Posible ba mabuntis kung nagkaroon ng sobrang mahinang regla, 4 na araw pagkatapos magtalik?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Nung 21-22-24 nag talik kami ng boyfriend ko. And etong 25 nagkaroon ako ng menstruation pero sobrang hina lang. Posible po ba na mabuntis pa rin ako?
Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Ang "ovulation" ay isang pangyayari kung saan ang isang babae ay naglalabas ng "egg cell". Ito ay karaniwang nangyayari sa ikaw 14 na araw ng 28 days na "menstrual cycle" (bilang ng araw simula sa unang araw ng regla hanggang sa unang araw ng regla ng sumunod na buwan). Ngunit karamihan ng babae ay may ibat ibang bilang ng mensterual cycle kaya't ang pago-ovulate ay maaring mangyari apat na araw bago at apat na araw matapos ang kalagitnaan ng isang menstrual cycle.

Ang pagsasama ng sperm cell at egg cell ay tinatawag na "fertilization" kung saan maaaring mabuo ang isang sanggol. Mangyayari ito kung matagumpay na nakapasok ang sperm cell sa egg cell matapos ang pagtatalik ng isang babae at lalaki.

Narito ang isang artikulo na maaaring magbugay ng karagdagang impormasyon sa iyong suliranin.

https://www.healthline.com/health/womens-health/what-is-ovulation#timing

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.