Kapalaran 2022: Horoscope at Hula base sa iyong Zodiac Sign

Winston Guo
is a Astrologer, Fortune Teller in the Philippines

Ihanda ang sarili sa pagharap sa mga pagbabago sa taong 2022. Kailangan mag-ingat sa mga pagbabagong ito. Isiping mabuti ang bawat hakbang bago magdesisyon.

Ating alamin kung seswertehin ba ang ating zodiac sign pagdating sa ating kalusugan, pera, trabaho, pag-ibig at mga relasyon.
 
ARIES
Ang Aries ay ipinanganak sa buwan ng March 21- April 20. Sila ay malakas ang loob at masigasig sa kahit na anong bagay. Ngayong 2022, mabibigyan ka ng pagkakataong makapunta sa lugar na hindi mo pa napupuntahan at maaaring mabigyan ka rito ng bagong oportunidad.
 
Pag-ibig
Ayon sa astrolohiya, mas lalo kang maging kaakit-akit, makikilala at maraming kaibigan kaysa sa karaniwan. Dahil dito, maaakit mo ang magagandang bagay sa iyong paligid. Mas lalong titibay ang samahan at masagana ang buhay may asawa. Labis na pagmamahal at init sa romansa ang iyong matatanggap mula sa iyong kapareha.
 
Pera
Tungkol naman sa pinansyal, maaaring magkaroon ng pag-angat at pagbagsak. Kailangan balansehin ang pangangailangan at kagustuhan pagdating sa salapi.
 
Trabaho
Magkakaroon ka ng mga bagong ideya at magiging abala sa bagong pamumuhunan. Sa taon ding ito, magkakaroon ka ng bagong negosyo at pag-aari.
 
Kalusugan
Mapapabayaan mo ang iyong katawan at ang iyong diet. Mahalagang mapahinga muna at lumabas-labas. Libangin ang sarili o mag-ehersisyo. Kung nais mong maging matagumpay ngayong taon, huwag magpadalos-dalos. Makinig sa sasabihin ng iba at makisalamuha sa kanila.
 
TAURUS
Ang Taurus ay ipinanganak ng April 21 - May 20. Sila ay may mga mabubuting kalooban at marunong makisama sa kanilang kapwa. Ngayong 2022, maari makakamit ng Taurus ang matagal na niyang inaasam-asam.
 
Pag-ibig
Ngayong taon, ibibigay ng iyong partner ang buong suporta sayo. Siya ang magbibigay ng lakas at pag-asa upang magkaroon ka ng kumpiyansa sa sarili. Labis ang saya at pagmamahal na madarama ng Taurus ngayong taon kung hindi niya gagawin na magloko. Sa huling yugto ng taon, maaaring magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan. Panatilihing balanse ang iyong personal na buhay at trabaho upang walang maging problema sa inyong relasyon.
 
Trabaho
Ang taong 2022 ay swerteng taon para sa mga Taurus. Asahan ang mataas na promosyon sa trabaho kasama ng pagtaas ng sahod. Sa mga taurus na may maliliit na negosyo, asahang magiging matagumpay ito ngayong taon.
 
Pera
Sa unang bahagi ng taon, may posibilidad ng pagdami ng pera dahil sa magandang kita mula sa iyong pinagtrabahuhan. Sa mga may balak magtayo ng negosyo, mag-ingat sa mga manlolokong nakapaligid sayo at huwag agad maniniwala. Bagamat walang problema sa iyong pananalapi, hindi ito ang tamang panahon upang maging magastos.
 
Kalusugan
May posibilidad na magkaroon ng problema sa iyong kalusugan kung patuloy sa mga masamang kagawian pagdating sa pagkain. Siguraduhing mag-ehersisyo at kumain ng mga masusustansyang pagkain.
 
