Can I file annulment after only 1 year separation?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ask ko lng po if pwede na ako mag file ng annulment sa June...1 yr palang kme hiwalay ng asawa ko...payag nman sya mag hiwalay kme....matagal na po kami may problema dahil nga sa babaero at matakaw sa alak..at nahirapan sya mabigyan ako ng anak....then nung nag punta ako hk..lagi sya nawwrong send sken sa babae nya..then meron din sya ginawa sa sister ko hindi ko mapalampas kse nung tumira kaptid ko na babae samin pinakitaan nya ng sperm kapatid ko after nya mag sarili..kaya pla umuwi kapatid ko nun..maari ko po ba kau kunin legal council ko para dito.






Topic: Can I file annulment if we've only been separated for a year? My husband is willing to file annulment. We had problems because he is a womanizer and he is an alcoholic, and he can't give me a child. When I went ot HK, he often missends text messages intented for her other women. Also he did something bad when my sister stayed in our house. That is why my sister went back home immediately.

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang psychological incapacity ay isang ground para magpa-annul ng kasal. Wala namang time-frame na isinasaad ang batas para ikaw-ay mag-file ng annulment. Kung may mga grounds ng annulment, maaari kang mag-file ng petition for annulment basta't ang kasal ninyo ay after 1989. Ito iyong taon kung kailang nagkaroon ng bisa ang Family code. Ang mga ikinasal bago 1989 ay ikinasal sa ilalim ng Civil Code. Mayroon silang ten years o hanggang 1999 upang mag-file ng annulment sa ilalim ng psychological incapacity.

Ang psychological incapacity ay isang personality disorder. Dahil sa ang isang tao ay may personality disorder, hindi niya maibibigay o magagampanan ang kanyang obligasyon bilang may-asawa.

Yung mga binanggit mo na laging nambabae ang iyong asawa, kailangan ay may proof ka nito. Kailangan ding maipakita mo sa husgado na ito ay isa nang ugali ng iyong asawa (lagi na niyang ginagawa -- na nakikipag-relasyon pa sa iba kahit na siya'y may-asawa na). Ito ay mga senyales na ang di-batid ng iyong asawa na ang kapag kasal ka na, naka-tali ka na sa iisang babae o iisang lalaki, hindi ka na puedeng makipag-relasyon pa sa ibang babae o lalake.

Iyong ding pag-inom na labis ng alak -- kung siya'y hindi makapag-trabaho, hindi na maka-function sa buhay dahil sa kanyang pag-inom, ito ay senyales ng isang malalim na problemang psychological at emosyonal.

Kapag ang tao ay nagpaparaos sa kanyang sarili kahit na siya'y may asawa na, medyo senyales din iyan na hindi niya batid na dapat ay ang buhay sekswal ay para sa pleasure ng asawa, hindi pansarili lamang. Kung siya'y nagpapakita ng kanyang ari o nang kanyang sperm sa ibang tao, lalo na sa kanyang pamilya, ito ay ebidensiya ng isang personality disorder dahil sa hindi ginagawa ng taong matino ang mga bagay na ito. Ang mga sexual activities ay pribado -- hindi ito inilalathala sa iba liban na sa doktor.

Mas mabuti siguro, bago kayo magfile ng petition for annulment, yayain mo muna ang iyong asawa na kayo ay magpa-counseling sa isang psychiatrist. Kailangang dalawa kayong komunsulta at ilathala ninyo sa kanya ang inyong problema. Humiling ka na kayo'y i-evaluate at i-assess. At hilingin mong ang evaluation at assessment ay ilagay sa isang written report. Humingi ka ng kopya. Kung ang findings ng psychiatrist ay may personality disturbance ang iyong asawa at may mga pananaw o paniniwala siyang hindi pangkaraniwan patungkol sa kasal at sa buhay sekswal, doon mo malalaman kung ikaw nga ay may sapat na ebidensiyang katanggap-tanggap sa husgado upang ikaw ay manalo sa iyong petition for annulment.

You need proof. Clear at convincing evidence ang kailangan, hindi basta preponderance of evidence.

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.