Ano ang dapat gawin ng aking biyenan kung ang mga kapatid niya ay gusto na naman siyang ihabla dahil sa lupain na kaniyang namana sa kanilang magulang. Dati na rin nilang inihabla siya ngunit di sila nagtagumpay at sa aking biyenan ibinigay ng korte ang titulo ng lupa.
Ngayon po ay pinuntahan na naman siya ng kanyang kapatid para sabihin na siya raw at ang iba nilang kapatid ay nagbentahan ng lupa at di ko maintindihan bakit ang biyenan ko ang sinisingil sa kanilang ilegal na transaksyon dahil nasa pangalan ng biyenan ko ang lupa. Ano po kaya ang dapat naming gawin para maprotektahan ang biyenan ko? Sa totoo lang po, ito lang lupain ang meron siya, ang mga kapatid niya ay mga nakakaangat na sa buhay. Sana po matulungan nyo ako.. Salamat po.
Translation: What should my mother-in-law do if her sibling (brother or sister) wants to file a lawsuit against her about a piece of land that they inherited from their parents? They filed a case against my mother-in-law in the past, but they lost the case, and the land title was ruled by the court to be given to my mother in law.