Pag may nag file case against me here in Saudi Arabia, maka receive ba ng summon o notice?

Chris Mecate
is a telecom technician in Saudi Arabia

Question ko po pag may nag file po ba ng kaso laban sa akin dito sa saudi maka receive po ba ako ng summon or notice from the saudi authority? Or ang present employer ko po ang maka receive ng notice? Salamat po



Topic: If a case has been filed against me here in Saudi, will I receive a sumon or notice from the Saudi authority? Or would my present employer receive the notice?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Teka, ano bang klaseng kaso? Criminal ba? O, civil case? Kung ikaw ay ma-akusahang nag-nakaw, ito ay isang criminal na kaso. Kung ang habla ay patungkol sa iyong trabaho, maaaring ito ay isang civil na kaso.

Sa magkaparehong situwasyon (criminal man o civil na kaso) dapat ikaw ay may personal na notice or summons. Kasi, paano mo naman masasagot ang mga reklamo laban sa iyo kung hindi ka notified na personal ng mga habla laban sa iyo?

Ang pinaka mahusay ay makipag-ugnayan ka sa office of the labor attache sa Embahada ng Pilipinas. Kung may mga NGO diyan katulad ng MIGRANTE, sila ay maaaring makatulong sa iyo sa pamamagitan ng paghahanap ng abogadong makakatulong sa iyo.

Medyo mahirap kasi sa Saudi, lahat na lang diyan ay maaaring maging criminal na kaso. At, laging malaking pera ang sagot para iatras ang mga habla. Isa pa, balitang medyo biased ang legal system ng Saudi sa mga hindi Muslim at lalo na sa mga Pilipino na OFW. Kailangan mo ng expert advice mula sa isang abogado na nandiyan sa Saudi mismo. Hindi makakatulong ang isang abogado na nasa Pilipinas.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty,

Ask ko lng po kc file ng bigamy case sa akin ang dati ko asawa dahil natuklasan nya na nag asawa ako ulit at nakakuha sya ng NSO copy. ngayon po ay mau dumarating na subpena at bahay ng parents ko may bisa ba yong pg file nya sa akin since nasa abroad ako?

pg umuwi ba ako sa pinas meron ba ako hold order sa immigration?

incase mag travel ako sa ibang bansa meron ba ma detect ba na may bigamy case ako sa pilipinas magkakaroon ba ako ng problema incase?


salamat po
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang isang bigamy case na nai-file laban sa iyo ay para dito lamang sa Pilipinas. ibig sabihin, kung ikaw ay nasa ibang bansa, hindi ka naman apektado nito, unless mayroong timbre ang mga husgado sa Pilipinas na ikaw ay dakipin kahit saan ka sa mundo mahanap. Ito ay karaniwang gagawin ng Interpol (International Police) at ang karaniwang mga kasong kriminal na ine-entertain ng Interpol ay iyong mga sindikato (drugs, human trafficking, smuggling, arms dealing, etc.) Ito rin ay ie-entertain ng International Police kung may mga elemento ng krimen na maaaring gawing sa labas ng Pilipinas (tulad na lang ng pamemeke ng salapi, ng cyber pornography, cyber prostitution na maaaring tumawid ng mga border ng mga bansa). Maaarin ding gamiting ang Interpol para dakipin ang isang tao na nasa labas ng bansa kung ito'y may kinalaman sa terrorismo, sa espionage o sa mga war crimes o heinous crime.

Since ang bigamy ay isang crime na may private complainant at ito ay hindi heinous crime. Kaya malamang sa hindi pag-aksayahan ng panahon ng Interpol ito dahil sa may mas mabibigat pang kaso na dapat pagka-abalahan ang Interpol. Ang dapat mong problemahin ay ang pagre-renew mo ng iyong passport. Kapag ang passport mo ay pina-walang-bisa sa Pilipinas ng iyong asawa na nagdemanda ng bigamy, ikaw ay mapipilitang umuwi sa Pilipinas at malamang sa ikaw ay salubungin ng mga pulis sa airport pa lamang.

Maaari din namang mag-apply ng hold-departure order ang asawa mo laban sa iyo, totoo iyon. kasi nga, para ikaw ay mapanagot sa iyong mga ginawang krimen, ang husgado ay maglalabas ng order laban sa iyo. Kung ako sa iyo, bago pa mangyari ang mga ito, alamin mo kung saang husgado naka-file ang iyong kaso, papuntahin mo ang mga kaanak mo doon at ang lahat ng papeles ay ipa-xerox. Tapos, kung wala pa namang hold-departure order laban sa iyo, ikaw ay sumuko sa husgado at ikaw ay magpa-arraign. Kailangan kasing ma-kumbise mo ang husgado na kahit ikaw ay paalis-alis sa bansa, ikaw naman ay bumabalik at wala kang intensiyong takasan ang iyong mga kaso, iyon na nga lamang, ikaw ay may hanapbuhay sa labas ng bansa.