GEMINI
Ang mga Gemini ay pinanganak sa mga araw ng May 21 - June 21. Kadalasang hindi nauunawaan ang mga Gemini, dahil maaaring sila ay may dalawang kasarinlan o personalidad: Ibig sabihin minsan mabait minsan naman may sumpong. Subalit, maraming katangiang magaganda ang Gemini. Karaniwang sila ay matatalino, malikhain, palakaibigan at pinapahalagahan nang wasto ang mga mahal sa buhay.
 
Pag-ibig
Higit na makabubuti kung pananatilihin ang mabuting samahan ninyo ng iyong partner. Para sa Gemini na may asawa, magiging mapayapa ang taong ito para sa inyo.
Bago matapos ang taon, mangyayari ang hindi inaasahang pagbubuntis. Kaya naman posibleng may maganap na kasalan ngayong taon para sa Gemini.
 
TRABAHO
Magiging matagumpay ang iyong negosyo sa kalagitnaan ng taon sa tulong ng iyong pamilya. Subukan ang mga bagay na posibleng gawin sa taong ito.
 
PERA
Maraming pagsubok ang maaaring kaharapin ng Gemini ngayong taon. Tulad na lamang sa usaping pinansyal. Kaya naman umiwas sa mga haka-haka o hindi makatotohanang bagay, sundin ang sinasabi ng iyong puso. Iwasang gumastos ng di naman importante.
 
Kalusugan
Sa unang bahagi ng taon, magiging maayos ang iyong kalusugan. Ngunit sa kalagitnaan ng taon, ang mga Gemini na may matagal ng sakit ay maaaring mas lumala pa.
Gayunpaman, sa pamamagitan ng maagap na gamutan ay maaaring maiwasan ang mga ito.
 
CANCER
Cancer ang iyong zodiac sign kung ikaw ay ipinanganak ng June 22 - July 22. Isa sa mga ugali ng lalaking cancer ay torpe sa nililigawan, samantala mailap naman ang mga babae. Mainitin ang ulo paminsan-minsan, pero sobrang lambing naman sa kanilang pamilya at kaibigan.

Pag-ibig

Banayad at tahimik ang magiging buhay pag-ibig ng mga Cancer sa pagpasok ng taon. Mangingibabaw ang init ng pagmamahalan. Gayunpaman, sa kalagitnaan ng taon ay susubukin ang pagmamahal sa partner. Makakaramdam ka ng pagkabalisa. Ito na ang hudyat upang kausapin at muling maging malapit sa partner.

Pera
Sa pagpasok ng taon ay maaari magiging napakahirap rin ng pagpasok ng pera sayo. Gayunpaman, pagkatapos ng ilang buwan ay magiging maayos na rin ang pinansyal.
 
Trabaho
Sa pagpasok ng taon, posibleng darating ang magiging balakid sa ninanais mong makamit. Magsaliksik upang mas lumawak pa ang kaalaman at kahusayan upang malusutan ang mga balakid sa daan.
 
Kalusugan
Maaaring maapektuhan ng labis na stress ang iyong kalusugan ngayong taon. Huwag hayaan ang maliliit na bagay pagdating dito, makatutulong ang pagiging maagap.
 
LEO
Ang mga Leo ay ipinanganak ng July 23 - August 23. Sila ay mapagbigay at maawain sa kapwa.
 
Pag-ibig
Ayon sa astrolohiya, maari hindi maganda ang takbo ng buhay pag-ibig ng Leo ngayong taon. Maaaring dumaan sa usaping legal tulad na lamang ng divorce. Pinapayuhan na huwag magpadalos-dalos sa gagawing desisyon. Maaaring may maganap rin na kasalan sa iyong pamilya ngayong taon.
 
Pera
Maganda ang pasok ng pera sa iyo ngayong taon. May hindi inaasahang magandang pangyayari ang maaaring dumating sayo na may kaugnayan sa salapi.
 
