Child Support / Deportation

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Pwede po bang mag file ng kaso sa tatay ng anak ko na nasa u.s permanent residence pa lang sya. May trabaho po dun. Hindi po kami kasal may isang anak po kami. Nung una nagkakausap pa kami, nagbibigay sya pag sinabihan na wala pang gastos sa bata saka lang magbigay minsan wala talaga maibigay. Pero po ngayon hindi na ngbibigay hindi sumasagot ayaw ako kausapin. Hindi rin nya nilagay anak ko sa pwede nyang ipetition nya. Pwede po ba syang mapa deport?



Topic: Can I file a lawsuit against the father of my child, who is in the United States? He is a permanent resident in U.S., so not yet a U.S. citizen. , but has a job there. We are not married. At first, we still had communication and he would sometimes give some support if I asked for it. But now he is not giving anything at all and is not answering my calls, seems to be avoiding me. He also did not include our child as relatives that he could petition for. Can he be deported back here?




 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Tama ba ang intindi ko? Yung ama ng anak mo, immigrant status na sa US? Ibig sabihin ay legal permanent resident status na siya? May green card na?

OK, ang isang LPR status na tao sa US ay maaaring ma-deport kung halimbawa habang siya'y LPR status, siya'y mag-commit ng crime o misdemeanor. Ngayon, may nababasa akong mga LPR sa US na pinade-deport dahil sa mga traffic violations or kaya'y drug possession charges. Wala pa akong nababalitaan na mga LPR na napa-deport dahil sa failure to pay child support. kasi, wala pa din akong alam na mga batas sa US na nagpaparusa ng hindi pagbibgay ng financial support sa mga anak (hindi ko alam kung ito'y criminal act sa US. Dito kasi sa 'Pinas, ang di pagsuporta sa mga anak ay isang form of abuse ng bata, so it's a criminal act).

Kung patungkol naman sa paglilista ng bata bilang isang tao na puede niyang i-petition, hindi ko masiguro kung ito'y puedeng i-claim ng isang bata bilang karapatan niya. Puedeng test case ito, alam mo? Kasi, ang mga batas ng US, nagbibigay ng "privilege" sa mga LPR na ipasok din ang kanilang mga anak, asawa, nanay at tatay, pati na mga natural biological children kahit hindi sila kasal sa mga ina o ama noong kanilang biological child.

Hindi ko alam kung mapipilit ng husgado na ilista ng isang green card holder ang isang bata na kaniyang natural child. Ang mga sagot sa katanungan mo ay masasagot ng mga immigration lawyers sa US.

Ang alam ko, kung ikaw ay gagawa ng claim, baka kailangang ikaw ay mag-file sa US Immigration Service. Kung mag-file ka naman doon at iyon pala'y ang hindi pag-suporta sa anak ay ground for being considered na "deportable" -- eh, di, lalo namang malilintikan ang mga chances ng anak mo pati na ang ama niya -- kung baga, kinatay ang patabaing baboy na ibebenta sana.

Kailangan mong kumausap ng isang US immigration lawyer. Hindi ako. Kasi, hindi ko field iyan.

Ang masasabi ko lang: kung sa birth certificate ng bata, naka-pirma ang ama at ang apelyido ng bata ay sa ama, may chance ang bata. Baka nga puede kang directly mag-file na ma-include ang bata sa list of relatives na puedeng i-petition. Ang isa pang isyu diyan ay, ilang taon ang bata? kasi, dapat mga menor de edad lamang ang puedeng i-petition at kung of majority age na, kailangan hindi pa kinakasal ang bata.

Iyon na nga lang, kapag natuloy ang petition ng bata at ang bata ay menor de edad, paano naman ang bata? Kanino siya titira doon? Ikaw, bilang ina ng bata, wala ka namang karapatan na sumali sa petisyon noong ama nung bata. Bukod doon, hindi ka rin naman mai-pepetition ng anak mo hangga't siya'y may legal capacity to act na. Matitiis mo ba'ng mawalay sa iyo ang anak mo? Ibibigay mo ba siya sa tatay niya? Paano kung may asawa na't mga anak iyon doon na iba? Ta-tratuhin ba niya ng patas ang bata kung doon sa kanya tumira ang bata?

Isipin mo din iyon -- baka naman apihin ang bata doon, eh, di, kawawa naman siya doon, mag-iisa siya sa mundo, walang kakampi, walang masulingan.
Ayssa Zabal
is in the Philippines
Magandang araw po. Gusto po ipadeport nung asawa ng tito ko sya sa denmark dhl may asawa n sya dung bgo knsal dn p cla dto sa pinas ble 2beses p knsl ung tito k dto kasama npo nya ung kbt at 1anak dun sa denmark nya dun anu png lbn ng totong asawa at anak dun pde p b nla ipadeport ang tatay nila?
Sarah Garlejo
is in the Philippines
Tanong lang pwde po ba padeport ang tatay ng pamangkin ko, kc may anak po sya dto sa pinas pero ndi po sila kasal nung nanay. Tapos nag asawa po dun ung tatay ng pamangkin ko.. Nakalong na po sya dun sa jeda saudi arabia dahi sa matagal ng expred ung icama nya. Tapos ndi pa nya sinusustentuhan ang kanyang anak pilipina din po ang napangasawa nya..

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.