Mas maigi kung harapin mo ang kaso mo sa halip na takasan ito. In the end, mas mapapanatag ka.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty,

maraming salamat po, actually po pinasilip kna sa RTC yong kaso ko at pinatanong ko kng may hold departure order ako at ang sabi ng clerk ay wla naman daw so ibig sabihin pwede pa po ako umuwi ng pilipinas at lumabas ng bansa?

atty ibig po ba sabihin since wla po ako hold departure pwede pa ako mg travel ng ibang bansa halimbawa po mg tourist po ako sa thailand ..from here sa kuwait papunta thailand then balik ako sa kuwait wala po issue doon malaya po ako makabalik sa kuwait ganon po ba atty?


isa pa po atty, tanong ko po regarding sa passport ko ano po ibig sabihin pwede nya ipawalang bisa yong passport ko ? saan ko po pwede pa verify kng pina cancel nya passport ko atty?...incase po hnd nya pinawalang bisa ang passport ko maari po ako mg renew ng passport ko d2 sa kuwait actually by next year mg expire na ang passport ko at kailangan kna mgpa renew...


Salamat po at mabuhay ka atty
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Theoretically (alinsunod sa batas, ang bawat Filipino citizen ay may freedom to travel. So, basta't may requirements ka (pamasahe at gagastusin para sa papeles at sa living expenses mo habang bumibiyahe ka) malaya ka.

Ngayon, just because may mga kasong kriminal na isinampa laban sa iyo, hindi naman automatikong puedeng pigilan ang iyong right to travel. Kailangan munang mag-apply ang nagsampa ng kaso laban sa iyo ng isang Motion sa husgado para mag-labas ang husgado ng hold departure order. At, kung matinik ang sumusulsol sa nag-habla sa iyo, o kaya't de campanilla ang kanyang abogado, mag-aaply din sila sa Department of Foreign Affairs na i-cancel ang iyong passport o kaya'y huwag na i-renew ang iyong passport unless and until dito ka sa Pilipinas magapply ng bagong passport.

Palagay ko lang, hangal na ang abogadong magpapa-cancel ng passport mo kung support ang habol ng babae sa iyo -- kasi, kung ikakansela ang iyong passport, tapos din ang iyong kalayaang mag-trabaho abroad at kumita ng dolyares na ninanais na makuha ng nagdemanda sa iyo.

Having said that, please check with the DFA. Kung ako sa iyo, huwag mo nang sabihin sa ibang tao ang mga plano mo (kung saan ka pupunta at kung kailang mag-e-expire ang iyong passport. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita, sabi nga nila. Siguro, ipagbigay alam mo na lamang sa mga kamag-anak mo kapag naka-rating ka na sa Thailand (ang alam mo hindi kailangan ng visa, basta't passport lang sa Thailand dahil sa ASEAN country iyan). Iyon nga lang, kapag nag-expire ang passport mo habang naroon ka, patay! Baka ikaw ay i-deport! Naka-posas kang uuwi ng Pilipinas. So, ingat ka.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty,

Salamat po ng marami sa iyong kasagutan sa mga tanong ko. appreciated po..

may katanungan pa po ako mula po kasi ng ngfile sya ng bigamy sa akin pinutol ko po yong sustento ng anak ko sa kanya dahil baka ginagamit nya lang pang gastos yong pinapadala kong allowance ng bata sa pag file or pag process ng case sa akin (may isang anak kami at nasa pangangalaga ng kanyang nanay)may mga resibo naman po ako na nagpapatunay na ngpapadala ako ng allowance ng bata monthly before ko tinigil ang pagpapadala..

Mali po ba or tama ba ang ginawa kung pag stop sa pagpapadala ng allowance ng bata ?..

Kung sakaling kasuhan nya ako ng Violence Against Women and Their Children may laban po ba ako sa kanya atty ?


maraming salamat po atty.
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty,
Gusto ko po magfile ng kaso sa asawa ko sa kadahilanang madalang or hindi siya nagsusoporta financial sa mga anak nmin na dalawa.
Pero andito ako sa taiwan gusto sampahan siya ng kaso habang andito ako sa taiwan.
Nakikita ko na din po kasi sa facebook na may babae na siya. Tapos walang soporta sa mga bata.

Sana matulungan nyo po ako.. salamat
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
Atty,
Gusto ko po magfile ng kaso sa asawa ko sa kadahilanang madalang or hindi siya nagsusoporta financial sa mga anak nmin na dalawa.
Pero andito ako sa taiwan gusto sampahan siya ng kaso habang andito ako sa taiwan.
Nakikita ko na din po kasi sa facebook na may babae na siya. Tapos walang soporta sa mga bata.

Sana matulungan nyo po ako.. salamat

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.