ANO KAHULUGAN NG KABAONG kahoy at MATANDANG BABAE sa PANAGINIP? ANO IBIG SABIHIN

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Gusto ko po sana malaman kung ano po ba ibig sabihin ng panaginip ko: Napanaginipan ko po kasi yung kapitbahay ko na babae. Namatay sya sa panaginip ko taz nung ililibing na po sya, dumaan po ung kabaong nya sa harapan ko. Pero hindi ko po sya nakita na nasa loob sya ng kabaon kasi po nakasarado po yung kabaong.

At napansin ko na yung kabaon nya ay gawa sa kahoy at sinaunang design pa ang kabaon nya. Tapos hinihila lang yung kabaon nya lahat po ng nakikipaglibing sa kanya. Mga nakasuot na itim. Tas yung mismong kabaong nya may hila hilang matandang babae na nakatungtong sa parang pabilog na kahoy na konting galaw lang napapaikot na din sya taz yung tinutungtungan nung matandang babae ay parang tungtungan ng Santo Nino. Taz kung titingnan mo ung matandang babae parang naglalaro or natutuwa sya habang hinihila yung kabaong, pati sya. Ano po kaya ibig sabihin nun dream na ito? Thank you in advance sa makapag-paliwanag at mag-interpret ng panaginip.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Temy Tabanao
is a Researcher in the Philippines
Sinisimbolo ng kabaong ang pagtanggap ng kamatayan, kabiguan o pagkawala ng isang mahalagang bagay, relasyon o posisyon na naging parte ng iyong buhay. Pwede rin naman na mayroong sitwasyon o aspeto ng buhay mo na matatapos na o nagbabago para sa mali o masamang kadahilanan. Nagpapahiwatig din ito ng mga ideya, ugali o mga gawaing hindi mo na napapakinabangan kaya nabaon na sa limot o naisantabi na. May gusto ka nang kalimutan para maging malaya na ang iyong puso at isip. Sinasalamin din ng simbolo ang takot mo sa kamatayan. Sa kabilang banda, marahil ipinapakita nito ang pagtingin mo sa usapin ng suicide o pagpapakamatay.

Sa positibong tugon para dito, ang kabaong ay ang kagustuhan mo na umusad sa isang ganap ng iyong buhay. Sa negatibong anyo naman, ito ay pahiwatig na mayroon kang iniisip na naghahadlang sa iyo upang umusad sa pang-araw-araw mong buhay o gawain.

Kung sarado ang kabaong, pwedeng may magpapaalam na sa mga kakilala mo o mawawalan ka ng trabaho. Ayon sa ispiritwal na interpretasyon, kung kakilala mo ang nasa loob ng kabaong, nag-aalala ka sa lagay ng kalusugan niya o gusto mo makakuha ng atensyon mula sa kanya o ayaw mo mawala ang koneksyon niyo sa isa’t isa. Subalit maaari rin naman na ito na ang tamang oras upang maghiwalay o magkalimutan.

Sa aking personal na opinyon, maaaring kumakatawan ang matandang babae na nakatayo sa kabaong bilang taong malapit sa iyo o ang tunay mong nararamdaman. Napansin mo rin naman na nasisiyahan at natutuwa siya sa nangyayari. Maaari na mayroon kang gusto nang bitawan at tinutulungan ka ng mga nasa paligid mo. O di kaya naman, mayroong aspeto ng buhay mo na malapit nang mawala at ipinapakita nito ang iyong nararamdaman o may taong sadyang gusto na may mawala ng mahalagang parte sa buhay mo. Ikaw ang makakaalam kung ito ba ay dahil sa inggit o dahil malungkot ka na sa nangyayari sa iyo.
Jerry Cua
is a Marketing Specialist in the Philippines
Maidagdag ko din, ang kabaong ay sumisimbolo ng pagtatapos at may panibagong darating. Marahil may mga bagay din na kailangan mo ng closure o hindi kaya ay kailangang pag-usapan upang magpatuloy sa nais mong gawin. Ang matandang babae na parang naglalaro o natutuwa ay maaaring tingnan bilang reaksyon mo sa mga bagay na may pangangailangan mong pagtuunan ng pansin. Tila kung anuman dumarating suliranin sa'yo ay hindi mo dinidibdib at madali lang para sa'yo resolbahin ang mga mabibigat na suliranin.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.