Trabaho
Sa simula ng taon, magiging maayos ang iyong trabaho. Kung nais mong mas mapalawak pa ang kaalaman, ibuhos mo ang iyong buong kakayanan para rito ng sa gayon ay tuluyan kang magtagumpay. 
Sa mga Leo naman na ngayon pa lang papasok, makakahanap ka ng trabahong nais mo ngayong taon. May naghihintay rin na oportunidad sayo sa ibang bansa.
 
Kalusugan
Ang problema sa iyong trabaho at pamilya ang magiging dahilan ng iyong pagkakasakit ngayong taon o tinatawag na stress. Huwag abusuhin ang katawan, sa halip, ipahinga ang sarili. Makabubuting sumali sa mga pisikal na aktibidad upang manatili ang lakas ng iyong katawan.
 
VIRGO
Ang Virgo ay ipinanganak ng August 24 - September 23. Sila ay may mabababang loob, mahinhin at praktikal sa buhay.
 
Pag-ibig
Sa simula ng taon ay aayon sa mga single na Virgo ang kanilang kapalaran. Makakamit mo ang iyong inaasam na pag-ibig. Sa bandang kalagitnaan naman ng taon, maaaring kang magpakasal kung gugustuhin mo.
Para naman sa mga may asawa, maaaring dumaan sa pagsubok ang inyong pagsasama. Habaan pa ang pasensya at pag-usapan ang mga bagay na hindi na napagkakaunawaan.
 
Pera
Higit na mas malaki ang kita ng iyong partner ngayong taon kaya naman madadagdagan pa ang inyong ipon. Pagpapalain kayo sa pagpasok pa lamang ng taon subalit maingat sa paggastos ng pera at baka ito ay maubos.
 
Trabaho
Maaaring makatanggap ng promosyon sa trabaho at tumaas ang iyong sahod. Pagdating sa negosyo, anuman ang umpisahan mong negosyo ay magiging matagumpay. Ang pakikipagsosyo ay makabubuti rin.
Mas papabor sa iyo ang kapalaran sa unang kalahati ng taon kaysa sa huling kalahati ng taon.
 
Kalusugan
Mag-ehersisyo palagi at libangin ang sarili paminsan-minsan. Iwasan ang mga nakaka-stress na bagay upang mapangalagaan ang iyong kalusugan.
 
LIBRA
Ang Libra ay ipinanganak ng September 24 - October 23. Matatapang ang Libra lalo na sa mga problemang dumadating. Sila din ay positibong mag-isip.
 
Pag-ibig
Susubukin ng tadhana ang inyong relasyon ngayong taon.Sa simula ng taon ay may tensyon na magaganap sa iyong buhay pag-ibig ngunit sa  kalagitnaan ng taon ay maaayos rin naman ito at mananaig pa rin ang inyong pagmamahal sa isa’t-isa. 
 
Pera
Ito na ang tamang panahon upang mag-ipon. Siguraduhing itatabi ito hangga’t maaari. Makabubuting huwag muna gumastos kung hindi naman kailangan. Maari iwasan rin muna ang magpautang sa mga kaibigan at sa pamilya maliban na lang kung ibabalik rin nila ito bago matapos ang taon. 
 
Trabaho
Maayos ang magiging takbo ng iyong karera sa taong ito. Huwag munang makipagsosyo hangga’t maaari upang maiwasan ang problema. 
 
Kalusugan
Pinapayuhan ang Libra na pangalagaan ang inyong sarili ngayong taon. Ang labis na stress ang magiging sanhi upang malagay sa alanganin ang inyong kalusugan, kaya paghandaan ito.
 
SCORPIO
Scorpio ang zodiac sign ng mga taong ipinanganak ng October 24 - November 22. Ang mga Scorpio ay mapagmahal, determinado, masarap kasama, at mabilis makaunawa.
 
