Ano ibig sabihin ng panaginip na nakakita ng kahawig o kamukha?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.


Eto po aking panaginip: May isang handaan birthday po nang tatay ni Helen, sya ay pinsan ko buo. At may handaan letchon at nag please sya picturan ran ko po sila at nong nag picture po ako sa kanila hawak ko yong cellphone at nagulat po ako sa nakita kong picture dahil nasali po ako doon kasi may mga mirror yon po nag reflect po don na nakasali po ako s pag picture ko s kanila.

At the same time nakita ko po yong sarili ko don sa picture na wala po akong ulo at may isang babae na malapit s puno na kahawig ko po pati damit at buhok. Nakita ko po yon nagsasayaw pa sya kaya nagulat po ako sa panaginip ko at tahimik lang po ako akala Ko po ako lang nakakita ay meron pala yong pinsan ko po si lezel. Nakakita rin po sya at lumapit sya s akin sabi niya nakita ko yong babae kamukha mo at kaparehas nang damit mo. At yon po natakot ako maya maya po biglang nagpakita s harapan ko yong babae na kamukha ko po nka dress sya color red bulaklakin at kahawig rin po buhok ko at pati mukha po nagulat po ako nakita ko kamukha ko maputi babae at simple at chinita. Mukhang masayahin na makulit po dahil naglalakad po sya papunta s akin at natakot po ako at yon po panaginip ko nagising na lang po ako na tumayo po lahat lahat balahibo ko po at nag pray po ako kay Papa God. Yon Lang po panaginip ko po. Please tulungan nyo po ako ano po ibig sabihin s panaginip ko po. Thanks po and God bless.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines
Maari nalilito ka sa buhay na tinatahak mo ngayon at hindi ka sigurado kung ano talaga ang gusto mo gawin. Nawawala kana sa focus pati sa relasyon mo sa pamilya, kaya nakita mo siguro sa panaginip mo na nakamasid ka lang sa malayo habang ang pamilya mo ay nagkakasayahan. Pinapakita ng panaginip mo na enjoy mo lang kung ano ang buhay meron ka, wag masyado mag-isip ng mga problema. Time and effort ang kailangan para malaman mo kung ano ba talaga ang nais mong gawin na pagbabago sa buhay mo.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.