Pwede magfile ng bigamy case laban sa asawa ko dati? Can I file bigamy against my wife?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Pwede po ba ako mag-file ng bigamy case laban sa asawa ko dati na halos 12 yrs na po kami hiwalay. Currently po nasa abroad po ako at may gf po ako na halos 7 1/2 yrs na po ang aming relasyon. Gusto na po namin maging legal ang pagsasama namin. Ang dati ko po asawa ay nag asawa ng isang hapon at meron po ako katibayan nito. May anak po kami na hindi nya po pinakita sakin ng ilang taon at ngayon po na nalaman nya na andito na po ako sa abroad ay pinipilit nya ko magbigay ng sustento. Nagsimula na po ko magbigay ng sustento pero sa ngayon po gusto ko po maayos ang papel at gusto ko sya makasuhan. Ano po ang mga tamang gawin ko upang maiusad na ang pagsampa ng kaso?


Topic: Can I file a bigamy case against my wife? We have been separated for around 12 years now. I am now abroad and I also have a girlfriend for around 7.5 years. My ex-wife has remarried another Japanese and I have proof of this. We have a child and she did show me our child for many years, and now after being abroad for many years, she is forcing me to give financial support. I have started providing financial support for my son, but I want to process the paperworks and I want to charge/sue her. What can I do to process this?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ah, medyo magulo ang tanong mo. Ito ang kaguluhan sa isip ko:

1. Ang bigamy ay isang criminal case. Ito ay isang krimen na maaaring ika-kulong ng isang tao. Kung ang gusto mo lamang ay mai-sa-legal ang inyong pagsasama ng iyong GF, bakit mo pa kailangang ipa-kulong ang iyong dating asawa?

2. Ang isang tao ay "guilty" ng bigamy kung siya'y dalawang beses na magpa-kasal. Ibig sabihin ba'y kasal pa siya sa una at ito;y hindi pa napapa-walang-bisa, ngunit siya'y nagpakasal nanaman.

3. Para maihabla mo siya ng bigamiya, kailangang ang kanyang pangalawang kasal ay dito din sa Pilipinas naganap. Kasi, dito sa Pilipinas, bawal ang dalawang kasal na magka-sabay. Sa ibang bansa (mga Muslim) pinapayagan ang mga multiple marriages. So, kung ang kasal ng iyong dating asawa ay sa Japan naganap, kailangan mo pang i-prove
a. na ang pangalawang kasal ay labag sa mga batas ng Japan sapagkat bawal din ang multiple marriages sa kanilang batas doon.
b. kailangan mo ding i-prove na ang iyong asawa ay Pilipino citizen pa noong siya'y magpakasal doon sa Hapon at siya'y saklaw pa ng mga batas ng Pilipinas kahit na siya'y sa Japan pa naninirahan.
c. kailangan mo ding i-prove na kung siya'y naging citizen o legal resident na sa Japan, siya'y hindi pa nag-file ng divorce laban sa iyo.

4. Kung ang nais mo lamang ay mapawalang-bisa ang inyong kasal, bakit hindi ka mag-file na lamang nga annulment? Iyong pangalawang pagpapakasal ng iyong asawa ang ebidensiya mo na may kulang sa kaisipan ang dati mong asawa kasi, hindi niya batid na ang marriage ay exclusive sa iisang tao.

5. Medyo hindi ko gusto ang sinabi mo na humingi sa iyo ng sustento para sa inyong anak ang babae matapos malaman na ikaw ay may trabaho na sa abroad.
a. Una, ang karapatan humingi ng suporta ay likas sa isang anak -- kasi, hindi siya mabubuhay ng walang suporta mula sa magulang at hindi siya magiging masaya sa buhay kung laging nakatatak sa isip niya na hindi siya kailanman minahal ng kanyang magulang.

b. Ang mga mag-asawa man ay mag-hiwalay at magpa-annul, hindi kasama sa hiwalayan ang mga anak -- sila'y inyong mga anak hanggang sila'y mamatay.

c. Marahil ito'y nasasabi ko dahil sa ako'y babae, pero, sa totoo, dapat ay hindi na humingi pa ng suporta ang babae para sa inyong anak -- ito ay iyong obligasyon sa iyong anak kahit na hindi mo na mahal at nasusuklam ka na sa iyong asawa.

d. Marahil, hindi ipinapakita o ipinakikilala sa iyo ang iyong anak dahil sa ikaw nga ay "absent" sa buhay ng bata simula't sapul. Parenting is an obligation that you take upon yourself when you sire a child regardless of your marital status.

Ito'y isang pagkakamali ng iyong dating asawa. kasi, ginagamit niyang pain ang kanyang anak sa iyo para ikaw ay pahirapan o kuwartahan o controlin. I am now speaking as a child advocate. Dapat ma-realize ng mga magulang na ang immaturity ng mga magulang ay may impact sa happiness at well-being ng kanilang mga anak.

Pati ikaw, sa tono ng tanong mo, magbibigay ka ng sustento, pero, gusto mo munang pilitin ang dati mong asawa ng makipag-tulungan sa iyo na mapawalang bisa ang inyong kasal. Hindi ba't ginagawa mo ring pain ang suporta sa bata para ma-control ang asal ng dati mong asawa?

e.Marahil, alam ng dati mong asawa na wala ka namang ipang-susuporta noong araw, at ngayon, dahil sa may maganda ka nang kabuhayan, mayroon ka nang pan-suporta, kung kaya't ngayon ay kailangan mong suportahan ang bata.

Sorry at ako ay nakapag-sasalita ng ganito. Napakaraming mga nagsu-suicide na mga bata dahil sa hindi nila dama ang aruga at kalinga ng mga taong dapat ay magmahal sa kanila.

Mas marami ang nambu-bully ng kapwa bata at gumagawa ng krimen, nagdo-droga na mga bata dahil sa sama ng loob at kawalan ng kalinga at aruga mula sa mga magulang. Anuman ang mangyari sa mag-asawa, hindi dapat isama sa sigalot ang mga bata. dapat, sigurado ang kanilang pagkain, pananamit, tirahan at pag-aaral kahit na magka-hiwalay pa ang mga magulang nila.

So, mabuti at nais mong ayusin ang estado ng inyong relasyon noong iyong dating asawa. Oo, maaari kang mag-file ng bigamiya laban sa kanya, pero sikapin mong ito'y maging solusyon sa iyong problema at hindi parang bato na ipupukpok mo sa iyong ulo o kadena na idadagdag mo pa sa mga kadenang nakatali sa iyong leeg.

Higit sa lahat, kahit na walang tanawin na utang na loob ang iyong dating asawa at kahit na ano pa ang mangyari, magbukas ka ng ATM para iyong anak, padalhan siya ng pera, o kaya'y ikaw ang magbayad ng kanyang tuition sa buong taon. Hindi solusyon ang mga gadget, imported na sapatos o trip to Disneyland para sa kakulangan sa pagmamahal at suporta.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.