Sobra na po kasi ako nagaalala dahil natapos na ang buwan ngayon April hindi pa po ako nagkakaroon,huling inom ko po ng pills ng February nagkaroon ako March?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

N

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Maaaring ang iyong nararanasan ay "pot-pill amenorrhea" kung saan ito ay karaniwang nangyayaris sa isang babae matapos nitong tumigil sa kanyang iniinom na "contraceptive" na "oral pills".

Ayon kay Dr. Weiss isang OB gynecologis, pinipigilan ng pills ang normal na produksyon ng "hormone" (natural na kemikal sa katawan) na responsable sa iyong pagreregla. Dagdag pa niya, maaaring umaboy ng ilang buwan ang katawan upang bumalik ang katawan sa normal na produksyon ng hormone at bumalik sa pagreregla matapos tumigil sa paginom ng pills.

Ngunit may ibang mga kaso na maaaring ito ay dahilan ng stress o mabigat na pageehersisyo o kaya nama'y problema sa thyroid at marami pang iba.

Maaari kang magpakonsulta sa iyong OB Gynecologist upang mas mabigyan ng malinaw na eksplanasyon at mabigyan ng nararapat na payo.

Narito ang isang artikulo na maaari mong basahin na naglalaman ng mgab posibleng sagot tungkol sa iyong suliranin.

https://www.healthline.com/health/birth-control/late-period-after-stopping-birth-control#stress

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.