Possible po bang mabuntis/buntis ako kasi delay ako ngayong buwan ng February?

Sherly Ann  Montañano
is a Cio in the Philippines Medical History

Kakapanganak ko lang ng November.6.then 2 months akong my dugo mula nung nanganak ako. Ntpos yun January6. Nagkroon ulit ako ng January19.sabi nila menstruation na daw yun and it last 7days.my nangyayare samib ng asawa ko pero withdrawal,my isang beses lang siya na hindi sure. Ngayon February.hindi pa ko nagkakaron. My possible po ba na mabuntis ako. Regular breastfeeding naman ako sa bby namin.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Ang isang babae ay maaaring mabuntis kung ito ay nakikipagtalik ng walang proteksyon gaya ng condom o kahit anong kontraseptibo gaya ng pills at iba pa. Maaari kang mabuntis kung kayo ay nagtalik ng walang proteksyon at withdrawal lamang. Hindi epektibo ang withhdrawal method ayon sa World Health Organization, dahil sa preejaculation period kung saan bago labasan ang isang lalake, may nauuna ng lumabas na mga sperm cells sa kanya habang nakikipagtalik. Ikaw ay dapat nabigyan ng kontraseptibo 6 linggo matapos manganak. Kung hindi naman gumagamit ng kontraseptibo ay mas mabuting gumamit ng condom. Kung gagamit ng pregnancy test, mas maigi itong gawin 2 linggo matapos ang huling pagtatalik upang makumpirma kung positibo. Kung ikaw ay hindi man datnan ngayong February, magsagawa na ng pragnancy test. Kung ikaw ay negative, mas mabuting humingi ng payo sa paggamit ng kontraseptibo gaya ng pills at injectible, upang maiwasan ang di-planandong pagbubuntis.
Recommend Reply Report abuse
Sherly Ann  Montañano
is a Cio in the Philippines Medical History
Hindi po kasi ako binibigyn ng pills or kahit anong contraceptive kapag wala p daw po kung menstruation. Hanggang ngayon hindi pa din po ko nagkakaroon. Hindi po ba dahil yun sa pag breastfeeding?
Recommend Reply Report abuse