Gusto ko lamang po humingi ng legal advise tungkol sa aking kapatid na nadismiss

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Gusto ko lamang po humingi ng legal advise tungkol sa aking kapatid na nadismiss sa kompanya na kanyang pinagttrabahuhan. Ang nangyari po ay, napatunayan na sya ay naglabas ng 2 pirasong battery na ginagamit para sa electronic cigarette or VAPE na ginagawa mismo sa kanilang company. Ang ang kapatid ko po ay umamin na at tinanggap naman po nya ang nararapat na action from the company. Sya po ay agad na nadismiss sa trabaho. Ang kanya pong problema ngayon ay hinold ang kanyang motor sa company. Ang gusto po ng kaniyang among Chinese ay bayaran pa ang nawawalang 800pcs na battery or sabihin nya kung sino sino pa yung mga kakilala nyang naglalabas ng same item sa company dahil kung hindi ay hindi po nila ibabalik ang motor ng kapatid ko. Ang motor pong iyon ay nabili na nya bago pa po sya pumasok sa company na iyon. Alam po namin na malaki ang kasalanan na nagawa nya at nararapat po na harapin nya kung ano man yung ano yung naayon sa batas. Gusto ko lamang po malaman ang kung may karapatan po ba talaga ang isang company na maghold ng kahit ano mang pagaari ng isang empleyadong napatunayang nagkasala bilang collateral sa hinihingi nilang impormasyon? May karapatan po ba ang isang company na ipashoulder sa isang empleyado yung nawawalang same item kahit hindi naman talaga sya ang kumuha at hindi naman po nila napatunayan na siya nga ang kumuha ng lahat ng iyon? Ano po ang pwede nyang gawin para mabawi ang kanyang motor na pinaghirapan nya ng ilang taon? Sana po matulungan nyo kami sa bagay na ito. Alam po namin na may kasalanan sya sa lahat ng nangyayari and willing po sya panagutan ang anumang nagawa nyang mali. Hope to hear from you soon. Maraming salamat and God Bless.

 

This post has been closed for comments and replies. To ask a related or new question, please post a new question below.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Hindi ko alam kung magkano ang value ng battery na kinuha ng kuya mo kung mora lang naman ito maaring hindi tama ang ginawa ng kanyang company na kompiskahin ang motor ng iyong kapatid dahil wala naman relasyon ito sa ginawa niyang kasalanan at isa pa kailangan muna nila ng court order bago magkompiska ng ari-arian hindi yong sila2x lang mismo. Hindi naman dapat iparatang sa kanya ang ibang nawawala na wala naman silang ebidensya na siya ang kumuha nito. Ang dapat ninyong gawin kung kaya ninyong kumuha ng isang private lawyer magpatulong kayo na padalhan ng demand letter ang company na ibalik ang motor niya. Maari ring pumunta kayo sa opisina ng PAO or sa opisina ng IBP para magpatulong maibalik ang motor ng kapatid mo.
Recommend Report abuse
Adelaida Layron
is a n/a in the Philippines
Nasa 900pesos po ang presyo ng isang battery. Maraming salamat po napakalaking tulong po ng inyong advise. God Bless po.
Recommend Report abuse
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kung ganun ang value unreasonable yong ginawa nila kaya magpatulong kayo sa PAO may libreng serbisyo sila para makuha yong motor ng kapatid mo.
Recommend Report abuse
Adelaida Layron
is a n/a in the Philippines
Opo advise ko po ang aking kapatid regarding dito. Sana po magawan ng nila ng paraan the soonest possible time. Maraming salamat po ulit mam.
Recommend Report abuse

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.