Kailangan pa ba ng legal consent ng magulang kapag iaampon ang isang nasa tamang gulang na?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ito po ay tungkol sa adoption, ako po ay 22 Years old at ang aking Tito at Tita ay 59 years old. Nais po ng aking tito na ako’y i adopt at malipat sa kanyang apilyedo, matagal napong namatay ang aking inay noong 5 taong gulang palang ako at ang aking itay ay bago pa namatay ang aking ina ay inabanduna na kami. Sila po ang tumayong magulang namin at wala po silang anak, paano po ang proseso at paano katagal? Kailangan ko po ba ng parental consent sa akong tatay kahit na nasa tamang edad napo ako? Salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ayon sa RA 8552 o Domestic Adoption, "a person of legal age can be adopted, if prior to the adoption said person has been consistently considered and treated by the adopters as her/his child since minority." So, sinabi mo na and tito at tita na ang tumatayong magulang mo simula ng maliit ka pa at inabanduna kayo ng iyong ama bago pa namatay ang ina mo maaring mag apply sa iyo ang domestic adoption law which I presumed sila ay mga Filipino din pareho at naninirahan sa ating bansa. Kung minor de edad o below 18 years old ka lang sana isa sa mga requirement ng batas ang consent ng iyong biological parent/s if alam mo kung saan sila nakatira. Sa palagay ko,dahil ikaw ay of legal age na maaring hindi na kailangan ang consent ng iyong ama dahil malaya kanang makapagdesisyon sa sarili mo. However, maari rin namang magpaalam ka sa iyong ama kung gustuhin mo.Sa adoption kailangan ninyong kumuha ng isang abogado para magpetisyon sa korte. Ang abogado na ninyo ang magbibigay ng mga requirements na dapat isubmit sa korte. Kung malinis lang ang mga supporting documents o kaya walang problema maaring matapos lang ito sa loob ng isang taon but depende yon sa dami ng kaso pending in court.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Maraming Salamat po.
Ricky Sandoval
is in the Philippines
mam jescelyn good day po.

ask ko lang po hingil sa naiwan property. ganito po ang sitwasyon, ang tatay ko po at pinsan nya ay magkapatid ang mga ama. ung pinsan po niya ay namatay na pero may ampon po siya at kinakasama. hindi po siya kasal sa kinakasama at ung ampon po niya ay may birth certificate nakalagay po ang name nya bilang ama at ung kinakasama nya bilang ina. ang nais ko po malaman ay kung may karapatan po kami kamag anak sa ari arian naiwan kahit na may ampon po siya. maituturing po ba legitimate ung pagkakaampon.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Pasensya na ngayon ko lang ito nabasa. Regarding sa question mo, under the law ang ampon nila dahil nakaregister sa birth certificate na sila ang parents ay presumed na legal ang adoption unless makapagpatunay kayo na ang sinasabing paglalagay sa birth certificate ng bata nila na bilang mga magulang ay isang gawa2x lamang o Simulation of Birth ito ay isang krimen. Kailangang ang mga kamag anak o mga taong may interest over the property ang magfile ng kaso nito laban sa kinakasama nalang kasi namatay na ang pinsan ng tatay mo. If legal yan ang kanyang adopted child ay recognized by law as isang legitimate child then nila ang share ay katulad din ng isang legitimate child. Tungkol naman sa kanyang kinakasama (live in), kung ang dalawa ay nagsasama bilang isang husband and wife ngunit hindi lang nagpakasal na wala naman sanang legal na impediment o legal na hadlang kung sila ay nagpakasal sana. Ang kanilang pagsasama ay binigyan ng proteksyon sa ating batas under Art. 147 of the Family Code, particulary sa mga property na na acquire nila during the time ng kanilang pagsasama as Co-owner o silang dalawa ang nagmamay ari kung ito ay bunga ng kanilang joint efforts. Kahit walang trabaho naman ang isa sa kanila pero sya naman ang nag aalaga sa pamilya o nagtatrabaho sa bahay ay masasabi din namang ito ay contribution din niya upang makaacquire ng property. Dahil mayroon silang adopted at kinakasama sila ang magiging compulsory heir at co-owner sa property na naiwan. Kung may sapat na ebidensya kayo na hindi legal ang adoption dapat patunayan ninyo sa korte yan ngunit ang kalahati o 1/2 share lang ang mapupunta sa mga kapatid ng pinsan ng tatay o kaya mga magulang niya kung buhay pa sila.
Ricky Sandoval
is in the Philippines
mam thank you po. last question po kung pwede :) bale solo anak lang po ung namtay na pinsan ng tatay ko kami po maituturing na pamangkin sa pinsan. ganun pa man di naman po kami magpumilit inilagay lang po namin sa tama at lrgalidad bilang malapit na kamag anak. un po ba lastwill dapat po ba kasama/kaharap din kami pag binasa un bilang mga kamag anak?
Ricky Sandoval
is in the Philippines
mam samantalahin ko na po pagkakataon pano po un lumabas po ang status sa NSO di po nakapirma ung tito namin sa birth certificate nung inampong bata dun po sa kinakasama naman nya na tumatayong ina sa birthcertificate di naman po sila kasal kasi may unang asawa po ung babae. marami po salamat mam Jescelyn
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
About sa last will na sinasabi mo may 2 uri kasing uri ng will. May notarial will (Art. 804-805 of the New Civil Code) may requirements dito like 3 instrumental witness which will attest and subscribed in the presence of the testator at marami pang ibang steps na dapat icomply. While yong holographic will this is entirely handriting of the testator. Ang gagawin sa will na ito ay dapat magpetisyon sa court for the allowance of the will maaring during buhay pa ang gumagawa sya mismo ang nagfile sa court o ang mga heirs na. So ipublish kasi ito pwede na kayong mag oppose during the proceeding nito. Hindi naman kailangang babasahin pa sa inyo dahil sa court ang publication ay masasabing notice to the whole world na.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Well, kahit paman hindi nakaperma sa likod ng birth certificate pero yong open and continuous possession of the status na isang illegitimate child ay malaking bagay na yon dahil inaangkin niyang anak ang bata. Yong sa babae naman na kikakasama niya ayon sa Art.148 of the family code dahil may legal na impediment yong pagsasama nila maari pa ring may share ang babae sa lahat ng ari-arian na naacquired nila through their actual joint contribution. Maaring nagtatrabaho din ang babae ang sweldo niya maaring contribution na din. In the absence of proof na wala talagang nacontribute ang babae, the law presumes na ang share nila sa property ay equal. Gayon pa man kung may sapat kayong mga ebidensya para kontrahin ang status ng kanila anak na talagang hindi anak ng dalawa ay maari kayong magpetisyon sa korte para macancel yong record sa birth certificate ng bata. At this situation, kailangan na ninyong kumuha ng isang abogado na magpetisyon dahil sa korte na ito ifile.
Ricky Sandoval
is in the Philippines
mam marami marami po salamat. may nagsasabi nga po sa amin na may karaptan daw po kami dahil di sila kasal ang sa akin naman po di naman un lang ang pwede namin maging legal basis. madami pwede i consider siguro to proof na wla na kami rights over the property. eh dito po sa huli nyo sgot mukang mahihirapan kami ganun pa man many thanks mm hope to ask question from you again thank you.
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Maaring komunsulta din kayo ng ibang abogado kasi hindi ko alam din ang ibang ebidensya mayroon kayo. If sa tingin ninyo worth din naman ang pinaglalaban at ang makukuha sa inyo than sa magagasto maaring itutuloy ninyo ito. No problem, my pleasure to help.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.