Ang misis ko po ay 6months pregnant nakararanas ngayon ng pangangalay ng binti at hindi po siya makatayo at kailangan ko pa siyang buhatin o alalayan.?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Ano po kaya ang lunas na pwede ko gawin at kaninong Doctor po ako lalapit, delikado po ba ang ganyang sitwasyon? Maraming salamat sa makakasagot

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Kung siya ay 6 months na buntis, kailangang masuri siya at malaman kung saan nagmumula ang pangangalay na ito. Maaaring magsagawa ng mga laboratory tests sa kanya, gaya ng blood tests at pagsusuri sa ihi, gayun din kailangan malaman din ang bloodpressure niya. Kailangan suriin din ang kundisyon ng sanggol sa loob ng kanyang sinapupunan. Kapag 6 months na buntis ay dapat na 2 beses sa isang buwan na ang kanyang check up sa doktor o center. Dalhin siya sa pinakamalapit na center sa inyo or sa inyong OBGyne upang siya ay personal na masuri.