Kahulugan ng panaginip na may nobyo ako pero sa totoong buhay wala naman?

Beth Elizalde
is in the Philippines

Ang kahulugan ng aking panaginip, pangalawang panaginip na ito at same concept pa rin siya
 May nobyo daw ako pero sa totoong buhay, wala naman talaga. 


Sa unang panaginip ko nung nakaraang araw, masayang masaya daw ako kasi mayron na daw akong bf, naglalaro pa nga daw kami ng video games, sinasabay ko siya sa lahat ng gusto niya. Kaso masasabi ko talagang di ko siya bet sa tunay na buhay kasi di siya katangkaran, pero masaya pa rin daw ako kasi may nobyo daw ako hahaha. Pero sa pangalawang panaginip ko, same pa rin siya na may nobyo ako at masayang masaya ako pero iba naman yung lalaki, may sasakyan daw siya na single motor, nakasakay kasi ako doon eh parang may pinuntahan kami. Nakakapagtaka nga eh kasi habang nag dadrive daw siya parang wala siya sa sarili niya,kasi mag oover take na siya pero nagsteady lang siya sa ibang lane na sa ibang direksyon yung sasakyan papunta, tapos may nakita akong sasakyan na papunta sa amin at baka ma bangga kami kaya tinulungan ko daw siyang mag drive, na iliko na dapat yung motor kasi baka mapaano kami. Naging okey naman siya tapos nag aaral pa daw kami eh sa totoo lang, gradweyt na ako eh at may trabaho sa kasalukuyan. Ganyan din nangyayari na mga panaginip ko yung tipong nag aaral pa ako pero gradweyt na ako. 
Pagkatapos nun, I think nagkamabutihan daw kami kaya nung niyaya niya akong maging nobyo niya ay walang pag daladalawa ko siyang sinagot. Ang saya saya ko daw kasi ipapakilala ko na siya sa mga friends ko.
Pauwi na daw kami at kotse ang sasakyan namin pauwi. Ewan kung saan yung motor nyo. Nasa drivers seat ako nakaupo at dahil payat ako, bale nasa gitna ako ng driver's seat at nung front seat tapos maluwag ang space. Nasa likod nakaupo yung nobyo ko, tapos sabi niya na siya daw mag dadrive at tatabi daw ako sa kanya. Pero pinaalis ko siya sa driver's seat kasi iba yung mag dadrive at doon nalang siya umupo sa front seat, sa tabi ko nga pero may space sa akin. Magkatabi nga kami pero may space sa gitna, kumbaga sa may pintuan siya dumikit. Siguro nagtampo kasi gusto niya siguronh mag drive. After nun, ilang minuto dumating na yung driver namin tapos bababa daw yung nobyo ko kasi may titignan daw siyang mga gamit doon sa may lost and found at baka andun yung bag niya, pinasali ko na rin sana yung akin sa paghahanap niya kaso di niya ako narinig. Huli na ng nakasakay na siya sa sasakyan at sabi pa niya na, sana sinabi mo kanina, tapos sabi ko nalamg na, bababa nalang ako at ako na ang hahanap, sabi naman nung driver na aalis na daw sila pag bababa na ako kasi nagmamadali daw sila, sabi ko sandali lamg naman to eh,kaso pagbaba ko doon sa kotse at naghanap na sana sa lost and found, saka pa umandar yung kotse at iniwan talaga ako.

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.