BAKIT MAHAPDI ANG PAG IHI KO? ANO DAHILAN NG HAPDI SA PAGIHI?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

Last Friday po June 22. 2018 nakaramdam po ko nang hapdi sa pagihi. Tapos po bandang 10 pm naman, ay nilagnat ako. Hindi po ko nakatulog till 3 am dahil ihi po ko nang ihi, mahapdi po yung pagihi ko nun. Kinabukasan po Saturday, tagiliran ko po yung nangalay. That time, uminom po ko nang maraming tubig at nakailang laga po ko nang sambong saturday po yun, then sunday po nakaranas po ko nang konteng kirot sa taas nang tagiliran ko, that time naman po ay nawala na yung hapdi sa ihi ko.

Minsan bumabalik hanggang sa nawala na. Monday, po nagpacheckup ako, negative clear po yung urinalysis ko po. Ngayon, problema ko po is, bumabalik balik po yung Lagnat ko, Lagi din po kong ihi nang ihi pero di po masakit.

Transparent white to transparent yellow naman po ihi ko. Yun nga po, bumabalik pa rin yung lagnat ko ilang days na rin po, May minsanang sumasakit yung tagiliran, at yung dibdib. Ano po kayang pwedeng gawin? Or home remedies po. Salamat po. Male po ko, 22, May history na po ko nang UTI nung grade 4 po ko. TIA

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. LJ Figuero
is a Medical expert in the Philippines
Hi, if ang ihi mo is negative for infection,it is better that you do a KUB ultrasound. Maari kasi na mayroon kang bato sa daluyan ng iyong ihi kaya mo nararanasan ang mga sintomas na ito. It is still best that you see a doctor for further assessment
Recommend Reply Report abuse

About the author

Dr. LJ Figuero

Hi! I'm LJ Figueroa, a medical doctor and a licensed clinical laboratory scientist by profession. I am also a researcher - awarded as the Most Outstanding Student Researcher when I graduated from medical school for my work which was presented in an International Conference in the Asia-Pacific Region in 2017 ; awarded as the best in Research and Statistics in 2009; I have also presented our studies in other local conferences for medical doctors.
Profession: General Practice
Philippines