Pag-ibig
Simula pa lamang ng taon ay marami na ang maaaring mangyari sa iyong buhay pag-ibig. Kaya naman ihanda ang sarili, maari magkaroon ng matinding pag-aaway. Ngunit sa kalagitnaan ng taon, makakaranas ng tahimik na pagsasama at labis na pagmamahal galing sa kapareha.
 
Pera
Kung pinansyal ang pag-uusapan, ito na ang tamang taon upang ipamalas mo ang iyong pambihirang kakayahan. Bagaman maraming gastusin, magagawa mo pa rin ang makapag-ipon ngayong taon.
 
Trabaho
Sa pagsisimula ng taon, ang iyong trabaho ay magiging kasiya-siya. Kung ikaw ay nasa larangan ng negosyo, umiwas muna sa pakikipagsosyo sapagkat maaari itong mauwi sa pagkalugi o maaari kang maloko.
 
Kalusugan
Ang iyong energy level ay magiging pabago-bago. Magpahinga at mag-ehersiyo upang bumuti ang iyong kalusugan pati na rin ang iyong isip.
 
SAGUITTARIUS
Ang mga Sagittarius ay ipinanganak ng November 23 - December 21. Sila ay maaasahan, marunong tumayo sa sariling mga paa, masarap kasama at tapat. 
 
Pag-ibig
Posibleng mahihirapan ka sa iyong buhay pag-ibig sa unang kalahating taon. Pakiramdam mo ay nasasakal ka sa inyong relasyon kaya naman nais mong lumayo na lamang at maghanap ng iba. Gayunpaman, pag-isipan mo muna ito bago mo gawin. Maaari mong pagsisihan ang iyong pakikipaghiwalay sapagkat makakaramdam ka ng lungkot.
 
Trabaho
Ang taong may mataas na posisyon sa kanyang trabaho ay maaaring swertihin sa pagpasok ng taon. Kung pagbubutihin mo ito, maaaring makatanggap ng promosyon.
Kung gusto mo ng bagong trabaho o umaasa ka na magkaroon ng promosyon sa buwan ng Abril, panahon na upang kumilos.
 
Pera
Kung ang paggastos ang pag-uusapan, ang pinakamainam na paraan ay ang pagbayad ng mga utang. Ito ay dahil may panibagong utang na naman ang darating sayo sa taong ito. Ang mga gastusing ito ay dahil sa iyong pamilya. Kung wala namang malaking pagkakagastusan sa buwan ng Hunyo, itabi na lamang ito upang makapag-ipon at makabili ng ninanais na bagay tulad ng bagong bahay o kotse.
 
Kalusugan
Kung hindi ka man nagkaroon ng anumang malalang sugat o sakit noong nakaraang taon, gayundin sa taong ito. Dahil dito, makabubuting huwag ng baguhin ang iyong diet o mga gawain. Kung hindi naman maganda ang iyong kalusugan noong nakaraang taon, ibahin ang mga nakasayan.
 
CAPRICORN
Ang mga taong Capricorn ay ipinanganak sa pagitan ng December 22 - January 21. May iilan na madalas na ambisyoso at lubos na praktikal. Sila din ay matiyaga at madalas na nakikita bilang mga perfectionists.
 
Pag-ibig
Sa unang buwan ng Enero at Pebrero ay bubuhos sayo ang mga biyaya. Ito ang tamang panahon upang humanap ng bagong mamahalin o maaari rin na magpakasal kung mayroon ng karelasyon.
 
Pera
Maaaring lumaki ang iyong sweldo ngayong taon. Kaya naman maging matalino pagdating sa pera, gumastos lamang kung kinakailangan. Makabubuting itabi na lamang ang pera ng sa gayon ay may madudukot sa panahon ng kagipitan.
 
Trabaho
Maswerte sa trabaho ang Capricorn sa simula pa lamang ng taon lalo na ang mga nagtatrabaho sa service industry. 
Sa kalagitnaan naman ng taon ay seswertehin naman ang mga Capricorn na nagtatrabaho sa sales, real state at may mga negosyo.
 
