Posible po ba na buntis ako?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

2 weeks na ako delayed napapansin ko po na madalas na sumasakit ang likod at nangangalay binti ko. Kelan po ba pwede mag PT. 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Ang madalas na pananakit ng likod at pangangalay ng binti ay ilan sa mga senyales at sintomas ng pagbubuntis ngunit hindi ito ang tiyak na makakapagsabi na ang isang babae ay nagdadalang tao.

Ilan sa mga positibong senyales at sintomas ng pagbubuntis ay ang positibong resulta ng pagbubuntis sa ultrasound at pakiramdam ng paggalaw ng isang sanggol sa loob ng sinapupunan.

Maaaring mag-take ng PT ang isang babaeng hindi pa dinadatnan ng regla dalawang linggo hanggang isang buwan matapos ang petsa na inaasahan ng babae ang kanyang regla.

Maaari kang magpakonsulta sa isang OB Gynecologist o OB Sonologist upang mabigyan ng karagdagang payo sa iyong suliranin at upang mabigyan ng mga nararapat na mga test at vitamins kung sakaling ikaw ay nagdadalang tao.

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.