Case against my wife who hid in another guy's house - Ano po ang pwede ko ikaso sa asawa na nakikitulog sa ibang bahay na mga lalake?

Charlie Goldwyn Aguilar
is in the Philippines

Ano po ang pwede ko ikaso o ireklamo sa asawa ko na nakikitulog sa ibang bahay ng mga lalakeng katrabaho niya? Nitong nakaraan nahuli ko po sya nakikipaginuman sa puro mga lalakeng katrabaho nya pero nung dumating po ako itinago po sya sa akin.. Hangang sa ako pa po ung naireklamo sa pulisya.. Ngunit pagkalipas ng 2 hours nilabas din nila ang aking asawa dun sa bahay.. Ano po ba pwede kong ikaso sa kanila atty.. Sa mga pulis na pinagkaisahan ako na itago yung asawa ko at dun sa mga katrabaho nya? Maraming salamat po



Topic: What case can I file against my wife who is sleeping in another guy's house (his co-worker)? I found out that she was drinking alcohol with the guy, but when I arrived at the guy's house, they hid her from me. Until I was instead complained to the police. But after 2 hours, they took my wife out of the house. What case can I file against them? And also against the police who were accomplices in hiding my wife from me?



 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Charlie, may mga bagay na hindi maso-solve gamit ang mga kasuhan sa husgado. Hindi ko masyadong maintindihan ang kuwento mo. Ang asawa mo ba ay ilang taon na? Siya ba ay nasa wastong pag-iisip? Siya ba ay may trabaho? Kasi, ang taong may asawa, at mature siya emotionally, hindi na niya kailangang magpa-saway pa sa kanyang asawa. Alam niya kung ano ang tama at maling gawin at iiwasan niyang gawin iyong hindi makabubuti sa inyon pagsasama, at hindi makapag-bibigay ng magandang huwaran sa kanyang mga anak.

Sa tingin ko, kaya tinatago ng mga barkada niya ang iyong asawa, ay dahil sa asawa mo mismo ang gustong magtago sa iyo at umiwas sa iyo. Kung ganoon, walang kaso kang maisasampa para ang isip at damdamin ng iyong asawa ay baguhin.

Sa kabilang banda, ang iyong asawa ay nagpapakita ng mga sintomas ng psychological incapacity -- kumbaga, hindi niya batid kung ano ang obligasyones na pinasok niya noong siya'y magpakasal sa iyo. Hindi niya batid na kung siya'y magpapakasal, ang prioridad niya ay ikaw at ang inyong pagsasama. Ikaw, higit sa lahat ang kanyang laging gustong makapiling at maka-ulayaw. Ngayon, kung simula't sapul na kayo'y ikasal ay mas gusto pa niyang maki-tulog at maki-pisan sa ibang tao,lalo na't mga kabarkada niya (hindi kaya't siya't isang latent homosexual na nagpakasal lamang sa iyo dahil sa ayaw niyang malaman at mahayag na siya nga ay isang homosexual?) Maari din kasing feeling niya'y napilitan lamang siyang magpakasal dahil sa pressure mula sa mga magulang, kung halimbawa's nabuntis ka niya na di pa kayo kasal --- mga ganoong mga scenario.

Dapat ay mag-usap kayo ng masinsinan. Alamin mo ang dahil niya't hindi niya nais na tumira at umuwi sa iyo. Kasi, kung honest kayong mag-uusap, malalaman mo ang tunay na problema. Baka magawan pa ninyo ng paraan. At kung hindi naman madadaan sa masinsinang usapan, baka ang dapat ay magpa-annul na kayo ng inyong kasal at nang kayo'y malaya nang pareho na makahanap ng ibang makapag-papaligaya sa inyo.

Kung ang itinatanong mo naman ay kung ano ang maisasampa mong kaso laban sa mga pulis, well, dereliction of duty laman ito at ito ay abala lamang sa iyo. Kung ang sinasabi mo naman ay ayaw na ng asawa mo ngunit siya'y pilit na ikinukubli ng kanyang mga barkada, well, kung ito'y labag sa nais ng iyong asawa, puede kayong magdemanda ng kidnapping or illegal detention. Yung nga lang, palagay ko'y ang problema ay nasa sa iyong asawa -- hindi sa kanyang barkada. Tinutulungan siya ng kanyang barkada dahil sa may alam sila tungkol sa iyong asawa na hindi mo alam.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.