Kalusugan
Malamang ay nakaranas ka ng kaunting problema sa iyong kalusugan sa simula ng taon. Tulad na lamang ng ubo’t sipon. Pagkatapos ng Marso, aayos rin ang iyong pakiramdam.
 
AQUARIUS
Ang mga Aquarius ay pinanganak ng January 22 - February 19. Maraming magagandang katangian ang mga Aquarian. Sila ay tapat, palakaibigan, malikhain at matatalino.
 
 Pag-ibig
Ito ang tamang panahon upang humanap ng makakapareha kung ikaw ay single pa. Kung nasa isang relasyon naman, makabubuting sorpresahin ang iyong partner paminsan-minsan.
 
Trabaho
Maayos ang magiging takbo ng iyong karera sa simula ng taon. Gamitin ang swerteng ito upang mas lumaki pa ang kita. Gayunpaman, bago matapos ang taon maari hindi na aayon sa iyo ang kapalaran. Dahil dito, mag-ingat sa mga bibitawang salita lalo na sa iyong mga katrabaho. Kung mananatili ang mabuting samahan, magiging maayos rin ang iyong karera.
 
Pera
Magiging maayos ang iyong pinansyal ngayong taon. Mas malaki ang iyong kita ngayong taon kung ikukumpara sa mga nakaraan taon. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang gumastos ng hindi muna pinag-iisipin. Ipunin ang iyong pera.
 
Kalusugan
Magiging panatag ang iyong kaisipan sa taong ito gayundin ang iyong pisikal na pangangatawan. Gayunpaman, kung ang iyong stress noong 2021 ay dadalhin mo sa pagpasok ng 2022, mababalewala ang lahat. Dahil dito, pinakamainam na pangalagaan ang iyong kaisipan ngayong taon.
 
PIECES
Pisces ang zodiac sign kung ipinanganak ng Februwary ruary 20- March 20. Malakas ang imahinasyon at malikhain ang mga Pisces.
 
Pag-ibig
Tahimik ngunit tunay na pag-ibig, ganyan kung ilalarawan ang buhay pag-ibig ng Pieces ngayong taon. Hindi ka magkakaroon ng anumang suliranin sa iyong partner, sa halip, makikita mo sa kanya ang tunay na pagmamahal at pagmamalasakit para sayo.
 
Pera
Sa simula ng taon hanggang sa kalagitnaan ng Abril, may posibilidad na maraming gastusin ang darating sayo kaysa sa nakasanayan. Gayunpaman, nasa sayo pa rin kung paano mo pamamahalaan ang iyong pera sa pagbabayad ng iyong mga utang. Pagkatapos ng Abril, maaari babalik na sa normal ang lahat.
 
Trabaho
Sa kalagitnaan ng taon, darating ang oportunidad sayo kaugnay sa iyong trabaho tulad na lamang ng pag-alis patungo sa ibang lugar. Sa mga Pieces na may negosyo, mas lalago ito sa kalagitnaan ng taon hanggang sa katapusan ng taon. Ito na ang tamang panahon upang mas palawakin pa ang iyong mga negosyo.
 
Kalusugan
Ngayong taon, ang kalusugan ng Pieces ay nasa mabuting kondisyon, gayunpaman, makabubuting mag-ingat pa rin sa lahat ng oras.

About the author

Winston Guo

Profession: Astrologer, Fortune Teller
Philippines , NCR , Quezon City

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials on the Buhay OFW Website are for general information purposes only and should not be construed as religious advice, spiritual advice, opinion or any other advice on any specific facts or circumstances. Readers should not act or refrain from acting upon this information without seeking professional advice. Transmission of information on or by use of this Website is not intended to create, and receipt does not constitute, a client relationship between the sender and receiver. Photographs and other graphics used on this website may be for dramatization purposes only, and may include models or stock photos. Likenesses do not necessarily imply current client, membership, partnership or employee status.