Child Support - How to demand child support from father of my child?

anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.

Ano po bang proseso sa paghingi ng child support sa ama ng aking anak? Nakaapelyido yung bata sa ama, hindi kami kasal at may ibang pamilya na rin siya. Sinubukan ko na siyang kausapin tungkul dito, noong unang mga buwan nagbibigay ngyon hindi na naman at pinagtataguan na ako. Ano po hakbang ang aking gagawin? Gusto ko na po siyang kasuhan. Salamat po.



Topic: What is the process for asking for child support from the father of my child? The child is using the surname of the father. We were not married and he has another family now. I tried to talk to him about this. The first month, he gave some money, but not anymore and he is now hiding from me. What steps should I take? I would like to file a case against him

 

Reply as anonymous (Your real name and picture will not be seen)
Adelaimar C Arias-Jose
is a Legal expert in the Philippines
Ang pinaka umpisa ay ang pag-susulat ng isang demand letter na naka-address doon sa ama noong bata. Mas maiging abogado ang gumawa ng liham, pero puede din namang ikaw. Sa demand letter, kailangang sabihin mo king magkano ang buwanang suportang kailangan ng bata para sa pagain, pag-aaral, etc.

Maigi ding magbukas ng ATM account na ITF para sa bata. Para deretso nang idedeposito nung ama doon. Kung may mga resibo sa pinagbayaran sa eskuwelahan, sa doctor o kung saan pa mangnpinagka-gastusan, ilakip mo sa sulat.

Bigyan mo ngnpalugot na 10 araw upang mag-deposito ang lalaki at kung hindi, gagawa kana ng hakbang upangnpangalagaan ang mga interes ng bata. Ito na iyong pagpa-file ng habla para sa support.

Dalawang sangga ang habla ng support. Ang isa ay isang civil case na isasampa sa family court. Ang isanga sangga ay hablang criminal. Ito ay isasampa sa Prosecutor's Office. Sa ilalim kasi ng R.A. 7610, ang hindi pagsusuporta sa anak ay isang uri ng child abuse o pagmamalupit sa anak. Kung mapatunayan ito, ang ama ay maaaring makulong. Iyan angnpagkakaiba sa dalawang klase ng hablang iyan.

Sana'y mapag-tanto ngnama na kahit na hindi na kayo nagsasama, ang bata pa rin ay anak niya na nangamgailangan ng suporta. Good luck sa iyo.
Amy Cuya
is in Bahrain
atty.bimbi
i almost have the same issue may anak po ako almost 11 yrs old now ang father niya is sundalo dala dala ng anak ko apelyido ng tatay niya kahit di kmi kasal .i am currently working here in abroad po gusto ko sana malaman if pwede ko ba ihabol ang sustento ng anak ko kasi ni minsan po hindi nagkusa magbigay ang ama niya sa anak ko grade 4 na po this time ang baby ko kung ilang taon na siya yun na din po kahaba ang panahon na pinabayaan niya obligasyon niya sa anak ko.atty.gusto ko po sana malaman san ako magsisimula at paanu ko maipaglalaban ang karapatan ng anak ko.salamat po..
Jen Liwanagan
is in Japan
Pano po ako magpapadala ng demand letter for child support kung ofw ang tatay ng 2 anak ko?
Sherine Camilon
is in the Philippines
Atty. Bimbi I have the same issue. May anak po ako na edad na apat na taon.Sa totoo lamang po ay ginawa ko iyong sinabi ninyo na demand letter. Abogado pa po ang gumawa niyon pero hindi niya po iyon pinansin. This was latter month of 2014 nang makipaghiwalay siya dahil kinasama na po niya ang kasamahan niya sa barko. Nitong taon ko na lamang po nalaman na nakaalis na po uli siya at nakasa kay na ulit sa barko dahil may common friend namin ang nagsabi. Hindi ko po alam kung saang ahensiya na siya konektado at kung sakaling alam ko naman po ay hindi rin ako papansinin ng ahensiya dahil hindi naman kami kasal at tiyak na hahanapan ako ng court of order regarding sa child support. sa totoo lamang po ay wala na akong balak magsampa ng kaso para sa suporta sa bata dahil naigapang ko naman po ang pangangailangan ng anak namin sa loob ng mahigit na isang taon na hindi siya nagbibigay ng sustento. Pero dahil po mag-aaral na ang anak namin ay gusto ko na pong humingi ng suporta sa kanya. Sinubukan ko po siyang i-message pero ang sagot niya lang po ay marami pa siyang binabayaran na utang. Kapag naririto naan siya sa Pilipina, ang katwiran niya ay wala siyang trabaho. Puwede ko pa ba itong idulog sa Municipal Trial Court? Sa totoo lamang po ay isa lamang akong casual employee ng LGU at wala po akong pangsuporta sa kaso kung saka-sakali.Paano po ba ang aking gagawin?wala namna po siya dito sa Pilipinas at kasalukuyang nasa barko. Maraming Salamat Po.
EMilisa Cantos
is in the Philippines
Paano ka makakahingi ng sustento sa ama ng anak mo kung nagtatago naman c lalaki?
anonymous
This person has chosen to hide his/her identity.
pwede po bang magfile ng child support sa embassy kung kami po ay parehong OFW at nasa iisang bansa lamang?

About the author

Adelaimar C Arias-Jose

I am a graduate of the UP College of Law. Member of the Integrated Bar of the Philippines since 1995. I am currently involved in private practice in criminal, civil and labor law.
Profession: Lawyer
Adelaimar C. Arias-Jose
Office Address: #34 St. Michael Street
Philippines , Manila , Makati
The medical information contained in this section is not intended for treatment or prescription. It is used to complement, not replace, the communication between a patient and their physician. Reliance on any information provided by BuhayOFW or any medical experts is solely at your own risk. If you have a medical emergency, call your doctor or go to the hospital immediately. BuhayOFW's Medical Review Board is a team of board-certified doctors who ensure our content is medically accurate and reflects the latest in health information. Our experienced board of medical professionals verify that our content is thorough and all-inclusive, in order that you can trust the information you read here will help you through improvements in your health journey—whether that’s for yourself or for a loved one.

Disclaimer: The materials available in the Buhay OFW web site are for informational purposes and not for the purpose of providing legal advice. You should contact your attorney to obtain advice with respect to any particular issue or problem. Use of and access to this Web site or any of the e-mail links contained within the site do not create an attorney-client relationship between Buhay OFW and the user or browser.

If you are a legal expert who would like to help answer questions, please register here.