumakatig ang mga bansa. So, baka dapat ay ikaw ay mangalap ng mga ebidensiya na ang asawa mo ay may ibang babae, at saka ka mag-habla para naman may prueba ka at seryusohin ka ng mga kina-uukulan sa bansang Hapon.

Nakakapag-salita ka ba at nakaka-basa ng Hapon? Kasi, kung hindi, mas lalo kang at-risk. Kaya dapat kang tulungan ng mga kinauukulan sa Japan. Ngayong, kung ikaw naman ay nasa Pilipinas, dapat ka ring kumuha ng lahat ng ebidensiyang makukuha mo (screenshot ng mga chat sa ibang babae), at ikaw ay maghabla sa pinaka-malapit na women's desk sa himpilan ng pulis na pinaka-malapit sa inyo.
Recommend Report abuse

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.