Pwede ba magtake ng Contrimoxacole for UTI, Lagundi at pills kung buntis?

Martha Kelvin
is a call center in the Philippines Medical History

About po ito sa pills, at gusto ko malaman if may possibility ba ako na mabuntis.

So niregla po ako October 28, so four days ako niregla after ng regla ko hindi ako agad nag pills for almost 7 days. Pero may contact po kami ng asawa po. At no withdrawal, so sa pang walong araw ako agad nag take ng pills, until now nag pills ako, pero ang dami nag tatanong sa akin, kaso parang buntis daw po ako.

Ang lagi kung sagot ay hindi ko alam. Kasi ayaw ko mag expect baka ma dissapoint lang asawa ko sa bandang huli. So doc meron pa ako isang pills na natitira bago ko i take yung natitirang brown pills. But this past few days din po kasi medyo nag susuka ako. Tapos nag crave sa pag kain. Tsaka po nag aalala ako na kung buntis man ako nag titake din po kasi ako ng contrimoxacole na gamot. for UTI plus lagundi sa ubo ko minsan naman pag sumasakit ang ipin is amoxixilin. Tapos until now take ako ng pills. kinakabahan ako nabaka buntis ako tapos maging malaking epekto ito sa anak ko. salamat po

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Menchie Barlan
is a Pharmacist in Australia
Hi Martha! mahalaga po malaman anong uri ng pills ang iyong iniinom. Mayroong iba’t ibang uri ng pills na available sa market. Karaniwan iniinum ang may kombinasyon na estrogen at progestin. Kung ito ay sinimulan inumin kasabay ng pagsimula sa unang patak ng iyong buwanang regla, masasabing ang proteksyon ay epektibo agad. Ngunit kung ikaw ay nagsimula uminom anumang araw ng iyong menstrual cycle, ang proteksyon ay maaaring magsimula makalipas pa lamang ng pitong araw. Kung sakali na Progestin lamang na uri ng pills ang iyong iniinum, ang proteksyon ay maaaring magsimula makalipas ang 48 na oras. Upang lubos na maunawaan ang tamang paginom at gamit ng pills, makabubuti na sumangguni sa doktor. Kung nais po makasiguro sa pagbubuntis, maaaring gumamit ng PT o pregnancy test. Mahigpit na paaalala po, ang tamang paginom ng antibiotics ay ayon sa payo ng doctor lamang.
1 person likes this
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.