Inalis ni Bello ang ban sa pagpapadala ng mga OFW sa Qatar

POEA Philippine Overseas Employment A
is a Government official in the Philippines

June 2017

Noong Webes, inalis ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang ban sa pagpapadala ng mga Filipino sa Qatar base sa rekomendasyon ng Department of Foreign and Affairs at Philippine Overseas Labor Office.

 

“Ang desisyon ay nabuo matapos magbigay ng payo si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano at ayon sa rekomendasyon ng Qatar POLO base sa pag-aaral nila at pag-aanalisa sa situwasyon sa Gulf state,” ang sabi ni Bello.

 

Matapos sabihing bumalik na sa normal ang situwasyon, hiniling pa ni Labor Attache Dicang at ng Philippine Embassy ang deployment ng mga bagong-tanggap na mga mang-gagawa sa Qatar, partikular na sa PSD o Philippine School Doha at PISQ o Philippine International School-Qatar.

 

“ Ini-rerequest namin ang pagpapahintulot sa deployment upang hindi mahadlangan ang mga kalakaran ng ating mga paaralan sa Pilipinas at para maibsan ang takot na bawiin ang kanilang school permit na inihain ng pamahalaan ng Qatar,” ang sabi ni Dicang.

 

Ang 28 bagong mga guro, 20 bus drivers ng PSD at 51 bagong guro ng PISQ ay may mga nakapending na aplikasyon saa POEA o Philippine Overseas Employment Administration.

 

Ang Philippine Embassy at POLO ay nagrekomenda din na ang deployment ng Assessment Team na binubuo ng DOLE, POEA, OWWA(Overseas Workers Welfare Administration), at ang Undersecretary for Migrant Workers Affairs of DFA to Qatar na makipag pulong sa mga awtoridad ng gobyerno at mga kompanya na naglalaan ng mga trabaho sa mga mang-gagawang Pilipino.

 

Patuloy ding nakikipagtulungan ang POLO sa mga awtoridad sa Qatar upang pag-usapan ang mga posibleng problema tungkol sa pagpapa-uwi ng mga nahihirapang OFW na pansamantalang nanunuluyan sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Resource Center o MWOFRC, at pinag-aaralan ang mga posibleng maging kalagayan ng mga HSW o Household Service Workers ng mga employer na hindi Qatari, na maiiwan sa sa bansa o mapipilitang umalis kasama ng kanilang employer.

Gayundin, sinigurado ng Pamahalaan ng Qatar ang seguridad ng mahigit sa 240,000 na mga Pilipino sa kanilang bansa at pinatunayang may kakayahan nilang makabangon at makatiis sa anumang posibleng problema sa ekonomiya dahil sa di pagkakasundo sa kanilang mga kalapit na Arabong bansa

Samantala, ipinakita naman ng mga OFW doon na kumpyansa sila na mailalaan ang kanilang seguridad matapos ang mas malalakas at matibay na pagsisiskap ng labor department at iba pang ahensya ng gobyerno. Tiwala silang mailalaan at masisigurado ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at seguridad sakabila ng kawalan ng diplomasya doon.

 

Inihain ni Bello ang pansaantalang suspensiyon ng deployment ng mga OFW sa Qatar noong nakaraang linggo upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga OFW kung sakaling magkaroon ng problema matapos ihayag ng ilang kalapit na bansang Arab ang pagputol nila ng dipolamatikong uganayan sa Gulf state.


 

May we ask for a small favor?

Unlike others, we don't charge users fees for asking questions from our medical, legal and other experts. This is because we want to keep our services free and accessible to all, regardless of social or financial status.

But it's difficult and expensive work. While more underserved Filipinos are using BuhayOFW, none are paying for it. And advertising revenues are minimal. Nevertheless, we have costs like any other top site: servers, power, rent, programs, staff, medical/legal experts, etc. We take no government funds; we run on donations.

So if you value our work in helping less fortunate Filipino friends, then become a Supporter and help make our future more secure. Help us continue our work.

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Buhay OFW provides news and opinion articles as a service to our readers.  Often these articles come from sources outside of our organization.  Where possible, the author and the source are documented within each article.  Statements and opinions expressed in these articles are solely those of the author or authors and may or may not be shared by the staff and management of Buhay OFW. 

Your access to, and use of, this site is subject to the Terms of Use and all applicable laws and regulations. By accessing and using the site, you accept, without limitation or qualification, these Terms of Use, and acknowledge that any other agreements between you and Buhay OFW are superseded with respect to this subject matter. If you do not agree and accept, without limitation or qualification, these Terms of Use please exit the site.