KELAN MALALAMAN GENDER NG BABY? Kailan Malalaman Kasarian Ng Sanggol?

Gabriela Ortega
is a Blogger/ Researcher in the Philippines

Isa sa mga tanong ng karamihan ng mga kaibigan at kapamilya ng mga kababaihang nagdadalang-tao ay ang kung: “Ito ba ay babae o lalake?” Ang kasarian ng sanggol ang pinaka importanteng pinag-uusapan ng lahat at ang iba pa nga ay pinagpupustahan pa ito. Ngunit, walang makapagsasabi hangga’t sa ika-labindalawang lingo ng pagbubuntis maliban lang sa ultrasound na halos isang daang porsyentong garantisado. Ang ibang mga magulang naman ay hinihintay na lamang hangga’t sa paglabas ng sanggol. Narito ang ilang mga paraan para malaman ang kasarian ng sanggol.
 
Paglilihi, Pinaglilihian o Labis na Pananabik sa pagkain
Karamihan sa kababaihan na nagdadalang tao ay nararanasan ang pagkahilig sa mga pagkaing maaalat o mga protina tulad ng keso at karne. Ang iba naman ay matatamis ang gusto tulad ng ice cream, juice at mga prutas. Sa pamamagitan ng iyong mga gustong kainin ay malalaman ang kasarian ng sanggol. Kapag matatamis daw ang mga hilig mong kainin, ang gusto mo ay babae, kapag maalat naman ay lalaki.
 
Pagkahilo o Pagkalula
Kapag hindi makakaranas ng pagsusuka tuwing umaga hangga’t sa unang ikatlong buwan ng pagbubuntis, lalake ito. Babae naman daw kapag nakakaranas ng pagsusuka tuwing umaga sa loob ng labindalawang lingo ng pagbubuntis.
 
Posisyon ng tiyan
Kung ang paga o bump ng iyong dinadala ay nasa mababang posisyon ng tiyan o bandang puson, ikaw ay nagkakaroon ng sanggol na lalaki. Kung ito naman ay nasa mataas na posisyon, asahan daw na magkakaroon ng isang sanggol na babae.
 
Chinese Birth Calendar
Ang 700-taong-gulang na Chinese birth chart ay ginagamit pa rin sa silangan upang matagumpay na mahulaan ang kasarian ng sanggol ng walang tulong ng isang doktor. Sa pamamagitan ng petsa ng sanggol at buwan ng paglilihi, ang kalendaryo ng kapanganakan ng Tsina ay maaaring mahulaan ang kasarian ng hindi pa isinisilang na sanggol. Maaari raw itong magamit bilang isang instrumento ng kuru-kuro kung saan sinusubukan ng mga magulang na magbuntis sa isang tiyak na petsa kung sila ay nagnanais ng tiyak na kasarian.
 
Heartbeat Rate o Pintig ng Puso
Kung ang pintig ng puso ng sanggol ay hindi tataas sa isangdaan at apatnapu kada minuto nagpapahiwatig ito na lalake. Kapag mabilis pa sa isangdaan at apatnapu kada minuto ang pintig ng puso ng sanggol, ito ay babae.
 
Breakouts o Taghiyawat
Naglalabasan ba ang iyong mga taghiyawat at nanunuyo ang mga balat? Kung lalake ang iyong dinadala, mas gumaganda  habang nagbubuntis at ang balat ay mas tuyo. Kapag nababawasan naman ang ganda at nagmumukhang problemado at malambot ang balat, ito naman ay babae.
 
Clorox Test
Ang mga matatanda ay may kasabihan na kapag umihi sa maliit na tasa, lagyan ng isang kutsaritang clorox at tingnan kung paano nag iiba ang kulay nito. Kung naging kulay berde ang ihi, ito ay babae at nagiging kulay asul naman kapag ito ay lalaki.
 
Ring Test
Itali ang iyong wedding ring at itapat ito sa tiyan. Kapag kumilos ito ng pabilog o paikot, ito ay lalaki at babae naman kapag gumalaw papuntang kaliwa at kanan.
 
Matikas na Pagbubuntis
Nangangahulugan ito na ikaw ay may kaaya-aya at kulay-rosas na sanggol sa loob ng iyong tiyan. Kapag ikaw ay malamya, iyon ay marahil isang batang sanggol na lalaki ang iyong dinadala.
 
Direksyon ng Palad
Matutukoy daw ang kasarian ng iyong sanggol na hindi pa isinisilang sa pamamagitan ng direksyon ng iyong palad. Kung ang kamay sa mga palad ay nakaharap pababa, magkakaroon ka ng sanggol na lalaki, kapag pataas naman, magkakaroon ka ng isang batang babae.
 
Anyo ng Suso
Kung ang iyong kaliwang dibdib daw day mukhang mas malaki kaysa sa kanan, ipinapahiwatig nito ang isang sanggol na batang lalaki. Sa kabaligtaran, ang isang mas malaking kanang dibdib kumpara sa kaliwa ay nangangahulugan na nagdadala ka ng isang batang babae.
 
Sa Pamamagitan ng Bawang
Subukang kumain ng bawang. Kung ang amoy nito ay tagos hanggang sa labas ng iyong balat ikaw raw ay magkakaroon ng lalake. Kung hindi mo naman maamoy ang bawang na kinain ay babae naman ito.
 
Karamihan sa mga nanay alam na nila ang kasarian ng kanilang sanggol bago pa man ito maipanganak o kahit pa bago sila nagpapa-ultrasound. Karamihan binabase ang kasarian sa pamamagitan ng mother’sa instinct, mga di-siyentipikong paraan at mga kuwento ng mga matatanda.

About the author

Gabriela Ortega

I'm a freelance blogger, and an aspiring author. Graduate of De La Salle University.
Profession: Blogger/ Researcher
Philippines , Metro Manila , Makati

The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately.

 

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)