Home Damaged?

Mark Anthony Marquez
is in the Philippines

Saan ko po ba pwedeng ireklamo ang developer ng subdivision namin?
Nabagsakan po kasi ng puno ang bahay namin nuong September 2018 nung bumagyo. Nayupi ang bubong at nasira ang pader ng bahay. NSinimulan naman nung developer ang pagputol ng puno nuong una , pero dahil nasira daw ang powersaw nila na pamutol sa puno, nahinto ang pag putol at hangang ngayon ay hindi pa rin natatangal ang puno na nakabagsak sa bubong ng bahay.
Halos araw araw ako nag fofollow up sa kanila, pero ang sabi ng engineer ay wala pa rin daw sila nahahanp na pyesa sa nasira nilang powersaw. Malakas po kasi ang tulo sa loob ng bahay kapag umuulan. 6 na buwan na po ang nakakalipas, pero hindi pa rin nila natatapos ang pagputol sa puno. Paano po ang dapat gawin , at kanino dapat ireklamo ang developer?

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Mas mabuting magpagawa po kayo ng demand letter sa isang lawyer para po may evidence po kayo na yan ang nangyayari at nagdemand po kayo na ipaayos it. Take pictures sa damages para i attach po ito. Ibigay po ninyo sa developer ng inyong subdivsion. Kung after wala talagang action that's the time pwede na kayong magfile ng kaso for damages sa kanila.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.