Irregular.period

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

32 years old po ako matagal ko na gustong magkababy pero hanggang ngayon hindi pa ako nabibiyayaan dahil siguro sa period ko minsan umaaabot ng lampas two months regla ko kaya di ko alam kung paano malaman kung kelan ako fertile o ovulate di ko din alam exact na araw bago akobreglahin di ko naman kasi nililista noon kung sakali po paano ba mabibilang sa calendar kung kelan ako ovulate?kung tatlong buwan di ako reglahin?please tulong po gusto ko na din po kasi magkaanak wala akong kakayanan mag padoctor kaya po gusto ko muna subukan mga possible way salamat po

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Dolly April Plaza
is a Nurse in the Philippines
Ang iyong period ay iregular kaya mahirap matukoy kung kailan ang iyong ovulation period. Sa iyong edad, mas mabuting pumunta ng personal sa isang OB Gyne upang masuri o matukoy kung ano ang dahilan kung bakit iregular ang iyong regla. Iba-iba ang posibleng maging dahilan nito. Minsan ay kailangan sumailalim sa ilang test upang mabigyan ng tamang payo para sa iyo. Pumunta sa government health centers or private health clinics para dito.

May iilang kababaihan na pinapayuhan na gumamit ng tamang pills para sa kanila upang maging regular ang regla at mabantayan ang ovulation period at kung kailan mataas ang posibilidad na mabuntis, Ngunit kung ikaw ay hindi pa nakagamit ng pills kahit kailan, ay kailan mo pa rin humingi ng konsulta sa isang health professional dahil kailangan ka muna suriin kung pwed sayo ang pills.