Kapag nasa land reform po ba ang lupa pwede ito bawiin ng dating may ari??

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Tenant po ang tatay ko at registered ito. Nabigyan na po kami ng Emancipation Patent number kaso na cancel po ito...sa dahilan na hindi namin alam.kahit po tinatanong namin sa DAR hindi nila kami msagot.. an lagi lang sinasabi ay generated lang naman daw. Tinatanong naman namin bakit na cancel an sabi sa amin di nila alam..nanghingi ako ng tulong na maibalik ang lupa sa amin kasi binawi ng dating may ari. Ang sabi pa ng MARO sa chiel legal atty, "kasi daw nakikita ng dating may ari na iba ang gumagalaw ng lupa at nsasaktan kaya binawi" pwede po ba gawin yun n bawiin lang? Lahat naman po aligasyon lamang...matagal n po kasi nila gustong kunin ang lupa kaso lagi sila talo sa kaso... kaya ng mastroke ang tatay ko hinarass na kami...sana po maagot ano ang aking mga katanungan.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Jescelyn Del Rosario
is a Legal expert in the Philippines
Ang pagbibigay kasi ng patent ay subject to a condition lalo na agricultural ito so baka hindi na comply ng iyong tatay ang mga conditions kaya ito narevoke. However, mas mabuti po siguro na lumapit na kayo ng abogado para ipaevaluate ang nasabing agreement baka po may laban pa po kayo niyo. Maari po kayo lumapit sa PAO office para po sa kanilang libreng serbisyo or kaya sa isang pribadong abogado para po matulungan kayo at maiguide po kayo sa tamang gawin. Sa ganitong kaso kailangan na po ang mga ebidensya rin na talagang patuloy na may nagcultivate sa nasabing lupain maaring representative ng tatay po ninyo kung sakaling nagkasakit po siya.

About the author

Jescelyn Del Rosario

Legal Services and Litigation works Philippine/Foreign Paralegal Works Graduated AB Political Science and Bachelor of Laws at University of San Jose Recoletos-Cebu Completed Lawyers Trial Academy Training sponsored by IBP Cebu Chapter AIT-DOST Scholar at Cebu Institute of Technology
Profession: Lawyer
MJ Del Rosario Law Office and Associates
Office Address: Block 19, lot 26-27, Deca Homes, Talisay
Philippines , Talisay , Cebu

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.