Last March nagkadalaw ako peru may nangyari sa amin ng jowa during my period after non nagtuloy pa rin naman period ko.April sumakit ulo ko tapos nagkafever ako ?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History

P

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Maraming dahilan ang pananakit ng ulo at pagkakaroon ng lagnat. Ang pananakit ng ulo ay maaaring dahilan ng stress, kulang sa pagtulog, pagod at marami pang iba. Ang pagkakaroon naman ng lagnat ay maaaring sanhi ng isang impeksyon sa katawan.

Maaari kang uminom pansamantala ng paracetamol upang mawala ang pananakit ng iyong ulo at lagnat.

I-monitor din ang progresyon ng iyong lagnat kung ito ba ay nawawala, o tumataas pa din ang temperatura matapos uminom ng paracetamol. Dapat inumin ang Paracetamol na may laman ang tiyan, kada 4 na oras kung ikaw ay may lagnat pa din.

Ugaliin ding uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration dala ng lagnat at init ng panahon. Maaari ka ring magpunas ng bimpo na ibinabad sa sapat na lamig na tubig sa iyong katawan lalo na sa mga singit singit na karaniwang pinagmumulan ng init gaya ng kili kili, batok, leeg at singit. Magsuot ng manipis at komportableng kasuotan at iwasang magkumot ng makakapal upang makatuling sa pagbaba ng temperatura kung ikaw ay hindi nakakaramdam ng panlalamig o pangingig.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity. Medical History
Posible po bang buntis na ako ?Kasi nong March 24 my dalaw ako ,may nangyari sa amin ng jowa ko peru after non nagtuloy pa rin naman dalaw ko,Peru pagsapit nang April di ako dinatnan posible po kaya buntis na ako?
Charisma Espinol
is a Medical expert in the Philippines
Kung noong Abril hanggang ngayong Mayo ay hindi ka pa din dinadatnan, at nararamdaman mo ang m ga totoong senyales ng pagbubuntis, may tyansa na maaaring ikaw ay buntis. Maaari kang gumamit ng PT upang makumpirma mo ito o kaya nama'y pagpapacheck-up sa isang OB Gynecologist.

About the author

Charisma Espinol

Profession: Nurse
Philippines , NCR , Caloocan City
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.