Huminto po ang aking regla 1 year.and 4mons. after po nun, nagkaregla po ako ng mahigit 3mons.na po, ano pong gagawin ko?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History


The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dr. Leo Montalvo
is a Medical expert in
Ito po ay hindi normal lalo na sa edad ninyo. May iba pa ba kayong sakit? Naka ilang pagbubuntis na po? Regular po ba kayo mag mense? Hanggang ngayon po ba ay may pagdurogo pa rin? Gaano karami ito? Tuloy tuloy ang pagdurogo? Magpakunsulta na po ba kayo sa isang OB gyn?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Hello po Dr.Leo, maraming salamat po sa inyong reply.

Question : May iba pa kayong sakit?
Answer : Matagal tagal na po akong di nakakapagcheck up Doc. since 2013 pa po nung nagbuntis po ako at tinanggal po ang bata sa kinasasapunan ko Doc. kulang sa buwan (mga 6mons.baby) sa kadahilanan po na tumaas po ang akong dugo. Nabulag po kasi ako, may mga pumutok na maliliit na ugat sa likod ng mga mata ko sanhi ng aking pagkabulag po. Ang sabi po ang doctor sa aking mister, kailangan pong tanggaling ang bata para bumalik sa normal ang aming BP. First baby po sana yun Doc. Bago po pala ako magbuntis Doc.naoperahan po ako ng Myoma at isa na lang po ang aking Ovary. Left Ovary na lang po Doc.

Question: Naka ilang pagbubuntis na po?
Answer: Once palang po.

Question: Regular po ba kayo mag mense?
Answer: Regular po ako nung hanggang edad po ako ng 25, naging irregular po ako ng edad 26. minsan po 2-3mons.bago magmense. nalaman ko lang po na may myoma ako sanhi po daw ng aking pagkairregular Doc. pagkatanggal po ng myoma Doc. naging regular na po ang mense po, Kaya nabuntis na po ako nun. After po nung nataggalan po ako ng baby, Regular pa rin po ako ng 4years. 2013-2017. Yun na po bago matapos ang taon ng 2017 huminto po ang aking menstruation. November.2017 to Apr.2019 po walang menstruation Doc. kay 1year and 4mons.po walang menstruation.

Question: Hanggang ngayon po ba ay may pagdurugo pa rin?
Answer : Nagstart po Doc. April 18, 2019 Until now po meron pa rin. 5mons. menstruation Doc.

Question : Gaano karami ito? Tuloy tuloy ang pagduruo?
Answer: sa 1st month to 3mons. po Doc. parang regular mense lang nakaka-2-3pads a day po ako. tuloy tuloy po yun for 1 to 2 weeks, may time po 1pad a day to 1 week. may time po na spotting lang once or twice a week sa 1st to 3mons. po yun Doc. after po nun sa ika-4 to 5mons.po lumakas po. halos nakadiaper na po ako dahil kung di po malakas na flow, malakas na flow at may malalaking buong dugo po Doc.

Question: Nagpakunsulta na po ba kayo sa isang OB gyn?
Answer: Hindi pa po Doc, natatakot po ako Doc. :'(.

About the author

Dr. Leo Montalvo

Studied at PLM College of Medicine. Worked at University of Santo Tomas Hospital
Profession: General Practice