Inakusahan ako ng aking kapatid ng Estafa ng walang basehan.

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Inakusahan ako ng aking kapatid ng Estafa ng walang basehan. May mga paupahang apartment ang aming magulang na matanda na nunit buhay pa. Ang mga properties as nasa pangolin ng pareho naming magulang at mayroon din silang “will”. Ako ay CPA, 45 annoys ang guläng, at napapag-katiwalaan ng aming magulang sapul pa ng aking pagka-bata. Ngayong mahina na sila, ako ang naatasang mangolekta ng renta sa mga paupahang apartment. Lahat ng bayad ng mga umuupa, resibo at kortrata sa pagpapaupa, deposito sa banko, “ledger” o libro ng paupahang negosyo ay areglado lahat. Ang lahat ng ito ang nagsilbing aking ebidensya sa kaso laban sa akin. Ang Estafa ay napa-Dismiss sa Prosecutor level pa lamang. Sa hangganang ito ako ay nagka-gastos ng halos P 200,000 - P 220,000 sa aking pagtatanggol sa kasong ito. May nakapag-sabi na baka mag-file ng Motion for Re-consideration ang kapatid ko at mabuksan ulit ang kasong Estafa laban sa akin kaya dagdag na pagkakagastos na naman sa parte ko. Maari daw po din na iakyat ng kapatid ko ang kaso sa Court of Appeals.Unang tanong ko po, magkano po ba ang kalakarang Acceptance fee at appearance fee ng abogado na magtatanggol sa akin sa Court of Appeals??? Also, on average ano po ang "range" ng number of appearances ng aking abogado sa CA, say 10-15 times or 15-25 times hanggang madesisyunan sa CA level. Kailangan ko pong malaman para po aking mapag-handaan. CPA po ako at isinuka ko po ng dugo ang daang aking tinahak upang marating ito. Ipagta-tanggol ko po ang sarili ko hanggang sa hantungan dahil wala pong basehan ang asunto ng kapatid ko laban sa akin. Sabi po ng mga kamag-anakan namin, "inggit" daw po ang umiiral sa pag-iisip ng kapatid ko dahil sa akin po ipinamamahala ang patakbo ng rental properties ng magulang namin. Ako lang po talaga ang napapag-katiwalaan nila sapul pa nuong bata ako. Kahit po "ni-review" ng magulang namin ang libro ng kwenta, ayos pong lahat at walang irregularities sapul pa nuong maayos pa ang isip at kalusugan ng aming magulang. Hindi po ako ang paborito, ako lang po talaga ang matiyaga na gampanan ito at hindi ko pakiki-alaman o itatakbo ang pera.Dumudulog po ako na mabigyan po ninyo ako ng "estimate" ng aking magagastos sa Court of Appeals. At saka, kung matapos po ang lahat ng ito at ako ay nagkagastos ng malaki, maari ko po bang idemanda itong aking kapatid sa kabuoan ng aking nagastos sa lahat ng legal proceedings na ito at kung ang ganitong uri ng demanda has a good measure of success na ikaka-panalo ko? Maraming salamat po.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Kung ang kaso mo ay nadismiss sa prosecutor level pa lamang maaring ang gagawin nila ay kay magfile ng motion for reconsideration sa resolution ng prosecutor. Ngayon if talagang, dismissal pa rin kahit pa magpafile ng Petition for review sa DOJ still at dismissal pa rin for lack of probable cause din hanggan dyan lang ang kaso mo. Hindi ito maaring aabot pa sa korte mas lalo pa sa CA for appeal. Mas mabuti sigurong hintayin ninyo ang resolution ng Prosecutor if talagang nagfile ang kabila. About sa cost depende yan sa lawyer na kukunin mo ang acceptance ofcourse they expertise, level of difficulty of the case as well as the time that will be consumed will matter.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.