Iniwan po sa amin ng kasambahay namin ang anak niya?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Nbsp;
Ang kasambahay po namin ay nagaimula magtrabaho sa amin ng di alam na siya ay nagdadalang tao. Dahil iilan buwan pa laman siya sa maynila, tinulungan po namin siya sa panganganak, gastos at pati sa pagkupkop ng bata. Ang bata po ay 9 years old na po. Umalis po sila sa amin ng mag7 years old ang bata at wala po sila sa amin sa loob ng 1 taon. Siya ay naglive in sa partner niya. Ng makalipas ang 1 taon ay bumalik siya dala bago niya pong anak at ang 8 years old na dati namin alaga. Naawa po kami at hirap siya sa 2 anak kaya pinatuloy po namin uli.

Ngayon po ay nagpasya nanaman siya umalis. Pero iniwan na po niya ang kanyang 9 na taon gulang na anak sa amin. Yun bunso niya po ay asa partner niya at siya ay papaalis ng bansa. Ang nagaalaga ngayon po sa bata ay ang aking senior citizen na tatay, dahil ako po ay malayo ang trabaho at tinitirhan, isang beses isang linggo lan ako makabisita.

Napasok po ang bata sa montessori at lahat ng kailangan po niya ay naibibigay po.

Ang katanungan ko po ay ano po kaya ang dapat namin hingin sa ina ng bata upang kami ay maging legal guardian ng bata. Napamahal na po kami sa bata na kami na po nagpalaki, at natatakot po akong abusuhin at perahan ang tatay kong senior na naawa sa bata na kapag kanilang kukunin ay di po nakakakain ng maayos at naoospital pa dahil sa kondisyon ng kanilang pamumuhay, alang alang sa pag iwan sa bata sa amin.

May proseso po ba sa pagapila para sa legal guardianship o pagkupkop sa bata? Sinubukan ko din po magbasa ukol sa ganitong mga paksa ngunit karamihan ng nabasa ko po ay tungkol sa mga single parent o di kaya mga kamaganakan tulad ng lolo at lola, pero wala po nakasaad tungkol sa mga di po kamag anak na pinagiwanan ng bata.

Tanungin ko din po sana kung sakaling di sapat ang legal guardianship, maari po ba mag adopt ang isang senior citizen (government employee ngunit retiree na po sa taong ito) kung may consent po ng nanay ng bata? (Single mom po at ayon sa kanya ay patay na daw po ang ama ng bata)

Salamat po at pagpasensyahan nyo na po ang aking mga katanungan. Naguguluhan po ako at nag-aalala dahil di ko po alam kung mapapagkatiwalaan pa po namin siya o kung ito ay isang paraan niya upang perahan lamang po kami na alam niyang napamahal na po sa bata.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.