How to treat PCOS?

Camille Mercado
is a Front Desk Officer in the Philippines Medical History

Nagpaconsult ako sa doctor and sabi niya may PCOS daw ako dahil sa hormonal imbalance. She find out yung sakit ko thru transvaginal ultra sound. niresetahan niya ko ng Yaz Pills at metformin. Sakto naman nung 1st time ko magtake nung pill, first menstruation day ko din. My period stopped nung nagtake ako ng 1 tablet. Naubos ko naman yung 1 buo nung Yaz. then nung January 3, niregla ako but sobrang sakit ng puson ko only to find out na dalwang malaking buong dugo yung nilabas ko. Then up to now may menstruation pa rin ako but light nalang. Hindi ko sinunod na dapat araw araw yung pills kasi natakot ako na baka pag nagtake ako tumigil ulit yung regla ko. I've decided also na di na magtake ng pills and magdiet nalang. tama ba yung naging desisyon ko? or dapat magtake pa rin ako ng pills? Thank you sa answers.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Ang gamutan sa PCOS ay Di lamang naka depende sa diet. Ito rin ay nakasalalay sa pag control ng mga hormones. Dapat po ay Di ninyo inihinto ang inyong gamot kundi nagpakunsulta dapat kayo sa inyong OBGYN. Pangalawa Di po siya instant na gamutan madalas po ito at umabot ng ilang buwan hanggang ilang taon. And may chance din na Di ito maresolba. Kaya ang suggestion ko po ay mag follow up kayo sa inyong doktor upang maddress ang concern ninyo.