Kahulugan ng haba ng daliri sa KAPALARAN: Ano sinasabi ng haba ng iyong daliri tungkol sa iyong katauhan at ugali?

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Hindi man natin napapansin, ngunit alam niyo ba na isa sa ating daliri ay maari makakapagsabi ng maraming bagay tungkol sa atin? Ayon sa eksperto, posibleng ito ay malagim o nakakagimbal na katotohanan.

Paminsan-minsan sumasagi sa ating isip, kung sino at anong klaseng tao ba tayo, kahit na alam naman natin ito, mayroon pa ring pagdududa o katanungan. Minsan nakikita natin ang ating sarili sa ibang pananaw, dito sumasagi ang tanong na “What if”.
 
Sa videong ito, ipapakita namin sa inyo kung ano klaseng personalidad at kapalaran mayroon tayo, sa pamamagitan ng ating mga daliri, ayon na din sa mga eksperto. Nakikita rin sa ating mga daliri, ang patungkol sa ating lovelife, kaya’t mayroon tayong engagement o wedding ring. Sa pamamagitan ng singsing, nararamdaman nating espesyal tayo sa isa’t-isa at ito ay simbolo din ng pagmamahal. Kung ating mapapansin, kapag inunat natin ang ating mga daliri, ang paninsingan o ring finger ay mas mahaba kesa sa hintuturo o index finger. May iba naman na pantay lamang o di kaya ay mas maiksi ang palasinsingan kesa sa hintuturo. Ano nga ba ang mga kahulugan nito?
 
Tandaan, iunat ang kaliwang kamay gaya ng nasa video. Narito ang mga kahulugan ayon sa haba at iksi ng mga daliri.
 Kahulugan ng haba ng daliri sa KAPALARAN: Ano sinasabi ng haba ng iyong daliri tungkol sa iyong katauhan at ugali?
Isang natural na Lider
Kapag ang hintuturo ay mas mahaba kesa sa paninsingan, ikaw ang klase ng tao na nirerespeto at gabay ng mga taong nakapaligid sayo. Sa madaling salita, ipinanganak kang mamuno ng tao. Anumang sitwasyon ang haharapin, mabilis at matalas ang isip na naaaksyunan. Mabilis at maparaan ka din mag-resolba ng mga problema. Pagdating sa emosyon, alam mo kung paano ito kontrolin. Kaya mong harapin ang lahat ng mga hamon ng walang pag-aatubili at positibo. Tingin ng mga nakapaligid sayo, ikaw ang taong laging may sagot sa bawat tanong.
 
Ngunit hindi madali na laging nakaasa lamang ang mga taong nakapaligid sayo. Minsan gusto mong magpahinga at hayaan naman na sila ang gagawa o magdedesisyon. Syempre, tao ka lamang kaya kailangan mo din ng oras para sa sarili ngunit hindi lahat ay makakaintindi sayo. Kaya minsan, tinatanong mo sayong sarili at nag-aalala ka na paano isang araw kung ikaw ay magkamali o di mo maibigay ang gusto nila, andyan pa kaya sila o layuan ka. Ngunit, ang totoong lider ay hindi sumusuko. Ginagawa mo ang lahat ng iyong makakaya at nilalagpasan ang lahat ng mga balakid sa iyong daanan.
 Kahulugan ng haba ng daliri sa KAPALARAN: Ano sinasabi ng haba ng iyong daliri tungkol sa iyong katauhan at ugali?
Sandalan o Takbuhan
Kapag ang paninsingan at hintuturo ay pantay, ikaw ang taong takbuhan o sumbungan ng lahat pagdating sa kanilang malalalim na mga sikreto. Minsan pa nga, kahit ang mga taong di mo gaanu ka-close ay nilalapitan ka. Mabilis kang takbuhan dahil nakikita nila ang positibo mong awra at marunong kang makinig. Pero syempre, nangyayari talaga, na kahit anong pagsisikap ang gawin mo ay hindi ka nabibigyan ng importansya. Ngunit kahit na ganyan, andyan at andyan pa din sila patuloy na lumalapit upang sabihan ng kanilang sama ng loob o sikreto.
 
Ang iyong personalidad ay mabilis makapalagayan ng sinuman. Ikaw din ay tahimik, maawain, at mabait na tao. At dahil malinis ang iyong hangarin sa kapwa, hindi nila kayang samantalahin ang iyong kabaitan.
Samantala, sa pagiging sandalan at tagatago ng mga sikreto, nahihirapan kang maghanap ng totoong tao na pagsasabihan mo ng sariling sikreto. Dahil natatakot kang mapahamak. Ngunit wag mag-alala dahil ang lakas na hindi mo pa siguro nadiskubre ang siyang tutulong sayo.
 Kahulugan ng haba ng daliri sa KAPALARAN: Ano sinasabi ng haba ng iyong daliri tungkol sa iyong katauhan at ugali?
Kaakit-akit
Kapag ang paninsingan ay mahaba sa hintuturo na daliri, ito ay simbolo na marami tao ang nahuhumaling sayo at nakikita kang kaakit-akit. Dahil dito, mataas ang kumpyansa mo sa sarili na nagbibigay sayo ng lakas ng loob na pasukin ang walang kasiguraduhang mga bagay. In short: “Hindi ka takot mag-take ng risk”. Kadalasang ginagawa mo ito sa trabaho o minsan ay sa love life, kahit na walang kasiguraduhan may posibilidad kang makita ang tagumpay bilang gantimpala.
 
Kung alam mo naman ang iyong ginagawa, bakit hindi mo subukan. Maaring ito ay kapalit ng promosyon o tumagal pa lalo ang relasyon. Kahit san desisyon man, ang positibong ugali mo ang magdadala sayo sa tagumpay.
 
Subalit, mahalagang marunong magpakumbaba, dahil hindi lahat ay nakikita ang pagiging malapit mo sa tao. Maari tingin ng iba sayo ay mayabang o isip bata kaya laging may kumpyansa sa sarili. Gamitin ang talino sa pakikitungo sa iba’t ibang uri ng taong nakakasalamuha.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.